Episode 14

1022 Words
Masaya silang nagkukwentuhan habang kami nina Pillow at Kamilla ay tahimik na nagmamasid sa kanila. Naaamoy ko na ang iniihaw nilang tilapia at bangus na nahuli nila kanina sa may lawa. Naglalaway na ako rito. "Nene, right?" Napataas ang aking tingin ng may humarang sa aking tinitignan na inihaw. Sumingkit ang aking mga mata. Tinignan ang buo ang lalaking nasa harapan ko. Isa sa mga kaibigan ni Ken ang isang ito. "Yeah, may problema ba?" Pagtatanong ko rito. Imbis na sumagot siya sa aking tanong umupo ito sa aking tabi. Nagtataka man sa kanyang kinikilos, pinabayaan ko na lang siya. Maging sina Kamilla at Pillow ay nakatingin sa lalaking katabi ko. "Wala naman," ngumiti ito sa akin at nawala ang kanyang mga mata dahil sa singkit niyang mga mata. "Gusto ko lang magpakilala. Nakakainip kasi na sila-sila lang ang kinakausap ko." Napakamot siya sa kanyang batok at saka siya tumawa. "Bakit siya lang tinatanungan mo ng pangalan? May gusto ka sa kaibigan namin, ano?" Sabat ni Kamilla ng siyang nagpailang sa akin. Maging ang aking katabi ay nanigas sa kanyang kinauupuan. "Huy, nakikipagkaibigan lang naman siguro siya. Ikaw talaga, Kamilla!" Saway ko sa kanya. Nakakahiya naman sa kanya. Pinangningkitan nina Kamilla at Pillow itong katabi ko. Titig na titig sila rito. "Anong pangalan mo? Ano background check mo?" Sinipa ko si Kamilla ng mag-usisa ito. Ako ang nahihiya sa pinaggagagawa nilang dalawa ni Pillow. Ramdam ko ang tensyon ng katabi ko ngayon. Mahina siyang umubo, "I'm Vincent De Jesus. Classmate and barkada ko ang pinsan mo," sabay turo niya kay Pillow. "Parehas kaming Civil Engineer ni Ken. Last year na namin ngayon." Sabay ngiti nito sa amin. "Ows? Nice! Mahirap ang Civil, right?" Naging interesado na rin ako kay Vincent. Isa rin ang Civil Engineer na gusto kong kurso pero hindi ko pinili kasi dapat daw magaling kang mag-drawing, iyong straight line nga lang 'di ko na mapantay kaya paniguradong ligwak din ako roon. "Kinda, pero kung gusto mo iyong ginagawa mo ma-e-enjoy mo siya." Napa-bilog ang aking bibig sa sinabi niya. Oo nga naman, kung mahal mo ang kurso na pinili mo, ma-e-enjoy mo talaga. "Anong gusto mo sa isang babae, Vincent?" Napatingin ako sa mata ni Kamilla ng makitang nagniningning ito. Nakalimutan namin attractive pala siya sa mga good looking guy katulad nitong katabi ko. Kaya heto si Kamilla nagpapa-cute sa harapan niya. "Wala naman gaano, gusto ko lang yakapin niya ang gusto ko and vice versa. Sa physical?" Tumingin siya sa akin ng siyang pagtataka ko. "Katulad m--" "Ay! Sorry, pare! Nakaharang ka!" Nagulat kami ng biglang pumagitna sa amin si Warren, umupo ito sa pagitan namin ni Vincent. Nilapag ni Warren ang inihaw na tilapia sa lamesa. "Excuse," gano'n din ang gulat ko ng sumulpot din sa kabilang gilid ko si Wayne. Ano bang ginagawa nila? Nababaliw na ba silang magkambal? "Teka!" Napatayo ako at tinignan ang kabilang lamesa na okupado namin. "Ang luwag sa kabila bakit dito kayo nagsisiksikan?" Sabay turo roon sa p'westo nila Kamilla. Maging ang dalawa kong kaibigan ay nakatingin din sa p'westo namin. "D'yan pu-p'westo ang iba kaya sisikip na rin d'yan." Ngingiti-ngiting sabi ni Wayne sa akin. "Vincent, usog ka naman? Medyo masikip dito sa p'westo ko baka mahulog ako." Kahit nalilito ang mukha ni Vincent ay umusog din ito kaya maging si Warren ay umusog. Naiilang ako sa pinaggagawa nilang dalawa. Hindi tuloy ako masyadong makakilos dahil nasa magkabilang gilid ko ang Sanchez twins na ito. "Umusog ka nga ng kaonti, Warren. Naiipit mo na ako!" Mahinang sabi ko sa kanya at siniko ito sa kanyang tagiliran pero imbis na sumunod siya sa akin, tinignan lang ako nito at bumalik sa pagkain. Bwisit talaga ang kambal na ito! "Ano ba! Iyong paa mo, Wayne!" Tinapakan ko na ang paa niya dahil panay haplos nito sa binti ko. Katulad ni Warren tumingin lang din siya sa akin bumalik sa kanyang pagkain. Relax ka lang, Nene. Bwinibwisit ka lang ng kambal na iyan. Iba talaga mambwisit ang dalawang ito! Naramdaman ko na rin ang paghaplos ni Warren sa kabilang binti ko. Pinupuno na talaga nila ako. "I'm done!" Ani ko at sabay tumayo sa gitna nilang pareho at dinala ang paper plate na ginamit ko para itapon na ito. Tinarayan ko sila parehas ng tumingin sila sa akin. Doon muna ako tatambay sa may hammock na nakita namin kanina. Mamaya pa naman ang bonfire na gaganapin sa pinaka-sentro ng camping site. Malamig at malakas ang simoy ng hangin na dumadantay sa aking balat. Huminga ako nang malalim at dinadama ang hangin na humihihip sa buong camping site. Umupo ako sa duyan na nandito, pinadyak ang aking mga paa upang gumalaw ito ng maramdamang malakas na ang duyan saka ako tumingin sa langit upang pagmasdan ang mga bituin. Tinaas ko ang aking kanang kamay at pilit kong inaabot ang star kahit alam kong imposibleng mangyari. Namimiss ko na sila Nanay, maging si ate Miya. "Kukunin ko lahat ng mga bituin sa langit para sa'yo." Napadilat ako at nakita sa aking harapan si Wayne. Anong ginagawa niya rito? Napaupo ako at hininto ang duyan. "Anong ginagawa mo rito?" Pagtatanong ko sa kanya. Nakitabi siya sa akin at tinulak ang duyan gamit ang paa niya. Mahina hanggang lumakas ito. "Anong ginagawa mo rito, Wayne?" Ulit kong tanong sa kanya pero ningitian niya lang ako. "Baka kapag nalaman mo, matakot ka sa akin. Ilang araw ko ng tinitiis ito, Nene." Humarap siya sa akin. Gano'n na lang ang aking kinabigla ng lumapat ang labi niya sa aking labi. Lumaki ang aking mga mata sa kanyang ginawa. Hindi pa humuhupa ang pagkakabigla ko ng gumalaw ang labi ni Wayne sa akin ng siyang pagkaanod ko sa kanya. Hindi ko alam pero sumabay ang aking labi sa kanyang paghalik sa akin. Napahawak na rin ako sa kanyang batok upang lumalim ang aming halikan. Naramdaman ko ang kanyang dila sa akin bibig at humalughog ito roon. Palalim na palalim ang aming palitan ng bumaba ang kanyang halik sa aking leeg na siyang pagtulak ko sa kanya. "H-hindi ito p'wede..." Bumaba ako sa duyan at siyang pagtakbo ko palayo sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD