Inayos ko ang mga gamit na dadalhin ko sa Three days na conference na meeting na iyon, binasa ko rin iyong binigay ni kuya na tatlong folder sa akin.
Tungkol sa business namin ang mga nabasa ko, tungkol saan ang business, sinong target na mamimili at anong p'wedeng i-ambag sa ekonomiya nito. Binasa ko talaga ang folder na iyon from Vision and Mission until doon nga sa sino target na consumer.
Napapakamot na nga lang talaga ako rito kung bakit ko nga ba tinanggap ito. Paano kung hindi sila satisfied sa magiging sagot ko? Edi, bumagsak iyong kompanya ni kuya dahil sa akin. Yari talaga ako nito. Ako pa ang magiging dahilan kung bakit mawawalan ng trabaho iyong mga empleyado roon dahil sa akin.
Nang matapos na akong magligpit, isang bagpack at isang bodybag lang ang dala ko, three days lang naman ang itatagal ko roon. Bakit ako magdadala ng maraming damit? Wala na akong pake kung magkakaroon sila ng kasiyahan doon, basta ako matutulog o 'di kaya tatambay sa magiging k'warto ko after ng meeting at seminar doon.
Nakatitig lang ako sa dingding ng k'warto ko at tinitigan ang napakaimportanteng papel sa akin.
Hi, Ate Miya, kung nandito ka lang alam kong sobrang saya mo siguro dahil sa mga nakakamit namin ni Kuya maging sila Mama sobrang saya d'yan. Heto na iyong pinapangarap natin na makaahon sa hirap, nagawa na ni Kuya Jeppy, ate. Iyon nga lang wala na kayo rito. Alam naman namin sobrang saya niyo d'yan para sa amin ni Kuya. Miss na miss ko na kayo, magkikita rin tayo soon.
Napayuko ako ng may nagbukas ng pinto sa aking k'warto kaya pinunasan ko agad ang mga butil na tumulo sa aking magkabilang pisngi.
"Naiisip mo na naman sila?" Tumango ako sa kanya kahit nakayuko pa rin ako.
Naramdaman kong tumabi siya sa akin, nasa kama ako at ramdam kong lumubog ang parte sa aking kaliwa. Inakbayan niya ako at ginulo ang aking buhok.
"Alam kong proud sila sa'yo, Nene. Lalo na sila Mama." Aniya sa akin.
Niyakap ko siya at naramdaman kong lalong humigpit ang kanyang pagkakayakap sa akin, "sayo rin kuya, mas proud sila sayo dahil sa mga nakamit mo." I smiled habang may bahid pang luha sa aking pisngi.
Binuhat ni kuya ang dala kong bagpack at bodybag pababa sa may sala, nandoon na kasi iyong secretary niya at iyong magiging driver namin papunta roon.
"Tita Nene, asalubong." Napairap ako ng makita si Josev na tumatakbo papunta sa akin habang sumisigaw.
"Malambing ka lang kapag may kailangan ka, ano?" Aniya ko rito pero ang makulit kong pamangkin, ngumiti lang sa akin na ubod ng laki talagang inaasar pa niya ako.
"Nene, magtext ka rito kung anong ginagawa mo roon, ha? Paniguradong mag-aalala ang kuya mo." Sabay sulyap ni Ate Jasmine kay kuya Jeppy.
"Opo, ate... Sige na, kuya, aalis na kami baka abutan kami ng traffic sa daan." Sabay baling kay kuya Jeppy. Nakita kong kinausap niya ang secretary niya. Baka may binilin dito.
"Mag-iingat ka roon. May binilin ako sa secretary ko, na 'wag na 'wag kang iiwan kung sa'n-sa'n baka maligaw ka na naman katulad nu'ng pumunta sa Japan last summer." Napangiwi ako sa sinabi niya. Naalala pa niya.
Iba naman niyon, hindi ko nga mabasa iyong mga signboard doon kaya naligaw ako. Pero, kung nabasa ko at naiintindihan ko ang mga iyon hindi ako maliligaw.
Ilan beses ako binilinan ni Kuya, at ilan beses akong tumango-tango sa kanya. Hindi na ako bata, ano? Nasa tamang edad na kaya ako, alam ko na gagawin ko.
Nandito ako sa backseat, iyong secretary naman ni kuya ay nasa passenger seat. Naiilang nga ako, e. Ako lang babae wala tuloy akong makapag-kwentuhan dito.
Binaling ko na lang ang aking tingin sa mga naggagandahang tanawin sa mga nadadaanan namin. Nakapag-search na ko kung anong p'wedeng puntahan sa Ilocos Sur o sa mismong Vigan. Sinulat ko na iyon sa notebook ko para pagkatapos ng meeting namin doon p'wede na kaming pumasyal. Iyon nga lang may seminar pa kaming pupuntahan.
Nag-stop over kami sa bandang Abra, ayon sa nakita kong welcome signage kanina. Kumain kami ng aming late na tanghalian at saka ulit na bumalik pagdadrive ang aming driver.
Halos walong oras na byahe ang tinahak namin bago kami nakarating sa hotel na tutuluyan namin sa loob ng tatlong araw. Alas-siyete na ng gabi ng makarating kami, rito gaganapin niyong seminar kaya rito na rin nagpasya si kuya na ganapin ang meeting nila.
Binigay sa akin ni Leo - ang secretary ni kuya Jeppy, ang susi na tutuluyan ko rito. Sila dalawa ng driver ay magkasama sa iisang hotel room. Magkatabi lang naman ang room number namin kaya 'di ako magkakaroon ng problema once na may mangggulo rito.
Agad kong niyakap ang kamang nandito, siniksik ko ang aking mukha sa mga malalambot na unan, kinakain na ako ng antok. Gusto ko na lang matulog muna at saka problemahin ang magiging meeting bukas ng umaga, sabi ni kuya ang start ng seminar ay bukas din pero alas-kwatro ng hapon ito gaganapin hanggang alas-siyete ng gabi.
Ite-text ko na lang si Kuya Leo na bukas na niya ako guluhin dahil hindi na niya talaga ako makakausap ng matino ngayong gabi, gusto na talaga pumikit ng mga mata ko at pumunta na sa aking dream land.
Na-receive ko ang kanyang replied at sinabi na kailangan ko na munang kumain pero wala na talaga. Wala na talaga akong enerhiya para replayan pa siya.
Sa gano'ng sitwasyon, nagpalamon na ako sa kadiliman.