Episode 5

1040 Words
"Anong ginagawa nila rito?" Bulalas ko sa kanila. Nakatutok pa rin ang aking paningin sa tatlong tao na ayokong makita. Bakit kung nasa'n ako, doon ko sila nakikita? Sinusundan ba nila ako? "Ang mga Sanchez, Nene." Humarap ako kay kuya Leo ng sabihan niyang iyon. "Alam ko, ang hindi ko lang alam ba't nandito niyang mga iyan." Iniwasan ko na ang aking paningin sa kanilang dalawa, may kasama pa silang isa pero mukhang kapareha lang nilang mga gago. "Sino iyong isang kasama nila, Kuya Leo? Hindi naman nila kapatid ang isang niyan." Pagtatanong ko rito. Nakahinga akong malalim na hindi malapit sa amin ang inupuan nilang tatlo. Buti na lang late sila pumunta. "Ah, siya si Baca Domingo, nag-iisang tagapagmana ng Winery ng mga Domingo." Oh? Babaero rin siguro katulad ng kambal na iyon. Hindi ko na lang sila binigyang pansin at tinuon ang aking sarili sa mag-uumpisang seminar. Hindi naman sila ang pinunta ko rito kung hindi ang seminar na magpapadagdag ng aking kaalaman sa business. Nasa kalagitnaan kami ng seminar ng kami ay patayuin habang may hawak na ballpen at nasa likod namin ang isang bondpaper, nakadikit ito sa aming mga damit. "Tayo ay umikot habang ating iwagayway ang ating mga hawak na ballpen. Makipaghalubilo tayo sa iba't ibang table na narito at magpasulat sa iba kung ano ang naging first impression nila sa inyo." Napalabi ako dahil sa sinabi niya. Iiwasan ko iyong table nila. Hindi ako gagawi roon. Nagpatugtog nang malakas habang ang iba naman ay nagpapalipat-lipat na ng p'westo kaya wala na akong nagawa kung hindi sumabay na rin sa kanta. Hindi ko na nga rin makita si Kuya Leo, nawala na rin siyang parang bula. Pumunta ako sa unang table habang may malaking ngiti para sa kanila, sumali ako sa kanilang ginagawang pag-ikot habang nagsusulat sila sa mga likod ng bawat isa. Nakalagay sa aking bondpaper na nasa likod ay Hi, I'm Nene Apodar! Nice to meet you! Sana nga lang magaganda iyong ibigay nilang salita para sa akin. Nang matapos ang unang tugtog nagbago na naman ito kaya lumipat ako sa kabilang table. Habang tumatagal ramdam ko sa aking likod na puno na ang aking bondpaper dahil iyong mga nahuling nakapagsulat sa likod ko sa mga gilid na sila nagsusulat baka nga pati blouse ko may sulat na rin. Nang i-play ang huling tugtog doon na ako bumalik sa p'westo namin, hindi na ako pumunta sa p'westo nila. No way! Sa table na lang namin ako umikot para kunwari sumasali pa rin ako. Nang matapos ang huling tugtog, bumalik na kami sa aming mga table at ako ay agad na umupo. Ano kaya ang mga nakasulat sa likod ko? Hindi ko naman kasi nakita kung sino-sino mga nagsusulat, e. May kanya-kanya rin kasi kami ng mga ballpen kaya 'di ko talaga pansin. Nakabalik na sa upuan si kuya Leo, tinignan ko ang kanyang likod halos mapuno ang bondpaper na nasa likod niya. Ang daming sumulat sa kanya ha? Bumalik ang emcee sa stage at saka sinabi na tanggalin na namin ang mga bondpaper na nasa likod namin. Kailangan namin makita kung ano ang pinaka-pare-parehas na first impression nila sa amin. Pinakuha ko kay kuya Leo iyong bondpaper ko gano'n din ang sa kanya tinanggal ko rin mismo. "Wow!" Iyon lang ang lumabas sa aking bibig. "Puno ang sa'yo, Nene. Nice." Napatanga ako sa sinabi niya. Halos puno talaga ang bondpaper ko. May nagsulat na nga sa mga gilid nito, iyong iba naman siniksik sa mga naglagay ng border sa kani-kanilang sinulat. Inisa-isa ko ang nakasulat dito, halos mahilo na ako dahil ang liliit ng mga sulat ng iba. "Mabait, mukhang mabait. Matalino, mukhang maarte. Snobers. Mataray?" What the! Mataray? Itong mukha kong 'to? Kung hindi lang nila alam sobrang bait ko kaya. Kung mababasa nina Pillow at Kamilla ito tatawa niyon sa akin at aasarin ako. Nakangiti na nga ako habang naglalakad at umiikot para maganda lang maging impression nila sa akin. Kaloka! Tinuloy ko ang pagbabasa sa mga nakasulat sa papel ko. "I like her." Napakurap ako sa nabasa ko, nakasulat pa ito sa drinawing na heart shape. Sino ito? Nasa pinakagitna siya nakasulat meaning nasa pangalawang table or? Ewan! Hindi naman dito sa table namin, kasi nakita ko ang mga sinulat nila sa akin bago mag-announce kanina na magpapasulat din kami sa ibang table. Sino ito? Napatingin ako sa kaliwa ko ng sikuhin ako ni kuya Leo, "anong pinakamarami sa'yo?" "Mukhang mabait," aniya ko. Tumawa ito sa akin, "sabi na nga bang mukha ka lang mabait, e." Inangilan ko nga siya. Bwisit. After ng aming activity, pinaalis na kami at itutuloy bukas ang huling seminar. Nag-unat ako at tinago ang notebook kung saan ako nagsulat kanina. Ang dami ko ngang sinulat, halos lahat ng slide nila naisulat ko yata. "Nagugutom na ako." Ani ko kay Kuya Leo. Hindi naman kasi sapat iyong binigay nilang ensaymada at juice sa amin. Tumawa ito sa akin, "heto niyong sinasabi ng kuya mo sa akin. Tara na sa baba baka nakahanda na pagkain doon para sa mga katulad natin." Sumunod ako sa kanya pababa. Gumamit na lang kami ng hagdan, ang dami kasi nag-aabang sa elevator may hagdanan naman, e. Nang makababa at makarating nakita kong may iilan ng nandoon, sila yata iyong mga naunang nakababa. Dumiretso na kami ni Kuya Leo sa may pagkain, tinawag na rin namin iyong driver ni kuya Jeppy para makakain na rin siya. Masaya akong kumakain dahil paborito ko iyong mga nakahain doon kaya masaya ako. Halos lahat nga kumuha ako pero konting serving lang, ha? Baka hindi ko maubos kapag marami kinuha ko, sayang naman iyong food. Dumilim ang parte sa harap ko at nakita kong may tatlong lalaki na uupo sa table namin base roon sa nakita ko, hindi ko na kasi sila nilingon ng husto, gutom ako at masyado akong masaya sa kinakain ko ngayon para balingan ko pa sila. "Bro, after this sa'n ang punta niyo?" "Babalik na sa company ulit. Hindi naman na kami p'wedeng gumimik. You know what I mean." Nagsalubong ang aking magkabilang kilay na may maalala sa boses na iyon. "We're doing goody-goody today, Bacs!" What the fck! Don't tell me? Fck! Napapagmura ako dahil sa mga iyon. Lintik na iyan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD