"Kami, baby, hindi pa kami kumakain..."
Napatayo ako sa shivel chair ko habang umiiling-iling. Tatlong araw na ang nakakalipas pero hindi pa rin maalis sa isipan ko iyong sinabi nilang dalawa.
Ang landi-landi talaga nila. Ilan na bang babaeng sinabihan nila ng gano'n? Kaya kung ako sa'yo, hindi ako maniniwala sa mga pinagsasabi nila. Mga malalanding nilalang lang talaga silang magkambal.
Sana lang talaga hindi na magtagpo ang mga landas namin, ayoko na silang makita o makasalubong man lang. Hindi ko nga alam ba't nakikiepal at nagpapapansin sila sa akin, siguro nalaman nilang para na akong kapatid nila kuya Jix kaya todo pasikat ang mga iyon kila Kuya para masabing close kami. Neknek nila.
After nilang sabihin niyon sa akin, tatlong araw na ang nakakalipas nakatanggap sila ng kagat sa braso galing kina Jaxon at Jessie, hampas naman ng laruan na galing kay Josev. Kaya hindi sila nakatiis kung hindi tumayo at umalis sa kinauupuan namin. Hindi ko nga alam ba't ginawa niyon ng mga pamangkin ko pero nagpapasalamat na rin ako sa kanila kasi umalis iyong kambal na iyon sa harap namin. Pero, pagkauwi ko sa bahay tinignan ko saglit ang aking social media at laking gulat ko na nakatanggap naman ako ng friends request galing sa kanilang dalawa, dinelete ko nga agad ang mga iyon. Ayoko.
Bumalik ako sa pagkakaupo, nag-focus na lang ako sa trabahong binigay sa akin ni Kuya Jeppy. No choice naman na ako kung hindi tanggapin ang inaalok sa akin ni Kuya kaysa roon ako sa isa sa mga company ng kambal na kumag na iyon. Swerte naman nila kung gano'n tinutulungan kong lumago mga business nila, ang laki kaya ng kasalanan nila sa akin. Buti na lang din, hindi ko pa nakakasalubong si Denver, laking pasasalamat ko rin na sa ibang branch pala siya nilagay ni Kuya atleast hindi ko siya makikita ang pagmumukha niyang manloloko isama mo pa iyong malanding pinalit niya sa akin na si Annika.
Hinilot ko ang aking sentido at saka tinitigan ng matagal ang laptop na nasa harapan ko. Nawala ako sa focus, ano nga ulit gagawin ko rito sa laptop ko? Napapikit ako at tulalang nakatingin sa harap ng laptop waring inaalala kung anong gagawin ko rito.
Napatayo ako ng makitang tumunog ang aking cellphone, unknown number? Sino naman ito? Wala akong binibigyan ng number ko pwera sa mga kaibigan kong nagpapalit ng number. Si Pillow kaya o si Kamilla?
Inaccept ko ang tawag kung sino man itong Pocio Pilato na tumatawag sa akin ngayon, sana lang talaga mahalaga ang tawag niya kung hindi bubugahan ko talaga siya ng apoy ngayon.
"Hello?" Bati ko sa kabilang linya.
Wala akong narinig na sumagot o ingay man lang sa kabilang linya. Hinarap ko sa akin ang aking phone, ongoing pa naman.
"Hello? Sino ito? Paano at saan niyo po nakuha number ko?" Sabi ko sa kabilang linya pero wala pa ring sumasagot sa akin.
"Prank call ba ito?" Mariin kong sabi sa kanya. "Kung wala kayong sasabihin, pakibura iyong number ko, wrong number yata kayo!" Sabay baba ko ng tawag.
Pumunta ako sa setting ng aking phone at dinala ako nito sa blacklist, ayoko pa naman iyong may tumatawag sa akin na hindi ko kilala. Malay ko ba baka mangungutang iyon, wala pa naman ako pera, kakapasok ko pa nga lang sa trabaho, eh.
Napalingon ako ng bumukas ang pinto ng office ko, hinihintay kung sino ang iluluwal ng pintong iyon.
"Galit ka na naman, nasa labas pa lang ako rinig ko na iyang boses, Nene. Sino na naman kaaway mo?"
Napasimangot ako dahil sa sinabi ni kuya, malakas ba talaga boses ko?"
"May nang prank call kasi, Kuya. Alam mo namang bwisit na bwisit ako sa mga gano'n." Sabay pangumbaba sa aking lamesa.
"Dahil ba talaga roon? O, iyong nangyari tatlong araw na ang nakakalipas?" Pinang-ikutan ko siya ng mga mata ko.
"Huwag mo ko daanin sa ganyan, Nene. Busog na busog na ako sa ganyan ng Ate Jasmine mo,"
"Isusumbong kita kay ate Jas!" Pananakot ko rito namutla naman agad si Kuya. Takot siya, diba?
Napailing na lang siya sa akin at naglakad palapit sa p'westo ko, "may meeting conference ako sa Vigan tatlong araw na pagstay roon, Nene, biglaang sinabi ng secretary ko kanina, bukas ng umaga ang alis niyo..."
"Teka, kuya? Meeting conference niyo, diba? Bakit bukas ng umaga ang alis niyo? Diba dapat ako? Bukas ng umaga ang alis ko?" Nalito ako sa sinabi ni Kuya.
"Yah, alis ko pero 'di ako p'wede, Nene. Hindi ko p'wede maiwan ang ate Jas mo, walang magbabantay kina Angelus at Josev kaya ikaw ang nais kong pumunta sa Conference na iyon, sinabihan ko na ang secretary kong ikaw ang pupunta."
Seryoso ba si Kuya? Anong alam ko sa meeting nila roon? Human Resources ang kurso ko, taga-interview ako ng mga aplikante pero nilagay agad ako ni kuya bilang Supervisor ng HR.
"Seryoso ka ba, Kuya? Baka hindi ko magawa iyong pinag-uutos mo, malay ko kung tungkol sa'n ang sasabihin sa meeting niyo roon?" Nilapag niya ang tatlong folder sa aking lamesa.
"Nandito lahat sa folder ang tungkol sa meeting, isang araw lang meeting na iyon pero magkakaroon sila ng seminar kaya magiging three days ang pagstay mo roon."
Napasandal ako sa sinabi ni kuya Jeppy, ano pa nga ba magagawa ko?
"Sige na nga, Kuya! Dapat tataas niyong sahod ko ha? Ako pumalit sa'yo." Suko ko na rito.
"Good. Ako bahala sa sahod mo." Sabay ngisi nito at umalis sa office.
Good nga ba? O, baka maging very bad naman ang pasya ko. Nakakainis talaga si kuya, multuhin sana siya ni ate Miya!