Episode 10

1026 Words
"Tita Nene, asalubong po?" Tumingin ako sa napaka-cute kong pamangkin at the same pilyo kong pamangkin, na si Josev. Ngiting-ngiti ito habang nakalahad ang kanyang maliit niyang palad sa akin. "Syempre may pasalubong ang isa sa mga gwapong pamangkin ko. Pero, naging very good ka ba rito ng wala ako?" Sunod-sunod ang naging tango niya sa akin, tinuro pa niya ang mga toy niyang nakaligpit. "Aligpit ko po 'yon, Tita Nene. Very good din po ako kay Mommy, 'di ako nagpasaway." Tinaas pa niya ang kanyang kanang kamay at ang kaliwang kamay nito ay nakalagay sa kanang dibdib. Ginulo ko ang kanyang buhok at hinalikan ang kanyang matambok na pisngi, ang gwapo talaga ng isang ito. "Dahil very good ka at hindi mo pinasakit ang ulo ng mommy at daddy mo, ito ang para sayo." Nilabas ko sa eco bag na dala ko ang isang balot na empanada at nilagay ito sa kamay ng pamangkin ko. Nakita kong nadismaya ito sa aking inabot, "ano po ito?" Humaba ang kanyang labi habang nakatingin sa aking inabot. "Empanada po, masarap niya. Sikat na pagkain niya sa pinuntahan namin, Josev." Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa kanyang mga kamay. "Masarap po?" Nakatingin pa rin siya sa empanada. Tumango ako sa tanong niya, "masarap na masarap. Mayro'n pa ako ritong Longganisang vigan, masarap din ito." Nilabas ko rin ang binili kong longganisa. Basa ang plastic ito dahil siguro sa lamig nu'ng binili namin. Nag-iba ang ekspresyon niya ng makita ang aking hawak, "Wow! Gusto ko po 'yan, Tita Nene. P'wede na po ba natin lagyan ng tubig?" Nagniningning ang kanyang mga mata habang nakatingin sa aking hawak. "Oo naman pero magpapalit muna si Tita Nene tapos lulutuin na natin." Tumango ito sa akin. Kinuha ni kuya Jeppy ang mga dala ko, "magpahinga ka muna, Nene. Kakauwi mo lang, ako na bahala rito kay Josev." Ani kuya Jeppy sa akin at gumawi sa kusina dala ang eco bag. "Kuya, nasa'n sila Angelus and ate Jasmine?" Pagtatanong ko sa kanya, wala kasi akong narinig na umiiyak. "May pinuntahan sila ni Tita Jewel, Nene. Isasama sana ang isang ito," turo niya kay Josev pero 'di ko na pinasama mangungulit lang ito roon at magyayaya agad umuwi. Napangiwi ako sa sinabi ni Kuya Jeppy, ayan din ang ayaw ko kay Josev kapag ayaw na niya sa isang lugar magyayaya na niyang umuwi kapag 'di siya pinansin iiyak at magwawala niyan. "Buti 'di niyan umiyak, kuya?" Turo ko roon sa pamangkin kong abala sa kanyang robot. "Sinabi ko sa kanyang uuwi ka niya kaya hindi nagtantrums." Tumingin na lang ako sa pamangkin ko at nakita ko itong may sariling mundo na habang nilalaro ang kanyang robot. "Sige, kuya, akyat na ako! Ilalagay ko na lang pala iyong papers sa office room mo!" "Okay," balik niyang sabi sa akin. Nakakapagod ang tatlong araw ko sa Ilocos, isama mo pa ang mga pasulpot-sulpot ng kambal na iyon lalo na si Wayne. Pagod na pagod ako isama mo pa iyong isipan ko dahil ginugulo ako ni Wayne. Padapang humiga ako sa kama, kinapa ang aking side table para hanapin ako remote ng aking aircon ng makuha ko ito binuksan ko agad. Hapong-hapo ako sa nangyari sa akin. Buti na lang talaga binigyan ako ni kuya ng ilang araw na day-off, bale four days akong walang pasok isama mo pa ang weekends. Gumulong ako sa aking kama, humiga ako nang maayos at tumitig sa kisame. Ano naman ang gagawin ko sa four days na off ko? Gusto kong magrelax at magpahinga muna. Nawala ang aking iniisip ng marinig mag-ring ang aking phone, kinuha ko ito sa bulsa ng aking jeans. Tumatawag ang dalawa ko pang pamangkin, sina Jessie and Jaxon, nalaman na siguro nilang nakauwi na ako. "Hello, Tita ganda!" "Hello, Tita Nene!" Sabay na nagsalita ang dalawa ng sagutin ko ang kanilang tawag. "Hello, Jaxon and Jessie! Namiss ko kayong dalawa." "Kami rin po, Tita! Kasama po pala kayo ni Daddy Jim?" "Opo, nagkita kami roon ng Daddy niyo." Ani ko rito. Tumingin ako sa aircon ko ba't hindi pa gaanong lumalamig ang aking k'warto kaya tinaasan ko pa ang lamig nito. "May umaligid po ba, Tita? Gusto ko si Mommy lang ang mommy namin." Hindi ko alam pero naawa ako sa mga pamangkin ko. "Wala, binantayan ko talaga ang Daddy niyo kasi sila ay para kay ate Miya lang." We'll miss you, ate Miya. Narinig kong humagikhik si Jessie sa kabilang linya tumigil din siya ng may marinig akong sumitsit, "tita Nene si Jaxon ang killjoy, pinagalitan ako. Bawal na tumawa?" Napailing na lang ako sa kanila, "huwag kayong mag-away, ayaw ni ate Miya na nag-aaway kayong dalawa." "Si Jaxon kasi! Daddy Jin! Tita Nene, alis po muna kami, sasama kami kay Daddy Jin. Bye po, love you po, Tita!" Magmamadaling sabi ni Nene, hindi na nga nakapagpaalam sa akin si Jaxon. Ilalapag ko na sana uli ang phone ko ng may makitang nag-ring uli ito. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag, sinagot ko na agad ito, "hello, Jessi? May nakalimutan ka ba? Iyong pasalubong niyo binigay ko na kay Daddy Jim niyo." Naghihintay akong may sumagot sa akin pero walang boses na sumasagot sa kabila, "hello, Jessie? Jaxon?" Nang wala pa rin akong makuhang sagot, tinignan ko na ang aking phone, number lang ang naka-register sa phone ko. Napamaang ako at tinitigan ang aking cellphone, nilapit ko ulit sa aking tenga. "S-sino ito? Saan mo nakuha number ko?" Wala pa rin sumasagot sa kabilang linya, "sino ba ito? Kung nantitrip ka? Huwag ako, ha? Pagod ako ngayo--" "Hi, baby." Napahinto ako ng magsalita ito. "Take a rest, baby. Ayokong napapagod ka." "Baby mo mukha mo! Huwag nga ako ang asarin niyo Warren, guluhin niyo iyong Annika niyo at 'wag ako. Bwisit kayo!" Napaupo ako sa ibabaw ng kama dahil bwinisit na naman ako ng kambal na iyon. "Just chill, hindi si Warren ito, baby. It's Wayne and hindi ako nakikipaglaro rin. Kukunin kita sa ayaw at sa gusto mo." Napalunok ako sa kanyang sinabi, "luh? Asa ka, Wayne." Sa sobrang gigil ko, binaba ko na agad ang tawag at blinock ang number.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD