Episode 19

1096 Words
"Matagal ng kami, aangal?" Ilang araw na ang nakararaan ng sabihin niyon ni Wayne kay Vincent. Hindi lang si Vincent ang nakarinig sa sinabi niya, maging sina Kamilla at Pillow narinig din niyon at ang buong kasama namin that time. Hindi ko alam kung paano mawawala sa harapan nila nu'ng araw na iyon. Parang gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko nu'n o 'di kaya naman magkaroon sila ng amnesia para makalimutan niyong sinabi ni Wayne sa harapan ni Vincent. Pero, hindi, e. Wala akong superpowers para gawin niyon. Kaya pagbalik namin sa camping site, sunod-sunod na pagbubunganga nina Kamilla at Pillow sa akin. Paano raw nangyari na hindi nila nalamang kami na raw ni Wayne? Paano ko raw naitago sa kanila ang tungkol doon? Akala raw ba nila galit ako sa kambal na iyon? At, ang dami pa nilang tanong sa akin. Ang tanging nasagot ko lang ay nakipagnegosasyon ako kay Wayne. Kaya sa araw na iyon alam ng buong barkada ni Wayne at maging kaibigan ko na kami na'ng dalawa. Malas. "'ta! Tata ganda!" Napabangon ako sa aking pagkakahiga ng may marinig na matinis na boses habang kinakalampag ang pinto ng k'warto ko. Bumungad sa akin si Josev na puro chocolate ang buong mukha at maging kamay niya ay may chocolate sa kabilang kamay niya ay may hawak pa siyang toblerone. Para siyang pinabayaan ng mga magulang niya dahil sa sobrang dungis niya. "Josev, iyong mukha mo! Ang dungis mo talagang kumain kahit kailan. Mapapagalitan tayo nito ni kuya Jeppy, e. D'yan ka lang, huwag kang gagalaw d'yan sa kinatatayuan mo!" Banta ko rito at pinangningkitan ko pa siya ng mga mata ko. Bumalik uli ako sa loob ng room ko, kumuha ako ng wet wipes saka binalikan ang pamangkin ko. Pinunasan ko muna ang pinto ng room ko ja may bakat na kamay niya. Sunod na pinunasan ko ang buong mukha ni Josev, maldito talaga ang batang 'to inaalis niya ang kamay ko sa mukha niya. "Big boy na ako, 'ta!" Saway niya sa aking kamay pero pinagpatuloy ko pa rin ang pagpupunas ko rito. "Anong big boy ka na? Hindi ka pa nga tuli, e. Big boy, big boy ka pa d'yan. Dungis mong bata ka!" Bwisit na sabi ko rito at pinitik ang kanyang kanang kamay niya dahil hindi pa rin siya tapos na hawiin ang kamay ko. "Tita naman kasi! Awag ka nga ni Mommy!" Matinis na naman niyang sabi sa akin. Jusko, ang hyper na naman niya, nakailang kain ba siya ng chocolate. "Bakit ako tinatawag ni ate Jasmine?" Pagtatanong ko sa kanya at pinunasan din ang kamay niya. Nagulat ako sa kanyang ginawa ng kinain niya ng buo ang chocolate na hawak niya. Akala yata niya kukunin ko niyon. "Tita, big boy na ako diba?" Pagtatanong nito sa akin, hindi ko siya pinansin kay kinalabit niya ako buti na lang nalinis ko na ang isang kamay niya. "Hindi ka pa po big boy, hindi ka pa tuli," aniya ko sa kanya. "Pero, 'ta abi nila big boy na raw ako!" Pagmamaktol nito sa akin. Sinong siraulong nagsabi sa pamangkin ko na big boy na ang isang ito? Naniniwala pa man din ito agad. "Sino nagsabi sa'yo n--" "Ako, baby girl." "Siya 'ta!" Malakas na sabi ni Josev at may tinuro sa bandang hagdan. Kilala ko ang boses na iyon. Paano sila nakapasok sa pamamahay nila kuya Jeppy. Tumayo ako sa pagkakaluhod ko at unti-unting lumingon sa aking likuran. Ismid na tinuran ko sa kanila. "Bakit nandito kayo?" "Pinapasok kami rito, baby!" Napanganga ako sa sinabi ni Warren at dumiretso ito sa tapat ng k'warto ko. "Anong gagawin mo sa room ko? Bawal kayo rito, alis!" Tulak ko sa kanya ng bubuksan na sana niya ang room ko. "'ta sila asabi na big boy na raw ako!" Pagsusumbong ni Josev sa akin habang nakaturo ang maliit niyang hintuturo kina Wayne at Warren. "Huwag kang maniniwala sa mga niyan, Josev. Liar niyang mga iyan. Dapat ang sabi ko..." "Huwag maniniwala sa liar!" Pagtatapos ni Josev sa aking sasabihin. "Very good!" Sabay nag-apiran kami ng pamangkin ko. Hinarap ko uli ang dalawang lalaking trespassing sa pamamahay nila kuya Jeppy. "Paano kayo nakapasok dito? Siguro, kayo nagbigay ng chocolate sa isang ito, ano?" Pambibintang ko sa mga ito at habang nakaturo pa rin ang index finger ko sa kanila. Akala ko naman after ng camping, makakaiwas na ako sa dalawang ito. Hindi pa rin pala. "Si ate Jasmine nagpapasok sa amin," ani ni Wayne sa akin habang seryoso ang tingin nito sa akin. Nakapamulsa pa ang mga kamay niya sa suot niyang black jeans. "Yes, kami rin ang nagbigay ng chocolate sa kanya na may courtesy ni ate Jasmine also." Dugtong niyang sabi at nagkibit-balikat ito sa akin. "Baba ka muna roon, Josev, susunod si Tita sayo, ha?" Bulong ko sa aking pamangkin at saka ito tumango sa akin. Dumaan siya sa gitna nina Warren at Wayne, tumingin pa siya sa dalawa at saka tuluyang bumaba papuntang sala. "Ano naman pakay niyo sa akin? P'wede ba tigilan niyo ko! Dahil sa inyo ang daming nagmemention at nagmemessage sa akin na mga babae niyo!" Inis na inis kong pahayag sa kanilang dalawa. Pinuktakte lang naman ako ng mga fangirls nilang dalawa. Kung ano-ano kino-comment sa mga post ko na nilandi ko raw sila. Asa, bakit ko naman lalandian ang dalawang ito? Sila nga unang nagmo-move. Buti na lang talaga hindi ako nakikipag-away except kina Kamilla at Pillow sila kasi ang sumasagot. Sinipa ko si Wayne ng umubo ito at saka ngumiti sa akin ng nakakaloko. "Anong ningingiti mo d'yan, ha? Nasa akin na kaya ang 50% shares mo sa business niyo." Pagpapaalala ko sa kanya. Akala ko nu'ng una gawa-gawa lang niya iyong pakikiusap niya sa secretary niya pero pagkauwi ko rito sa amin, may na-receive akong email from him, sa office niya, nakalagay roon ang tungkol sa shares na binigay sa akin. Shete, mayaman na ako. "Yah, I know, baby girl. And, we're here dahil kay Warren makikipag-negosasyon din siya sayo." Napanganga ako sa sinabi ni Wayne. "Yes, 50% of my shares mapupunta rin sayo para hayaan mo na ligawan din kita." Napatawa ako sa sinabi ni Warren. "Nababaliw na ba kayong dalawa?" Malakas na tanong ko sa kanila at tinuro pa silang dalawa na proud na proud na nakatayo sa akin harapan. "Yes, we're crazy for you!" Napahakbang ako paatras dahil sa sinabi nila. Matutulad ba ako kay Tita Jewel. Pero, kaya ko ba? Nakatitig ako sa dalawang lalaking nasa harapan ko na parehong may malalaking ngiti sa kanilang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD