Episode 18

1064 Words
"Sa'n ka galing, Nene? Akala ko ba nasa tent ka?" Napangiwi ako sa tanong ni Kamilla. "Ah, nag-cr ako, Kams. Naiihi na kasi ako kaya dumiretso ako sa cr." Pagsisinungaling ko sa kanya. Hindi ko naman p'wedeng sabihing nakipag-negosasyon ako kay Wayne. Napatingin ako kay Pillow na nakatulalang nakatingin sa kawalan. "Uy, Pillow, anong nangyari sayo?" Tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at ngumiti ito pero hindi naman umabot sa mata niya. "Nasugatan ako roon, may malaking bato pa lang nakaharang 'di ko nakita." Kumunot ang noo ko sa kanya. Tinignan ko ang tuhod at paa niya pero wala akong nakitang sugat. Kung hindi ko lang alam at narinig ang tungkol sa nangyari sa kanya kanina baka maniwala ako sa sinabi niya. Napalingon ako kay Baca habang kausap ni Wayne ang isa. Seryoso ang kanilang mga mukha at sa likod nila ay Warren na umiinom. Napangiwi ako dahil naalala ko ang sinabi ni Wayne, nakalimutan niyang bilhan si Warren ng tubig. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Wayne, napasugod yata ako sa deal naming dalawa. Sana nga lang hindi pa niya sinasabi kay Warren ang tungkol sa deal naming dalawa. Tama naman niyong ginawa ko diba? Ang humingi ng gano'ng bagay para once na niloko ako ni Wayne, 'di masakit. Saka mayaman pa ako. "Come on, guys! Magte-trekking tayo papuntang talon!" Masayang wika sa amin ni Ken at nauna na itong lumakad sa amin. "Magte-trekking daw tayo?" Ulit kong tanong kay Pillow na hanggang ngayon ay tulala pa rin. "Huh?" Nalilitong nakatingin siya sa akin. Bakit ko nga pala siya tinanong pa, wala pala ito sa sarili niya. Hindi ko na lang siya pinansin at kinalabit na lang si Kamilla na pangiti-ngiti sa harapan ko. "Saan daw tayo pupunta, Kams?" Pagtatanong ko sa kanya, humarap ito sa akin. "Trekking daw tayo papuntang talon. Doon na rin tayo kakain!" Napatango na lang ako sa kanya at tumayo na rin. "Tara na, Pillow?" Yaya ko sa isa at tumayo na rin siya. Binitbit ko ang sling bag kong may laman na damit at iilang gamit. Maging sina Pillow at Kamilla ay binitbit na rin ang gamit. May kasama kaming isang tour guide na nagtatrabaho rito baka kasi maligaw kami at baka may mangyari sa amin kung kami lang pupunta roon. May mga kasabayan din kaming mga ibang campers, paakyat din yata sila sa talon. Napag-igtad ako ng may humawak sa aking kaliwang kamay at gano'n lang ang aking gulat ng makita si Wayne sa aking gilid, sumisipol-sipol habang nakatingin sa harapan namin. Pinipilit kong hilahin ang aking kamay sa kanyang pagkakahawak pero mahigpit. "Wayne, bitawan mo nga." May diin kong sabi sa kanya pero halos bulong na iyon baka kasi may makarinig na ibang tao. "Excuse me," Lumaki ang aking mga mata at nakita kong dumaan sa gitna namin si Warren. "Paharang-harang..." anito sa amin at ngumisi. "Fck you, Warren!" May babala sa boses ni Wayne kaya pero si Warren parang wala lang sa kanya. Mag-aaway pa talaga sila sa harapan ko. Hindi ko napansing nahuhuli na kami sa mga kasamahan namin, sina Kamilla at Pillow ay malayo na sa akin. "Bakit ba kayo lumalapit sa akin? Alis nga kayo sa gilid ko!" Pagtataboy ko sa kanilang dalawa pero heto pa rin sila nasa magkabilang gilid ko na. "Bodyguard ko ba kayo?" Naiinis na ako sa kanila pero hetong dalawang 'to parang walang naririnig sa mga pinagsasabi ko. Nakangiti pa silang parehas. "Basta ako, baby girl, nasa gilid mo lang ako palagi." malambing na boses na sabi ni Wayne sa akin at hinawakan ulit ang aking kaliwang kamay. "Me too, baby. Nakakarami na siya," paawa na sabi naman ni Warren sa akin at tinuro pa niya ang kakambal niyang si Wayne. Mababaliw na ako sa dalawang ito. Ano bang kinain ng mga ito? O, baka naman nabagok ang mga ulo nila kaya naging mabait sila sa akin at sinasabing mahal nila ako. Napalingon kaming tatlo ng may marinig na sumisipol at natanaw ko sa gilid namin si Baca, nakatingin ito sa amin na may kasamang nakakalokong tingin sa amin. "Love birds, enjoy!" aniya sa amin at tinaas pa ang kanyang kanang kamay, nauna na siyang naglakad. "Thank you, Bacs!" Inis kong pinalo si Warren dahil sa lakas nang boses niya. Gago ba siya? "Wayne niyang kakambal, bwisit talaga!" Matinis na boses kong sabi kay Warren at pinabayaan silang dalawa roon. Tumakbo akong sumunod kina Kamilla at Pillow. Nang madaan ko si Baca sinungitan ko siya. Halos kalahating oras ng makarating kami sa unang talon na nandito. "Sa wakas, ang unang talon narating din natin!" Malakas na sigaw ni Kamilla at saka lumakad papuntang talon. Nilapag ko rin ang bitbit kong sling bag sa kinuha nilang cottage, saka na rin lumusong palapit kay Kamilla. "Ang lamig!" ani ko sa aking sarili ng umabot ang tubig sa aking bewang. Tinali ko ang aking buhok pataas para 'di ito mabasa. "Pillow, 'di ka ba lulusong? Malamig ang tubig!" Malakas na sabi ni Kamilla kay Pillow pero umiling siya sa amin. "Doon na lang ako sa pangalawang talon," aniya sa amin at ngumiti. Hindi na namin siya pinilit baka kasi gusto niyang mapag-isa muna. Napatingin ang aking gawi kina Wayne at Warren na nakatingin sa akin, sinungitan ko nga sila. Maging sila Ken nga pati ang jowa niya lumusong na rin. Malamig ang tubig na siyang nagpasarap sa buong katawan ko. "Hi," napalingon ako ng may marinig sa aking likuran. Nakita ko roon si Vincent. "Oh, hi, Vincent?" bati ko sa kanya at ngumiti. Nakita ko si Kamilla na pumunta sa jowa ni Ken, close na silang dalawa. "Sorry about sa kagabi, Nene? Ayos ka lang ba?" Nahihiyang tanong sa akin. Ang cute niya dahil sa simpleng haplos niya sa kanyang batok. Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Ayos lang ako, 'di talaga ako marunong sumayaw. Ikaw nga dapat tatanungin ko kung ayos lang ba ang paa mong naapakan ko kagabi." "A-ayos lang naman. H-hindi naman masakit saka sanay na ako, 'Ne." Hindi siya makatingin sa akin kaya lalo akong natuwa sa kanya. "Uh, k-kayo pala nu'ng barkada ni Ken?" Nauutal niyang tanong sa akin. Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang tanong. "I-iyong Warren, 'Ne?" Pagpapatuloy nitong sabi. Oh gosh! Iyong nangyari kagabi. Bwisit na Wayne kasi na iyon! "Ah, eh, Hin--" Naiwan sa ere ang aking bibig ng may magsalita. "Matagal ng kami, aangal?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD