Episode 17

1189 Words
Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa nangyari sa amin ni Wayne kagabi. Nakatulala ako habang kumakain kami rito. Hindi maalis sa isipan ko ang nangyaring halikan kagabi. "Nene, ayos ka lang? Kanina ka pa tulala tapos iyong itlog na kinakain mo kanina mo pa pinaglalaruan." Napatigil ako sa aking ginagawa at tumingin kay Kamilla habang nakaturo ito sa aking plato. "Ah? W-wala, iniisip ko lang iyong pagbabalik natin sa Manila. Paniguradong marami na naman akong gagawin pabalik." Pagsisinungaling kong sabi kay Kamilla. "Are you sure? Simula kagabi ka pa lutang, Nene. Okay ka naman nu'ng iwan kita sa bonfire, ha?" Napalunok ako sa tanong ni Pillow habang ang singkit niyang mga mata ay nakatuon sa akin. "O-oo, a-ayos lang talaga ako. Busog na ako!" Ngumiti ako sa dalawang kaibigan ko. "Balik lang ako sa tent natin. Aayusin ko iyong gagamitin natin para sa trekking." Aniya ko sa kanila at saka umalis sa lamesa. Nakakagat ko na ang aking labi dahil sa nangyari kagabi? Gano'n ba talaga ako na-epektuhan dahil sa sinabi ni Wayne. Maniniwala ba ako sa sinabi niya? Eh, kung bigyan ko kaya siya ng deal? Kapag kalokohan na naman ang sinasabi niya, kukunin ko bahay nila? O, 'di kaya iyong share niya sa business nila? Tama, iyon na lang kaya? Para kahit masaktan ako may nakuha ako sa kanya. "Ay palaka!" Malakas na sigaw ko ng may humila sa aking kamay. "It's me, baby girl." Bulong nito sa aking tenga. Napahawak ako sa aking dibdib ng makitang si Wayne pala ang humila sa akin. Hinampas ko siya sa kanyang braso. "Aatakihin ako sa puso dahil sayo!" "I'm sorry, baby girl. Ang lalim kasi ng iniisip mo." Mahinang sabi niya sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit. "Iniisip ko lang kung anong ipapang-deal ko sa'yo. Baka kasi pinaprank mo na naman ako... Iniisip ko kung bahay mo o 'di kaya ang share mo sa business niyo ang kukunin ko kapag niloko mo ko." Aniya ko sa kanya at nilayo ang kanyang ulo sa aking leeg, ramdam ko kasing humahalik siya roon. Narinig ko siyang tumawa dahil sa sinabi ko. "Uy, hindi ako nakikipag-joke sayo, Wayne. Totoo kaya ang sinabi ko sayo, iyon talaga ang iniisip ko." "Sayo na ang bahay ko, ang shares ko sa company at iba pang ari-arian ko. Hayaan mo lang akong mahalin ka, baby girl." Lumaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Kinatok ko ang kanyang ulo, "nababaliw ka na talaga, Wayne?" Aniya ko sa kanya. Napag-isip-isip ako sa kanyang sinabi. "Okay, deal! Dapat ilipat mo sa name ko!" Mas okay na maging practical tayo, sayang 'di niyon kung lolokohin tayo ng isang ito. May kinuha siya sa bulsa ng kanyang short, nakita ko ang cellphone niya sa kanyang palad at nagtipa siya roon. "Hello, Alfred, this is Wayne. Can you transfer all of my shares to Nenette Apodar... Yes, to her... Okay, thank you!" Ngumiti ito sa akin ng ibaba niya ang kanyang phone. Maya-maya lamang ay nag-vibrate ang hawak niyang phone. Pinakita niya sa akin ang email ng kanyang secretary. "Are you insane? Nababaliw ka na ba talaga, Wayne?" Malakas na sabi ko sa kanya. Paano ba naman nilipat na niya sa akin ang ibang shares niya sa company nila. "Yes, nababaliw na ako sa'yo, baby girl. I want you. I want to marry you as soon as possible." Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Maniniwala na ba ako sa kanya? Lumaki ang aking mga mata ng may marinig na pamilyar na boses. Tinakpan ko ang bibig ni Wayne at nagtago kami rito sa likod ng puno. "Sshh, 'wag kang maingay." Mahinang sita ko sa kanya. Paano ba naman kasi magsasalita dapat siya buti na lang tinakpan ko ulit ang bibig niya. "Ganyan ba ang tingin mo sa akin?" Tinanggal ko ang kamay kong nasa bibig ni Wayne. Paano ba naman kasi hinahalikan niya at dinidilaan. Bwisit na Wayne na ito.Pinanglakihan ko siya ng mga mata ko at sinenyasan na tumahimik. "Alam mo naman wala akong gusto sayo! Hindi ko alam sa magulang natin ba't bet na bet ako para sa'yo!" Napasinghap ako dahil sa narinig ko. Maging si Wayne ay tumigil sa kakakulit sa akin. "Si Baca niyon, diba?" Mahinang tanong ko kay Wayne at tumango naman ito sa tanong ko. "Alam mo sana hindi na lang talaga ikaw! You're such a coward, Baca! Sana hindi na lang namatay ang kapatid mo! Sana ikaw na lang niyong nalunod! Sana hindi ka na lang niya niligtas! Kung buhay pa si Brandon, hindi ko ipipilit ang sarili ko sayo! Ayaw ko rin naman sayo! You're such a playboy!" Lalo kaming napatahimik ni Wayne ng marinig ang mahabang alintana ni Pillow. Bakit hindi niya sinasabi sa amin ni Kamilla ang tungkol dito? Nakita kong sumilip si Wayne, hinila ko ito baka kasi makita nila kami pero hindi ako pinansin. Nakarinig kami ng malakas na tawa mula sa kanilang dalawa. "Sana nga ako na lang! You know what, Pillow? Simula namatay si Brandon, namatay na rin ako. Gusto niyo tapusin ko lahat ng pangarap ni Brandon! Fck! Baca ang pangalan ko at Brandon! Sawa na akong kotrolin nila Mommy! Ayaw mo sa akin, ayaw ko rin sayo!" Para kaming tanga ni Wayne rito habang nagtatago sa likod ng puno. Kung kailan nakikipag-transakyon ako kay Wayne saka naman sila sumulpot na dalawa. Wala na kaming naririnig na ingay mula sa kanila. "Wala na ba sila, Wayne?" Pagtatanong ko rito pero pinatahimik lang niya ako. "Nandyan pa iyong kaibigan mo," anito sa akin at bumalik sa pagkakasilip. Siya kasi malapit doon. Dito naman sa kabila ko, wala akong makita puro puno lang din nakikita ko. "Umiiyak ang kaibigan mo." Lumingon ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi. "Pupuntahan ko si Pillow," tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako. "Bakit?" Mahinang angal ko rito, hawak niya kasi ang right wrist ko. Umiling siya sa akin. "Huwag ngayon, baby girl. Bigyan mo muna siya ng panahon para umiyak." Wala akong nagawa kung 'di bumalik sa tabi niya. Napasandal siya sa puno. "Umalis na rin iyong kaibigan mo." Pagbabalita niya sa akin. "Gano'n ba talaga si Baca?" Pagtatanong ko sa kanya habang nakatingin sa kawalan. "Ngayon ko lang din siya nakitang magalit. And, we don't know na may kapatid pala siyang namatay. How about kay Pillow? Alam niyo ang tungkol sa kanila ni Baca?" Umiling ako sa kanya, "hindi. Napansin lang namin ni Kamilla nitong camping. Lagi namin siyang nahuhuling nakatingin kay Baca. Pero, iyong tungkol sa pinagkakasundo sa kanila, hindi namin alam. Wala rin siyang sinasabi sa amin." Napabuga ako nang malakas. "Ang gulo ng mundo. Hindi ba p'wedeng kapag mahal mo mamahalin ka rin?" "P'wede naman. Mayro'n lang ibang babae o lalaki na mataas ang pride. Come on, balik na tayo sa campsite baka hinahanap na ako ni Warren, sabi ko kasi sa kanya bibili lang akong tubig." Anito sa akin at tumatawa sa ginawa niyang kagaguhan. "Teka, totoo ba niyang natanggap mong email? Iyong tungkol sa shares mo?" Paninigurado ko sa kanya. "Of course, baby girl. Nasayo na ang 50% of my shares." Sabay halik nito sa akin. Mayaman na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD