"P-paano niyo sila nakilala, kuya?" Nagtatakang tanong ko kay kuya Jix habang nakatingin pa rin ang mga mata ko sa dalawang lalaki na kinaiinisan ko.
"Oh, sila? We're cousins, Nene."
Napanganga ako sa sinabi ni kuya Jix habang naglalakihan ang aking mga mata.
Teka? Tama ba iyong narinig ko? Cousin is pinsan sa filipino diba? Baka naiba na ang meaning nu'n?
"P-pinsan niyo po sila, kuya? Hindi ko ho sila nakita nu'ng kasal nila kuya at kasal niyo ni ate Miya, p-paanong?" Naguguluhan na ako.
Bakit kamag-anak nila ang mga gagong ito? Bakit?
Ngumiti sa akin si kuya Jix, sila kuya Jim naman ay nagtataka sa reaksyon ko, "nasa ibang bansa sila that time kaya hindi sila nakadalo. Pero, mababait ang mga iyan."
Napaangat ang aking labi dahil sa kanyang sinabi. Mabait? Saan, saan sa parte nila ang mabait? Hindi ko makitang mabait sila.
Lumapit ako kay kuya Jix at saka mahinang may sinabi rito, "kuya... Sila iyong sinasabi kong dahilan ba't hindi ko nakuha iyong Summa c*m Laude. Dahil sa kanila niyon, Kuya Jix. Kaya bwisit na bwisit ako sa kanila tapos pinsan niyo sila?"
Tumawa ito sa sinabi ko at saka ginulo ang aking buhok, "don't worry, Nene. Pinatawag kita dahil humihingi sila ng sorry sa'yo."
Napapikit ako dahil sa sinabi ni kuya Jix, sila hihingi ng sorry? Magugunaw na yata ang mundo. Ang Sanchez twins hihingi ng sorry sa akin, wow!
Napailing ako sa sinabi ni kuya Jix, "sorry, kuya, pero hindi ako maniniwala sa kanila. Hindi ko matatanggap ang sorry nila. Kahit magunaw pa ang mundo ngayon hinding-hindi ko sila mapapatawad." Aniya ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"Kung wala na po kayong sasabihin sa akin, aalis na po ako. Babantayan ko pa po sila Jessie." Sabay alis ko sa kanilang harapan.
Bago pa ako makalayo ng husto narinig ko pa ang sinabi nila kuya, "ano bang ginawa niyo sa kanya?
Bakit hindi nila aminin kung anong ginawa nila sa akin? Dapat mag-umpisa na sila ngayon dahil sobrang dami nu'n baka umagahin sila kakasabi kila Kuya.
Nawala ang galit ko ng makita ang mga pamangkin kong nasa iisang table habang abalang kumakain. Lumapit ako sa kanila at tinignan kung ano iyong pinapapak nilang pagkain.
"Hi, Tita Nene! Do you want?" Ngumiti ako rito at binuka ang aking bibig. Sinubuan ako ni Jaxon ng isang marshmallow na dinip niya muna sa chocolate.
"Thank you, Jaxon." Sabay kurot sa kanyang pisngi.
Hetong si Jaxon kapag nag-binata mala-kuya Jim ang galawan ng isang ito, may pagkapilyo kasi ito minsan lalo na sa kakambal niyang si Jessie pero minsan din sweet siya sa kanyang kakambal, depende siguro sa takbo ng utak ng isang ito.
Umupo ako sa upuan ni Josev at inupo na lang siya sa may table, ang dami ng chocolate ang buong mukha niya. Yari ako nito kay kuya Jeppy, e.
Kumuha ako ng tissue sa aking sling bag, bigay ito ni Tita Jewel nu'ng grumaduate ako. Nakakahiya nga tanggapin, e. Sa itsura palang kasi mukhang mahal na ang isang ito. Pinunasan ko ang buong mukhang ni Josev, bakit kasi ang kalat ng kumain ng isang ito akala mo nasa bahay.
"Don't... 'ta, don't..." Sabay hawi niya sa kamay kong pinupunasan ang kanyang nguso at bibig.
"Anong don't? Saan mo nakuha niyang don't-don't mo? Dunduntin ko niyang pisngi mo," at, pinagpatuloy ko pa rin ang pagpupunas sa kanya.
"D'yan lang kayo, Jessie. Kukuha lang si Tita ng makakain ko." Ngiti ko rito.
Sabay-sabay naman silang tumango sa akin, sana nga lang sumunod sila sa sinabi ko.
Dumiretso ako sa may gilid ng garden nila Tita Jewel, nandito kasi banda ang catering malapit ito sa may mini stage nila mukhang ginawa lang para rito.
Kapag nga naman minamalas ka, masama ko sila tinitigan kahit alam kong hindi nila ako napapansin pa. Binilisan ko na lang ang pagkuha ng pagkain ko pero itong mga nasa harapan ko ang babagal mamili.
Oh, lord padapain niyo sila habang naglalakad sila. O, di kaya mawala na sila ng parang bula.
Kung nakakuha na ako ng kanin, p'wede na akong umalis sa pila na ito at dumiretso na roon sa table namin pero hindi maghihintay iyong tatlong pamangkin ko roon alam kong maging sila kakain din ng kinuha kong pagkain.
"Hi, Nene!" Nanigas ako dahil sa narinig ko.
Bakit parang ang bilis nilang maglakad kanina nando'n lang sila?
Huwag kang lilingon, Nene. Baka kung anong virus pa ang makuha mo sa kanila.
"Hey, ex-classmate! Kumusta kayo ng ex mo?" Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa sinabi nila.
Bwisit.
Binalewala ko ang sinabi nila. Kumusta ang ex ko? Inagaw nu'ng malandi niyong kaibigan s***h girlfriend na si Annika.
Naglagay agad ako ng dalawang sandok na kanin sa plato na bitbit ko at saka sila iniwan doon. Bahala sila. Sira na iyong gabi ko dahil sa kambal na iyon.
"Tita Nene, why you're so tagal?" Bungad sa akin ni Jessie ng makita ako nito.
Nilapag ko sa lamesa ang plato na kinuha ko at saka inayos nang upo si Josev buti hindi nahulog ang isang ito.
"Stop niyo muna niyan, kain muna kayong tatlo." Saka sila pinagsusubuan. Mahirap talagang maging Tita, hindi naman sila sa akin lumabas, sa akin gustong laging nakakapit ang mga ito. Sa susunod pati si Angelus kasama sa mga babantayan at aalagaan ko.
"Who... Are... You, mister?" Napalingon ako ng magsalita si Jaxon at tinuro pa ang kanyang nasa unahan.
"Sino kayo?" Sabat din ni Jessie habang nakatingin sa dalawang lalaking nakaupo sa harapan namin.
Ano bang pakay nila sa akin?
"Hi, I'm Wayne," pakilala niya sa amin. May isang hikaw na itim sa kaliwang tenga niya at mas matangkad siya kumpara kay Warren. Sa kanilang dalawa siya ang palaging basagulero.
"I don't like you for Tita Nene," napamaang ako sa sinabi ni Jaxon.
Teka, si Jaxon ba talaga iyong nagsalita. Isang mag-seven years old this year na bata.
May narinig kaming humalakhak at napatingin kami sa katabi ni Wayne, si Warren.
Sa kanilang dalawa ito talaga ang sakit sa ulo ko noong college kami. Iyong tipong sarap ingudngod sa inidoro iyong maruming inidoro.
Kung si Wayne nasa kaliwang tenga may hikaw, si Warren naman ay kanang tenga ang may hikaw. May tabas din ang kanyang kaliwang kilay, mukha siyang tambay sa kanto. Sa kanilang dalawa si Warren ang pinakapilyo, siya iyong laging nang-iinis sa akin at dahil sa kanya hindi ko nakuha iyong Summa c*m Laude ko, siya lang naman nagsabi kay Dean na sa akin daw galing iyong kodigo niya. Bwisit na Warren na 'to.
"Jaxon, don't be like that, okay? They're bad guy. Huwag mo silang gagayahin. Eat ka pa," wala ako pake kung marinig nila iyong sinasabi ko. Totoo naman ang mga iyon. Totoo ang mga sinasabi ko sa kanila.
Tumikhim sila sa akin, "we're not bad guy, kids. We're nice and naughty at the same time." Nakita ko pa silang tinaas-baba ang kanilang mga kilay habang nakatingin sa akin.
Ilang buwan pa lang naman nakakalipas, ha? Naging adik agad sila?
Pinihit ko ang aking ulo at saka pinagpatuloy ang pagpapakain sa mga pamangkin ko.
"Kami, baby, hindi pa kami kumakain."