Episode 24

1164 Words
Hindi ako nagsalita. Nanahimik lang ako hanggang pinarada ni Warren ang kotse. "Nasaan tayo?" pagtatanong ko sa dalawa at sumilip pa ako sa bintanang nasa gilid ko. "we're in the basement parking where our condominium unit is, baby." sagot ni Warren sa aking tanong. "B-ba't na nandito tayo? P'wede niyo naman ako ihatid sa amin." kinakabahang sabi ko sa kanilang dalawa. Pinagbuksan ako ng pinto ni Warren at nilahad niya sa akin ang kanyang kanang kamay, wala akong nagawa kung 'di lumabas na rin sa loob ng kotse nila. "U-uuwi na ako," mahinang ani ko sa dalawa pero tinignan lamang nila ako. "Hindi ka, okay, baby girl. Gusto mo bang makita ka ng kuya mo na ganyan ang ayos? Magulo na ang make-up mo dahil sa pag-iyak mo kanina." baritonong sabi sa akin ni Wayne at naramdaman na lamang ang kanyang kamay sa aking bewang. Tama ba itong pagsama ko sa kanilang dalawa? Nakasakay na kami sa elevator ng condominium na ito, nakita kong pinindot ni Warren ang pang-twelve button sa elevator. Nasa harapan ko ang dalawa kaya natatabunan ako ng mga ito, ang liit ko kumpara sa mga height nilang kapre kaya natatakpan ako. Sumiksik sila sa akin ng may mga pumasok na limang tao, nasa likuran ko na agad si Wayne habang nasa harapan ko naman si Warren. Napapagitnaan na nila ako. Hindi ko alam pero biglang uminit ang pakiramdam ko kahit malamig naman dito sa elevator. Nang makarating sa twelve floor, lumabas na kaming tatlo. Hindi ko na tinignan ang mga taong natira roon, mukha naman kaming magkakapatid, diba? "Feel free at home, baby." bungad na sabi nina Warren at Wayne sa akin ng makapasok kami sa mismong unit nila. Malaki ang kanilang unit, maaliwalas ang kanilang sala at may dalawang pinto rito, ang isa ay malapit sa pinto palabas ng unit. Tinanggal ko ang aking sapatos at nilagay ito sa kanilang shoe rack. "If you need to pee, baby, here's the bathroom..." Turo ni Warren sa akin sa pintong malapit sa main door. "I'm gonna pee," nahihiyang sabi ko sa kanya. "P'wede mo na akong iwan dito, salamat." dugtong na sabi ko sa kanya at saka pumasok na sa bathroom nila. Umihi ako at napatulala ng maalala ang nangyari kanina sa akin. Ano pa ba kailangan ni Denver sa akin? Kung gusto niya na mag-usap kaming dalawa hindi dapat sa gano'ng paraan, pinilit niya akong sumama sa kanya. Nakakatakot siya, ngayon ko lang siyang nakitang gano'n. "Baby girl, are you okay?" Sabay katok sa pinto. Napatayo ako ng marinig ang tawag ni Wayne. "Teka, naghuhugas na ako!" malakas na sabi ko sa kanya. Nang makapaghugas ako ng kamay ay siyang paglabas ko rin, nadatnan ko pa roon si Wayne na naka-sandal sa gilid. Ngumiti ito sa akin nang napakalaki, "come on, baby girl." Sabay pinalibot na naman niya ang kanyang kamay sa aking bewang. Nasasanay na siya. Nakita ko sa dinning table nila na may pagkain ng nakalagay roon. Napalunok ako sa aking nakita. Sino nagluto? "Si Wayne ang nagluluto sa aming dalawa kapag nandito kami sa unit namin, baby. Come on! Let's eat!" aniya ni Warren at pinahila pa niya ako ng upuan. "T-thanks," Bago pa niya ako sandukan, nagkusa na akong kumuha. Mag-a-alas dose na ng gabi kaya konti na lang ang kakainin ko. Tahimik ang dinning table, ako lang ang kumakain sa aming tatlo. "H-hindi kayo kakain?" nagtatakang tanong ko sa kanilang dalawa. Nakatingin lang kasi sila sa akin habang sumusubo ako. "We're okay, baby girl. Kain ka pa." Pero, tumanggi na ako sa alok ni Wayne. "B-busog na ako." Inusog ko ang ginamit kong plato. "B-ba't nandoon din kayo kanina?" pagtatanong ko sa kanila ng maalala niyon. Eksakto bang pumunta rin silang tatlo sa Revel in the palace kaya nakita nila akong tatlo na pilit sinakay ni Denver. Umiling si Wayne sa akin at may ngisi naman sa kanyang labi si Warren. Kaya kumunot ang noo ko sa kanilang dalawa. "Tinawagan kami ni kuya Jeppy, baby, para sundan ka. Buti na lang naabutan ka pa namin." seryosong sabi ni Warren, nawala na ang pilyong ngisi niya kanina. Dapat ba akong magpasalamat sa kanila na naabutan pa nila ako, bago pa ako madala ni Denver sa ibang lugar. "S-salamat, ha? Kung hindi niyo ko naabutan kanina, baka kung saan na ako dalhin ni Denver." nanginginig pa rin ang boses ko kapag naaalala ang tagpo kanina. Ngayon ko lang talaga nakitang gano'n si Denver. Iyong mga mata niyang matatalim na tumitig sa akin at kanyang paghawak sa aking pulsuhan na sobrang higpit. Ang laki ng pinagbago niya noong naging kaming dalawa. Nawala ang pagiging gentle ni Denver sa akin. Napapitlag ako ng hawakan ni Wayne ang kanang pulsuhan ko, hinaplos niya iyon. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya ang bagay na iyon. "Hindi ka namin pababayaan, baby. Kahit si Denver pa iyan. Makikita niya ng maaga si Santanas." Napalunok ako sa sinabi ni Warren, palihim ko siyang tinignan at nakita kong pasipol-sipol na lamang siya habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa likod ng kanyang ulo. "Don't mind him, baby girl. Inaantok ka na ba?" Nawala ang aking tingin kay Warren at napalingon ako sa seryosong boses ni Wayne habang patuloy pa rin siya sa paghaplos sa aking pulsuhan. Kita roon sa aking pulsuhan ang pagiging mapula nito at bakas pa roon ang kamay ni Denver. Mahigpit nga ang naging paghawak niya sa akin. Tumango ako sa tinanong ni Wayne sa akin. "Hmm..." nahihiyang sabi ko sa kanya. Iisa lang ang k'wartong mayro'n dito. "Come on, baby girl." pagyaya niya sa akin habang nakalahad sa akin ang kanang kamay niya. "Warren, ligpitin mo na iyan at hugasan mo na rin." utos nito sa kakambal niya. Akala ko hindi aangal si Warren sa utos ng kakambal niya pero narinig ko na lang ang pagbubulong ni Warren, hindi na nga bulong niyon. "Huwag mo na lang siya intindihin, baby girl." Kaya tumango na lang ako sa kanya. Binuksan niya ang nag-iisang pinto na malapit sa dinning table nila. Binuksan niya ang ikaw at gano'n na lamang ang pagtataka ko, sobrang linis ng k'wartong ito. Pumasok kami sa loob, may isang king size bed ang nandito na kulay black ang bedsheet at maging mga pillowcase. Black and silver naman ang kulay ng dingding ng k'warto. Panlalaki talaga. "D-dito kayo natutulog na dalawa?" pag-aalinlangan na tanong ko sa kanya. Nakita ko siyang tumango sa akin, pinagpagan niya ang kama at inayos ang mga unan. "Tulog ka na, baby girl." anyaya niya sa akin. Hindi ko alam kung hihiga ba ako roon, nakaupo kasi siya sa gilid ng kama. Wala na akong nagawa kung hindi humiga na rin dahil ramdam ko na ang antok sa aking katawan. "S-salamat, ha?" ani ko sa kanya at sabay hikab ko. "Inaantok ka na, past 12 midnight naman na kasi. Sleep well, baby girl." aniya sa akin. Tinabunan niya ako ng kumot sa aking katawan at naramdaman kong hinalikan niya rin ako sa aking noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD