Gulong-gulo akong bumalik sa tent namin nila Kamilla. Napahawak ako sa aking labi ng maalala ang halikan namin ni Wayne kanina. Nahulog ako sa kanyang halik.
Binubura ko ang kanyang halik gamit ang aking kamay, diniinan ko ang aking labi gamit ang kamay ko kahit ramdam kong dumudugo na ito dahil sa diin kong pag-rub dito.
"No! Hindi tayo p'wede mahulog sa kanya, Nene! Kaaway natin siya, e! Kaya 'di tayo p'wedeng mahulog sa patibong ng kambal na iyon lalo na iyong si Wayne!" Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Pinapaypayan ko rin ang aking sarili upang humapa ang inis ko kay Wayne.
"Kalma tayo, Nene. Inhale-exhale!" Kausap ko sa aking sarili at ginawa ang exercise breathing para kumalma ako.
Napapitlag ako ng bumukas ang tent namin, doon lang ako nakahinga ng si Pillow ang sumilip.
"Ginulat mo naman ako, akala kung sino na." Napahawak ako sa aking dibdib at huminga nang malalim.
"Anong nangyari sa'yo? Hindi ka pa ba lalabas d'yan, Nene? Mag-uumpisa na ang bonfire mamaya and may konting sayawan din sa gitna ng bonfire." Balita niya sa akin at niyaya na niya akong lumabas. Kaya wala akong nagawa kung 'di lumabas na rin pero nag-ayos muna ako, inayos ko muna ang aking sarili.
Habang naglalakad kami ni Pillow, pilit kong ngumingiti sa mga nakakasalubong namin. Hindi p'wedeng naiinis ako habang ang dalawang kambal na Sanchez na iyon ay masayang nakikipaghabilo sa iba.
Tumayo si Kamilla ng makita kami ni Pillow. "Ang saya rito! Look, ang gandang pagmasdan ng bonfire!" Masayang sabi nito sa amin habang sinasabayan ng kanyang ulo ang tugtog na nandito.
"Kamilla is a such a party goer! Tignan mo naman siya ngayon, nakikisayaw na sa ibang tao kahit 'di na kilala. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan." Tumango ako sa sinabi ni Pillow at sabay kaming napapailing kay Kamilla na todo wasiwas na ang kanyang buhok habang sumasabay sa tugtog.
Nakita kong naningkit ang mga mata ni Pillow habang nakatingin ang kanyang mga mata sa aking likuran, sumulyap ako sa kanyang tinitignan at nakita ko roon si Baca habang may kasayaw na isang balingkinitang babae.
"Anong mayro'n sa inyong dalawa, Pillow?" Pagtatanong ko sa kanya pero bigla na lamang siya umiwas sa akin.
"Huh? Sino?" Naging balisa siya sa akin at hindi tumitingin sa aking mata. Nakatingin lang siya sa mga taong nagsasayawan sa harap ng bonfire.
"Alam mo naman kung sino tinutukoy ko, Pillow. Si Baca? Ilang beses na kitang napapansing tumitingin sa kanya." Usisa ko sa kanya habang pinili naming umupo rito sa tabi at pinapanood ang mga sumasayaw. Iyong ibang sumasayaw nagiging wild na.
Narinig kong huminga siya nang malalim, "classmate ko siya nu'ng high school, Nene, pero 'di ko naging ex-boyfriend ang isang iyan, ha!" Depensa nito sa akin habang nakasimangot na tumingin sa akin.
"E, bakit ganyan ang tingin mo kay Baca? Para mo siyang papatayin sa mga titig mo?" Ningisihan ko siya at binangga ang kanyang kanang braso.
"Wala, ha! Saksakang ng playboy niyan nu'ng highschool pa kami kaya hindi ako magkakagusto sa isang niyan!" Pinang-krus pa niya ang kanyang mga braso at masungit na tumingin kay Baca habang patuloy pa rin ang pagsayaw nito kasama ang babae kanina.
"Wala naman akong sinabing may gusto ka kay Baca, Pillow. Galing na sa bibig mo. Hindi kita masisisi kung magkakagusto ka sa kanya, gwapo rin naman si Baca may pagkapilyo nga lang. Tignan mo iyong kilay niya nakataas niyong dulo nu'n." Sabay kaming ngumiwi ni Pillow dahil sa sinabi ko.
"Halata ba?" Mahina nitong tanong sa akin, "magkakilala parents namin, Nene. Pero, kapag nagkikita kaming dalawa o nagkakasalubong man parang 'di niya ako kilala." Malungkot na sabi niya sa akin, nakita kong umiwas ang kanyang tingin kila Baca ng makita naming naghahalikan na ang dalawa habang nasa gitna pa rin sila.
"Doon lang ako, Nene. Ang sakit sa mata." Tinuro niya ang papuntang hammock na kaninang pinuntahan ko. Tumango ako sa kanya at hinayaan siya.
Ngayon ko lang nakitang maging ganyan si Pillow. Sa loob na limang taon na pagkakakilala ko sa kanya, never akong nakarinig na tungkol sa lalaki, kapag kasi siya ang kausap mo more on books and movies ang kinukwento niya sa amin.
"Hi, Nene! Can we dance?" Nawala ang aking tingin sa likuran ni Pillow ng makita ko si Vincent sa aking harapan. Nakalahad sa aking kaliwang kamay at malawak ang ngiti nito.
"Uhm. Hindi ako gaanong marunong sumayaw, Vincent. Baka maapakan kita?" Nahihiya kong sabi sa kanya.
"It's okay kung maapakan mo ko. Sabayan lang natin ang beats ng kanta. Like them," turo nito sa mga taong sumasayaw sa gitna habang nakapalibot sa bonfire.
Kinagat ko ang aking ibabang labi at tumango sa kanya. Nilagay ko ang aking kanang kamay sa kanyang kaliwang palad na nakalahad sa akin at tumayo ako.
"Ang lamig ng kamay mo, Vincent. Ayos ka lang ba?" Natatawa ako sa kanya habang tinitignan siya umiiling.
"Sorry, kinakabahan lang ako, ang ganda mo kasi." Bigla akong namula dahil sa sinabi niya. Tama ba ang pagkakarinig ko?
Hinampas ko siya sa kanyang braso. "Uy, hindi naman ako maganda katulad nila." Sabay turo sa mga babaeng sumasayaw rin sa tapat ng bonfire.
"You're so pretty, Nene. First time I saw you hindi na maalis ang tingin ko sayo. Akala ko nga related kayo nila Wayne, nu'n nalaman kong 'di naman, lumapit na ako sa'yo." Ngumiti siya na siyang pagkawala ng kanyang mga mata. Naging chinito siya.
"Actually, related kami ng kambal pero sobrang layo na. I mean, iyong wife ng kapatid ko pinsan nila." Ginulo ko ang buhok niya at tinulak ang kanyang noo.
Sumayaw pa kami habang nagkukwentuhan. Ang kulit din naman pala niya kaya ayos lang na sumayaw ako rito kahit parehas na kaliwa ang mga paa ko.
Ang masayang ngiti ko ay nawala dahil nasa likod ni Vincent ang madilim na mukha ni Wayne. Anong kasalanan ko?
"Ayos ka lang, Nene?" Nag-aalalang tanong niya sa akin dahil panlalaki ng mga mata ko at hindi na ako makasayaw.
Napalunok ako dahil hindi pa rin nagbabago ang itsura ng mga mata ni Wayne habang nasa likuran pa rin siya ni Vincent. Dahil hindi ako makapagsalita, si Vincent na mismo ang lumingon sa likuran niya at nakita niya roon ang madilim na pagmumukha ni Wayne.
"Pare, may problema ba?" Napapalunok ako dahil sa tensyon na nararamdaman ko ngayon.
"You. Leave my girl." Buo ang boses ni Wayne habang masama ang tingin niya kay Vincent.
Humakbang pa ito palapit sa amin at nilampasan niya si Vincent. Hinuli niya ang aking kamay at saka kami umalis sa gitna ng mga nagsasayawan. Buti na lang walang nakapansin sa amin kung 'di gulo ito.
"Saan mo ba ako dadalhin? Wayne!" Matinis na boses kong sigaw sa kanya. Paano ba naman kasi hila siya nang hila, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nasa'n ba ang kakambal nitong si Warren.
Pumasok kami sa likod ng camping site na puno ng matataas ng mga puno at madilim na rito.
"Wayne, saan ba tayong pupunta?" Hinihila ko ang aking kamay pero mahigpit ang kanyang pagkakapit sa akin.
Lumaki ang aking mga mata nang sinandal niya ako sa malapad at malaking puno na nandito.
"Ayokong may ibang lalaking lalapit sayo tanging kami lang ni Warren ang pwedeng lumapit at kumausap sa'yo, Nene!" Tututol sana ako sa kanyang sinabi pero pinagdikit niya ang aming noo sa isa't-isa.
"I'm fcking inlove to you, Nene. We're fcking inlove to you!"