Episode 22

1124 Words
"Hey, Kams! Nandito na ako sa tapat ng gate namin, ha? Nasa'n ka na?" text ko sa kanya. Malapit na mag-nine ng gabi pero 'di pa niya dinadaanan. May pasabi-sabi pa siyang call-time ay 9PM. Bakit ba kasi naniwala ako sa sinabi ng isang iyon. "Kams, si Pillow ba ang unang sinundo mo? Reply asap!" panibagong text ko sa kanya. Iniisip ko kasi baka si Pillow ang inuna niya, mas malapit kasi si Pillow sa kanila. Isang himala 'di nagparamdam ang kambal na sina Warren at Wayne. After nilang lumayas sa bahay nila kuya Jeppy 'di na sila nagparamdam sa akin. Ano naman na kaya ginagawa ng dalawang niyon? Baka naman nambababae na iyong mga iyon. Kebers ko naman sa kanila, atleast na sa akin na ang 50% shares nila sa company na mayro'n silang dalawa. "Nene, malapit na kami!" Isang text ang nakuha ko kay Pillow. Dinaanan na nga niya muna si Pillow. Hindi na ako nag-abalang mayro'n sa kanilang dalawa. Malapit naman na raw sila, baka nandyan na iyan sa gate. Ilang saglit lang may nakita na akong pink na CUV, kotse niyon si Kams. Bumisina ito ng dalawang beses bago tumigil sa harapan ko. "Sa passenger seat ka na umupo, Nene! Nauna ako rito sa backseat!" maligalig na wika ni Pillow sa akin. Naunahan na naman ako. Pumasok na ako sa passenger seat at nagulat ako, naka-black kaming tatlo. "Wow! We're not talking about what we wear tonight pero magkaparehas ang mga kulay na suot nating tatlo." bulalas ni Kams at tinignan ang mga suot namin. "'Cause we're sisters!" masayang sabi ni Pillow sa likuran namin. Bumalik na ang dating Pillow, iyong maingay pero pala-aral. Nawala na iyong bugnutin noong nasa camping kami. May something talaga sa kanila ni Baca, ayaw lang niya umamin sa amin ni Kams. Hindi na namin siya pipilitin kung ayaw niyang sabihin, basta malaman lang niyang nandito kami para sa kanya. Dumating kami sa Revel at the palace ng pasadong alas-diyes-kinse ng gabi. Maingay na sa lugar na iyon ng makapasok kami sa loob. Kada sulok ng lugar ay maraming taong nagsasayawan, tumatalon-talon at nagkukwentuhan. Sumisingit na lang kaming tatlo para marating ang ni-reserve ni Kams na p'westo para sa amin. "Woooh! Ang saya-saya rito, Nene and Kams!" malakas na sabi ni Pillow sa amin habang nakikisingit kami sa kumpulan ng mga tao. Napapa-indak na rin siya dahil sa kantang pina-play ngayon ng DJ na 'sexylove'. Napapalibot na rin ang aking tingin sa buong sulok ng club na 'to. Ang daming foreigners na nandito. Napa-ismid ako ng may makitang isang babae na sumasayaw na nakatalikod sa isang matangkad na foreigner. Nailang ako sa ginagawa niya, sumasayaw siya sa mismong bonner nu'ng guy. Napaiwas na lang ako ng tingin. "Girls, here!" masayang balita sa amin ni Kams ng matagpuan na namin ang p'westo. Maganda ang naging p'westo namin, hindi gaanong malapit sa dancer floor kumbaga nasa gitna kami ng club. Nasa gilid din kami naka-upo para 'di kami mahila ng kung sino-sino d'yan. Marami raw kasing gano'n sabi ni Kams, lalo na ang mga foreigner nanghihila raw sila lalo na kapag natipuhan nila. Nagtaas ng kamay si Pillow upang makatawag pansin ng waiter o waitress na naglilibot sa buong lugar. "Hello, Ma'am! Good evening! What's your order?" pagtatanong nito sa amin ng makalapit siya. "Hi!" magiliw na bati na balik ni Pillow sa waiter, " three ladies drinks, please! And, some finger snacks!" Tumango naman ang waiter sa sinabi ni Pillow at saka nagsulat doon sa maliit niyang dalang papel. "Okay, Ma'am! Please, wait for a moment! Enjoy here!" May ngiting sabi niya sa amin at umalis na sa table. "Uupo lang ba tayo rito, girls? Come on, let's dance!" pag-aaya ni Pillow sa amin ni Kams. Pumayag naman si Kams sa sinabi ni Pillow at nagpahila sa kaibigan namin. Tinignan nila akong dalawa pero umiling ako. "Dito na lang muna ako, babantayan ko mga gamit natin. Saka, baka dumating iyong waiter 'tas maabutan niyang walang tao rito." pagdadahilan ko sa kanila. Paano naman ba kasi ang daming tao sa dance floor. Ang iba na sumasayaw roon ay sobrang wild! May gumigiling pababa sa mga katawan ng lalaki na nandito. Kaya, no! Dito na lang ako sa inuupuan ko at panoorin na lang sina Kamilla at Pillow na sumayaw. "Are you sure, 'Ne?" Tumango ako sa sinabi Kams. "Of course! You can dance now. But, please, d'yan lang kayo sa nakikita ko. Ang daming tao rito and 'di natin sila gaanong kakilala." pagpapaalala ko sa kanilang dalawa. Pareho naman silang tumango sa akin. "Okay!" sabay nilang sabi sa akin at lumakad papuntang dance floor. Dumating na ang mga inorder ni Pillow kanina. Ang daming binigay na finger snacks. Pero, ayos lang uubusin ko na lang ito. Lumipas ang ilang minuto naming pag-i-stay dito, lalo naging wild ang kantang pina-play ng DJ. Kaya maging mga sumasayaw ay lalong naging wild at sumaya rin. First time kong mag-party sa club at ito na rin siguro ang huli. Hindi ko keri ang mga nakikita ko ngayon. May nag-li-lips-to-lips sa bawat sulok ng club na ito and ang iba ay naglalandian sa mga foreigner na pumapasok. Tinikman ko ang ladies drink na inorder ni Pillow, ayos lang naman. Hindi siya matapang sa lalamunan. Nanonood na lang ako sa mga ganap na mayro'n sa lugar na ito. "Hi, Miss?" Napaangat ang aking tingin ng may lalaking matangkad na nasa harapan ko. Hindi ko siya pinansin, tinignan ko ang pagkain na nasa table namin. "Are you mute? Hi, can we dance?" pag-uulit na tanong niya sa akin. Umiling ako sa kanya, "I'm not." sabay baling ko sa kanya. Matangkad na lalaki siya, may pilat sa ibabang kanang mata niya at blue ang kulay ng mata niya. "Hindi naman pala. So, tara sayaw tayo?" pagsasalita niya ulit. Nagtatagalog naman pala siya. Tinitigan ko na siya, "hindi po ako sasayaw. Hindi ako marunong sumayaw, Mister." pagtatanggi ko ulit sa alok niya. "Sinasayang mo lang oras mo rito if hindi ka sasayaw. You should go home instead!" Hindi ko na siya sinagot baka hindi ako magtimpi at ibuhos itong iniinom ko sa kanya. So, kapag hindi sasayaw dapat hindi na pumupunta sa ganitong lugar? Jerk! Napababa ang akin tingin ng makitang may pares na namang mga sapatos sa harapan ko. "Hindi ako sasayaw, please, umalis na po kayo." salita ko agad kung sino man ang nasa harapan ko ngayon. Hindi ko pa rin inaangat ang mukha ko, nandoon pa rin ang pares ng mga sapatos. "Hindi naman kitang yayayain sumayaw, Nene..." Lumaki ang mga mata ko ng malaman niya ang pangalan ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin, gano'n na lang ang kinalamig ng buong katawan ko ng makita siya. "Gusto ko lang mag-usap tayo nang masinsinan..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD