Episode 21

1063 Words
"Finally! Nawala na rin ang dalawang asungot na iyon!" Napahiga ako sa aking kama habang nakadipa ang mga kamay ko. Buti na lang talaga napagod din ang mga iyon kaya napagpasyahan na nilang umalis sa bahay nila kuya Jeppy. Umayos ako ng aking pagkakahiga at malalim na tinignan ang kisame sa k'warto ko. "Hay! Totoo kaya ang sinasabi ng dalawang iyon?" Iniling ko ang aking ulo at dismayado ako sa aking sinabi. "Ano ba itong iniisip natin? Baka posible kasi kung sasaktan nila ako, yari silang dalawa kay kuya Jin." pagtutuloy kong kausap sa aking sarili. Napabangon ako ng maalala ang mukha ni Denver kanina. Bakit kailangan naming mag-usap? Matagal naman na kaming tapos. Matagal na kaming hiwalay kaya ano pang saysay ba't kailangan pa niyang magpaliwanag sa akin. "Urgh!" mariing sigaw ko at saka ginulo ang buhok ko. "Naiinis na ako! Gusto ko lang naman ulit maranasang kiligin pero ba't may kailangang bumalik pa?" Napasubsob ako sa kama at malalim na bumuntong hininga. Bakit kailangan kong mamoblema? Bakit ako lang dapat nag-iisip sa mga iyon? Umiling-iling ako hanggang nahilo ako dahil sa pinaggagawa ko. "Kailangan natin mag-relax, Nene. Kailangan nating mag-party!" Kinuha ko ang aking phone sa side table, 'di na ako nagpatumpik-tumpik at tinawagan ang number ni Kamilla. "Hello, girl? Napatawag ka?" paos nitong sagot sa tawag ko. Kagigising lang yata ni Kams. "Kams! Let's party! May alam ka bang party along BGC?" I asked. Kailangan ko talaga ngayon ang magsaya para kahit sa maikling oras makalimutan ko sina Warren at Wayne. "Wow! Si Nene ba talaga itong kausap ko? Ikaw, nagyayayang pumarty? Anong nakain mo, ha?" bakas sa boses niya ang pang-aasar dito. Dapat pala si Pillow muna ang tinawagan ko at hindi ang isang ito. "Kailangan kong mag-party, Kams. So, may alam ka ba?" pagtatanong ko ulit sa kanya. Kailangan kong sumaya at makalimutan muna silang dalawa at maging si Denver na nagpapagulo ulit sa isipan ko. "Wait, mag-browse sa internet to see kung may party this night sa BGC..." anito sa akin. Naghintay ako sa kanya at mukhang naghahanap na yata si Kams. "Hello, Nene? Nakahanap na akong party sa BGC! Sa may Revel at the Palace ang venue. Nakapag-reserve na ako ng seat natin, Nene!" masayang balita niya sa akin. Pagdating talaga sa mga party ni Kams ang maaasahan sa ganito. "Sure! What time ang party doon?" pagtatanong ko sa kanya at pumunta ako sa closet ko para mamili na ng susuotin. "10PM nagsisimula ang party roon, Nene! So, punta ako sa inyo ng 9PM, I guess, what do you think, Nene?" balik na tanong niya rin sa akin. May narinig ako sa kabilang linya na maingay, mukhang naghahanda na rin siya para mamaya. "Sure, 9PM call-time, ha? I'm gonna call you back, Kams! Tawagan ko pa si Pillow para i-inform siya sa party na pupuntahan natin." Inipit ko ang aking phone sa pagitan ng kanang pisngi ko at kanang balikat ko para hindi mahulog. May kinukuha kasi ako sa pinakadulo ng damitan ko. "Okay! See yah later, Nene!" She ended the call. Nang makuha ko ang black dress, isa itong glitter crisscross backless dress na binigay ni Tita Jewel sa akin pero 'di ko naman ginagamit kaya nilagay ko sa pinaka-ilalim. Tinanggal ko ito sa plastic. See, hindi ko talaga nagagamit pa. Inamoy ko ito kung may masamang amoy pero wala naman. Kumuha ako ng hanger na nandito sa k'warto ko at sinabit ito. Hindi naman lungkot ang dress kaya ayos lang suotin para mamaya. Binalingan ko ulit ang phone ko at sunod kong tinawagan si Pillow. "Hi, Pillow! Gusto ko lang sabihing may pupuntahan tayong party mamaya!" pag-a-announce ko sa kanya. "Eh? Party? Saang party naman iyon?" bigla niyang tanong pabalik sa akin. "Sa Revel at the palace, Pillow. Si Kams na ang magsusundo sa ating dalawa. 9PM ang call-time, ha?" paalala ko sa kanya. "Sure niyang 9PM, ha?" paniguradong tanong niya sa akin. Napatawa ako sa tanong niya, "Oo, sharp nine in the evening, Pillow! See you later! Wear a sexy dress!" pang-aasar ko sa kanya. "Of course! Baka makahanap tayo roon ng papi natin!" magiliw nitong sabi sa kabilang linya. Napahalakhak naman ako sa sinabi niyang Papi. "Kaya paghandaan natin ang susuotin natin mamaya, Pillow! Bye! Magpapaalam pa ako kay kuya Jeppy!" paalam ko rito at binaba na ang tawag. Bumaba ako sa sala upang magpaalam kay kuya Jeppy. Papayagan naman niya ako panigurado pero gusto ko pa rin magpaalam, siya na lang ang kamag-anak na mayro'n ako. Wala akong taong nadatnan sa sala. Tahimik dito at walang bakas na anino ni kuya. Kaya nagpasya akong pumunta sa office room niya, nasa third floor niyon ng bahay. Nang makarating sa tapat ng office room niya, kumatok muna ako ng tatlong beses at saka dahan-dahan binuksan ang pinto. "Kuya?" tawag ko sa kanya. Nakaupo kasi siya sa kanyang office chair niya habang todo tingin sa laptop na nasa harapan. Tumaas ang kanyang mukha at tinignan ako nang maigi saka bumalik ang tingin sa laptop. Lumapit ako sa kanya, umupo ako sa silyang nasa harapan ng kanyang desk. "Balak ko pong magpaalam na pupunta kami nina Pillow and Kams sa BGC..." nahihiyang paalam ko sa kanya. Wala siyang sinabi sa akin. Tumigil ang kanyang pagtipa sa kanyang laptop at tinignan ako. Tinagal pa niya ang kanyang salamin sa mata. "Saan sa BGC, Nene?" pagtatanong nito sa akin. Sumandal ito sa kanyang office chair at hinilot ang magkabila niyang sentido. "Sa Revel at the palace po. Promise magbe-behave po ako roon. Payagan mo na ako, kuya, first time ko lang naman magparty." pagmamakaawa ko sa kanya. Binigyan ko pa siya ng isang nagmamakaawang mukha para lang payagan niya ako. "What time ka aalis? At, anong oras ka babalik?" seryosong tanong niya sa akin. Nag-isip ako ng mabuti para sa tanong niya. "Ten in the evening ang party, kuya Jeppy. Before midnight ang uwi namin?" Tumango siya sa sinabi ko. "Okay." Nagulat na tumingin ako sa kanya. Okay lang ang nakuha kong sagot ko sa kanya. "Seryoso ka, kuya? Paano kung lumagpas ako sa pag-uwi?" pagtatanong ko ulit sa kanya. Ngumisi ito sa akin at sinagot na naman niya ako ng isang 'Okay.' Hindi ko inaasahang papayag siya agad na hindi man lang kinikilatis kung may kasama pa ba kaming ibang tao nila Pillow. Wow! Ano kayang nakain nitong si Kuya Jeppy at ang bilis niyang pumayag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD