"Ano ba bitawan mo sabi, Wayne?" Pagbabanta ko sa lalaking nasa gilid ko. Rinig ko namang tumawa sa kabilang gilid ko ang kakambal niyang si Warren.
Sumasakit ang ulo ko dahil sa kanilang dalawa. Paano ba naman kasi pare-parehas naming hawak ang push cart 'di ko tuloy maliko sa ibang food section itong push cart.
"Bitawan niyo nga parehas itong push cart!" Mariing na sabi ko sa kanilang dalawa pero walang bumibitaw. Sinamaan ko sila ng tingin pero 'di tumalab man lang.
Hingang malalim, Nene. Lalo lang akong mabubwisit sa dalawang ito.
Pinapagaan ko ang aking sarili at ngiting aso silang tinignan. "Go, kayo na maghawak d'yan! Ayaw niyong bumitaw 'di tayo agad matatapos sa bibilhin." Sabi ko sa kanila at nauna ng maglakad.
Hindi ko nga alam ba't pumayag si ate Jasmine na isama sa akin ang dalawang ito. Imbis na makakatulong sila sa akin, naging sakit sila sa ulo ko at bumagal ang pamimili namin.
"Warren at Wayne dito," tawag ko sa kanilang dalawa at lumiko ako sa canned goods section. Nakita ko namang sumunod sila sa akin.
Kumuha lang ako ng mga nakalista rito. Hindi kasi p'wedeng si ate Jasmine ang mag-grocery kasi 'di papayag ang mga pamangkin kong 'di sila kasama. Kinukuha naman nila Wayne sa aking kamay ang mga kinukuha kong de-lata.
"Doon na tayo next sa meat section, dalian niyo itulak niyan." Pagsusungit ko sa kanila at nauna na namang lumakad.
Nilingon ko sila sa aking likuran, nakita ko pa silang mga sumisipol at ngingiti-ngiti sa mga babaeng tumitingin sa kanila. Mga playboy talaga kahit kailan. Tsk. Napailing na lang ako at lalo kong binilisan ang paglakad ko.
Tinungo ko agad ang frozen food na nandito. Tumitingin ako sa mga hotdog, ham and tocino na nakalista sa listahan ni ate Jasmine.
"Nasaan na ba ang mga iyon?" Bagot na sabi ko at tiningnan ang dinaanan ko pero walang Wayne at Warren akong nakikita.
"Nene,"
Nanigas ako sa aking kinatatayuan at maging ang hawak kong hotdog sa kaliwa kong kamay ay muntik ko pang mahulog.
Napalunok ako at nilingon ang tumawag sa akin. Bakit ngayon pa? Bakit dito ko pa siya nakita? Ang dami namang lugar na p'wede ko siyang makita, bakit dito pa?
"D-denver..." Nauutal kong sabi sa kanya. Naging sunod-sunod ang paglunok ko at namamasa na ang palad ko dahil sa tensyon na ito.
Sunod-sunod ang naging paglunok dahil sa kabang nakita ko siya. Ilang buwan ko na ba siya hindi nakikita at nakakausap?
"Can we talk after mong mag-grocery?" Napapikit ako ng marinig ang boses niya.
Totoo ba ito? Nasa harapan ko ba siya talaga? Baka panaginip lang ito.
"Uhm... A-ano kasi..." paputol-putol kong sabi sa kanya. Kinukurot ko na ang aking sarili ng palihim para mawala ang kaba sa dibdib ko.
Nasaan na ba iyong dalawang iyon? Kung kailan kailangan ko sila bigla naman sila naglaho. Bwisit talaga!
"...may gagawin pa kasi ako, D-denver." pagtatapos ko ng aking sasabihin.
Sana naman makaramdam ka, Denver. Ayoko kitang makausap man lang.
"Kahit saglit lang, Nene. M-may ipag--"
"Baby girl,"
Sabay kaming napalingon ni Denver sa dalawang taong sabay na nagsalita at nakita namin ang mga mata nina Wayne at Warren.
"Kasama mo sila?" Pagtatanong niya sa akin habang nakaturo pa sa dalawa ang kanyang daliri.
Napanganga ako at hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Need ko bang mag-explain? Matagal naman na kaming wala.
"Baby girl, sabi ni ate Jasmine bilisan na natin mag-grocery. Josev is crying waiting for you." Marahan na sabi ni Wayne sa akin.
Ang mga mata niya ay nakatingin sa akin habang ang mga mata ni Warren ay pilyong nakangiti kay Denver.
"G-gano'n ba?" Pagtatanong ko sa kanya at tumango ito sa akin. Lumingon naman ako kay Denver na mukhang dismayado ng makita ang kambal. "Hindi talaga p'wede, Denver. Sa susunod na lang." Aniya ko sa kanya at ningitian siya.
Dapat ba akong magpasalamat na dumating ang dalawa at hindi ako napilit ni Denver na sumama sa kanya.
Lumingon ako sa aming likuran at nakita roon si Denver na nakatayo habang nakatanaw sa aming tatlo.
NAKAUWI rin kami agad, konti lang din kasi ang mga namimili roon sa pinuntahan naming supermarket.
Pagkababa pa lang namin sinalubong na agad ako ni Josev, umiyak nga ang isang ito. Namumula pa kasi ang ilong at pulang-pula rin ang magkabilang pisngi niya. Nagising siguro ito 'tas hinanap agad ako.
"Don't cry na big boy, nandito na si Tita Nene. May pasalubong ako sayo." Magiliw na sabi ko sa kanya at hinawakan ang kaliwang kamay niya.
Bago kami pumasok sa kusina, nilingon ko pa ang dalawa. "Ipasok niyo iyan sa kusina, iligpit niyo na rin mga pinamili natin." Utos ko sa mga ito at pumunta na talaga sa kusina.
Pinasok na kasi ni Wayne ang binili naming Hawaiian pizza, favorite ni Josev ang pizza flavor na ito.
"Come on, Josev." Tawag ko rito at pinaupo siya. "D'yan ka lang, ha?" Bilin ko sa kanya at kumuha ng apat na plato at baso para makakain na rin ang dalawang iyon.
Nakita namin ni Josev na pumasok ang dalawa sa kusina, bitbit ang tatlong kahon na pinamili namin.
"Nandoon iyong pantry, ha, Wayne at Warren." Turo ko sa puting pito rito. Nakita ko namang nagkakamot sa kanyang buhok si Warren.
Bahala silang dalawa, ginusto nila iyan. Liligawan pala, ha? Sundin nila ang utos ko para makuha nila ang loob ko.
"Yes, baby girl!" Saludo sa akin ni Wayne at kinuha ang limang de-lata sa binuksan niyang kahon.
Ako na hihirapan sa kanya, pabalik-balik siya. Hindi na lang niya dalhin niyong buong kahon. Ay, ewan! Bahala siya, siya naman iyong mapapagod sa pabalik-balik.
Tinignan ko naman si Warren at abala sa pagsalansang ng mga gatas, soft drinks and juices sa refrigerator. Tahimik itong naglalagay roon pero may binubulong-bulong ang isang ito.
"Dalian niyo d'yang dalawa. Lilinisin niyo pa ang kotse ko at didiligan ang mga bulaklak doon sa labas!" Sigaw ko sa dalawa. Sabay pa silang tumingin sa akin at saka bumuntong-hininga.
"Gusto mo, baby girl, pati ikaw didiligan ka namin." Lumaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Warren kaya tinakpan ko ang dalawang tenga ni Josev.
"Urgh, fck you!" Naiirita kong sabi sa kanya.
"My pleasure, baby girl." Sobrang inis ko binato ko sa kanya iyong tissue na nakapatong dito pero nasalo lang iyan.
Hingang malalim, bwinibwisit ka na naman nila.