Lumaki ang mga mata ko ng malaman niya ang pangalan ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin, gano'n na lang ang kinalamig ng buong katawan ko ng makita siya.
"Gusto ko lang mag-usap tayo nang masinsinan..." dugtong nitong sabi sa akin habang nakatingin sa akin at walang buhay niyang mga mata.
Napalunok ako nang ilang ulit at takot ang nadama ko sa buong katawan ko. Nasaan na sina Kamilla at Pillow.
"A-anong ginagawa mo rito?" pagtatanong ko sa kanya. Sinikap kong hindi mautal para malaman niyang wala na akong nararamdaman sa kanya.
"Party?" bagot nitong sagot sa akin, na sinasabing alam ko naman dapat ang kasagutan sa tanong ko.
Naiilang ako sa kanya kaya napatingin ako sa dance floor at nililibot ang tingin ko roon para hanapin ang dalawang kaibigan ko.
"How about you? Sino kasama mo?" pagtatanong niya sa akin at ininom ang laman ng basong hawak niya.
"P-party. I'm with Pillow and Kamilla." sagot ko sa kanya ng hindi tumitingin.
Nasaan na ba kayong dalawa. Need na nating umuwi. Namamawis na ang aking mga kamay dahil sa kabang nararamdaman ko.
"P'wede ba tayong mag-usap nang masinsinan, Nene?"
Heto na naman siya. Bakit pa ulit namin kailangang pag-usapan ang tungkol sa aming dalawa kung matagal naman na kaming wala.
"About saan?" bagot na tanong ko sa kanya. Hindi pa rin ako tumitingin sa mga mata niya. Nakabaling pa rin ang aking tingin sa paligid.
"About sa atin. About sa past relationships natin, Nene." malamlam ang kanyang boses ng sabihin niya iyon.
"Wala na tayong dapat pag-usapan, Denver. Matagal na tayong tapos, matagal na tayong hiwalay. Alam ko naman na ang dahilan..." mahinang sagot ko sa kanya. Palihim akong huminga nang malalim dahil sa kabang nararamdaman ko.
"We need to talk, Nene." madiin na sabi nito sa akin na siyang kinagulat ko.
Tumitig ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa akin. "Lasing ka lang, Denver..." aniya ko sa kanya at tumayo sa aking kinauupuan.
Humabilo ako sa mga taong nagsasayawan sa dance floor, wala na akong pake sa paligid ko kung nababangga ko sila, ang gusto ko lang naman ay makita ang dalawa kong kaibigan na sina Kamilla at Pillow.
Napahinto ako nang may humawak sa aking kanang pulsuhan at gano'n lang ang gulat kong makita na harapan ko si Denver.
"We need to talk!" malakas niyang sabi sa akin at hinila ako paalis sa dance floor.
"Ano ba! Let me go!" malakas na sigaw ko sa kanya. Pero, hindi siya nagpatinag sa aking sigaw.
Pinapalo at kinakalmot ko na ang kanyang kamay na nakahawak sa pulsuhan ko pero hindi pa rin niya inaalis ang kanyang kamay.
Walang nakakapansin sa amin dahil busy ang lahat ng mga tao sa pagsasayaw.
"Denver! Bitawan mo ko!" sigaw ko pa ring sabi sa kanya.
Nagpapabigat na ako at pilit kong pinapahinto ang aking mga paa sa sahig pero malakas si Denver, nahihila na niya ako.
Gano'n na lamang ang gulat ko na hindi kami sa front door lumabas, lumiko siya at hindi ko alam kung nasa'n na kami, kung saan niya ako dadalhin.
Nakita kong may kinuha siya sa kanyang bulsa at narinig ko na lang ang tunog ng isang kotse.
Saan niya ako dadalhin. Hindi ko rin nadala ang sling bag ko, nandoon ang phone ko para ma-i-track man ako.
"Ano ba! Tulong! Please, tulungan niyo ko!" sigaw ko nang malakas baka sakaling may makarinig man lang sa akin.
Nakarating na kami sa kotse niya, no way!
"Pasok," malakas niyang sigaw sa akin ng mabuksan niya ang pinto ng passenger seat pero imbis na pumasok ako ay tinitigan ko lang siya.
"Ano bang kailangan mo sa akin?" pagmamakaawang usal ko sa kanya.
"Pasok!" mariing sigaw niya na siyang pagkatalon ko dahil sa gulat.
Wala akong nagawa kung 'di pumasok sa passenger seat. Balibag niyang sinara ang pinto ng kotse. Nanginginig na ako sa takot dahil sa kanya. Ano pa ba ang kailangan niya sa akin?
Sumiksik ako sa bintana ng makita ko siyang papasok na sa driver seat pero gano'n na lang ang pagkagulat ko ng may sumuntok kay Denver. Nawala siya sa bintana ng driver area.
"A-anong nangyayari?" nauutal na tanong ko sa aking sarili kaya lalo akong sumiksik at tinakpan ang aking magkabilang tenga. Yumuko na rin ako habang nakatakpan ang tenga ko.
Sunod-sunod na ingay ang aking naririnig kaya lalo akong natakot at kinabahan dahil hindi ko alam kung ano na nangyayari na sa labas.
Ilang minuto ang nakakalipas ng wala na akong marinig na kahit ano sa labas ng sasakyan.
"Baby, you're now safe," napapitlag ako ng may boses na tumama sa akin at gano'n na lamang ang gulat ng makita si Warren na naka-ngiti habang naka-alok sa aking harapan ang kanang kamay niya.
"W-warren," mahinang banggit ko sa kanyang pangalan at niyakap ko siya.
Hindi ko napigilang hindi umiyak sa kanya. Sobrang natakot talaga ako.
"Ssshh... We're here now, baby." pang-aalo nito sa akin pero imbis na tumahan ako sa pag-iyak, lalo lang ako napaiyak sa sinabi niya.
"Wayne, twin, come on! Tama na iyan!"
Nandito rin si Wayne?
"Fck you! Isang lapit mo pa, hindi lang niyan ang makukuha mo!"
Naglakad na si Warren kaya pati ako ay napalakad dahil yakap-yakap pa rin niya ako habang sinasabing 'okay na ang lahat'.
Pinagbuksan niya ako ng pinto sa backseat at saka ako pinaupo roon. Isasara na sana niya ang pinto ng pigilan ko siya.
"S-sila Pillow nasa loob..." kumikibot na sabi ko sa kanya.
"Si Baca na bahala sa kanila, baby. For now, let's go home." sagot niya sa akin at saka ako hinalikan sa aking noo at sinara ang pinto sa backseat.
Napalingon ako sa bintana, nakita ko nga si Baca na nasa likuran ni Wayne. Sobrang gulo ng damit na suot niya at pati ang buhok niya ay hindi nakaligtas.
Nakipag-usap pa si Wayne kay Baca bago siya sumakay sa passenger seat. Si Warren kasi ang nasa driver seat.
Kita ko sa rear-view-mirror na may dugo sa magkabilang gilid ng kanyang labi. Nakipag-away siya kay Denver.
Napalunok ako ng magtama ang mga mata namin at ngumisi ito sa akin.
Oh, shet! Ba't kumakabog itong puso ko.