"Cappuccino latte, Ma'am." Ngumiti ako sa cashier at saka nagbayad ng aking inorder.
Umupo ako malapit sa may bintana, tanaw ko rito ang mga iilang sasakyan na nag-uumpisa ng pumasada at pumunta sa kani-kanilang trabaho.
Humigop ako sa aking cappuccino at saka napabuga ng maalalang mamaya na ang magiging meeting sa company. Sana nga lang talaga matawid ko siya ng matiwasay, nakasalaylay rito ang business ni kuya.
Nahagip ng aking paningin ang orasan na rito, alas-sais-kwarenta pa lamang, alas-nuwebe ng umaga ang meeting sa may vip room na nandoon sa may hotel.
Handa naman na ako kung ano ang sasabihin mamaya sa meeting namin. 'Di ko lang alam ba't ako kinakabahan ng ganito, bigla na lamang kumabog nang mabilis ang aking puso.
Napabuga ako ng may mahagip na dalawang taong naglalakad malapit sa akin. Isang dalaga at isang binata na magkahawak kamay na naglalakad sa kalsada. Napailing na lang ako sa nakita ko, ang babata pa nila para pumasok sa ganyang relasyon, masasaktan lang sila. Lalo na kung hindi pa puro ang kanilang pagmamahal sa isa't-isa.
Inubos ko na lamang ang aking cappuccino at saka umalis sa coffee shop na iyon. Kailangan ko ng maghanda para sa meeting mamaya.
Nakabalik ako ng maayos sa hotel kung sa'n kami naka-check-in. Nadatnan ko pa si Leo na nasa harap ng pinto ng aking hotel room.
"Leo?" Tawag pansin ko sa kanya, lumingon ito sa akin at mukhang nagulat pa siya.
Napakamot pa ito sa kanyang ulo, "tatawagin sana kita kung nakakain ka na ba?"
Ngumiti ako sa kanya. Ang alam ko matanda lang si Leo ng dalawang taon kay Kuya Jeppy. Ang alam ko rin nakapagtapos ito ng kursong Education kaya 'di ko alam ba't hindi siya nagtuturo at mas ginusto niyang manatili bilang secretary ni Kuya.
"Tapos na ako, Leo. Salamat sa alok, ha?!" Aniya ko sa kanya ng makalapit sa kanya.
"Ah-eh, s-sige. Kita na lang tayo mamaya sa meeting." Sabay ngiti nito sa akin saka dumiretsong lumakad palayo sa akin.
Tinignan ko lamang ang kanyang bulto na papalayo sa akin, ang weird talaga niya kahit kailan.
Pumasok na ako sa aking room at saka nag-asikaso sa sarili ko. Lumingon ako sa orasan na nandito at nakita kong malapit na mag-alas-nueve. Hindi p'wedeng mas mauna ang mga investor na makapunta roon kaysa sa akin. Nakakahiya kapag gano'n ang nangyari.
Bumuga ako nang malakas at saka pinakalma ang aking sarili, "kaya mo ito, Nene. Kaya mo ito!" Pinagpag ko ang aking mga kamay at saka sinampal nang mahina ang aking magkabilang pisngi.
Ready na ako. Kinuha ko ang tatlong folder na binigay ni kuya Jeppy at saka lumabas. Pagkalabas ko, eksaktong kalalabas lang din ni Leo sa kanilang room.
"Ayos ka na ba?" Tumango ako sa kanya kahit tumatambol ang aking dibdib.
"Baka hindi ko magawa ng maayos ito, Leo. Kinakabahan talaga ako." Amin ko sa kanya.
Pumasok kami sa elevator. Humarap ito sa akin, "kaya mo iyan. May tiwala ang kuya mo sa'yo. May tiwala rin kami sa'yo."
Hindi nakatulong iyong sinabi niya sa akin. Lalo akong kinabahan. Jusko. Hindi ako mapakali hanggang makarating sa VIP Room, namamasa na rin ang aking magkabilang kamay dahil sa kabang nararamdaman ko at sa lamig ng hangin na nandito sa k'wartong ito. Uminom ako ng tubig na nakahain na rito sa lamesa namin at inisang lagok ko ito.
"Huwag kang kabahan, Nene. Lalo ka lang hindi makakapag-isip mamaya, relax ka lang. Isipin mo na lang na kaibigan mo ang nasa harap mo mamaya. Basta tiwala ka lang sa sarili mo." Tumango na lang ako sa sinabi niya.
Napagitla ako ng bumukas ang pintong nandito, nakita ko ang tatlong tao na pumasok, na-corporate attire silang lahat.
Bumuga ako ng hangin, tumayo at saka malaking ngiti ang binungad sa kanila, "good morning to everyone!"
Sa nakalipas na trentang minuto na pag-uusap. Pinaliwanag ko sa kanila ang business ni Kuya Jeppy ng pinong-pino at hinimay-himay ko sa kanila kung para saan ang aming business. Kinakabahan man ako pero 'di ako nanaig doon, sabi nga ni Leo hindi lang si kuya ang naniniwala sa akin, maging ang buong nagtatrabaho roon kaya binigay ko talaga ang buong isip ko sa meeting na ito.
Pinasadahan ko ng tingin ang nasa harap ko mismo, siya ang boss sa kanila. Nag-usap ang mga ito sa harap namin ni Leo kaya nakasubaybay ako sa kanila kung ano magiging reaksyon nila. Pero, hindi ko mabasa dahil naka-poker face silang tatlo. Mukhang sanay na sanay na silang humarap sa maraming tao at makipag-meeting.
Napaayos ako ng upo ng humarap na ito sa amin, tumango ito sa akin ng ilang ulit, "yes." Isang malaking mata ang sinukli ko sa kanilang tatlo ng marinig ang yes nila sa amin.
Natulala ako sa kanila ng sabihan niyang iyon kaya si Leo na lang ang nag-abot ng kontrata na ginawa nila ni Kuya.
"T-thank you so much, Mr. Makamura!" Sabay yuko ng aking ulo sa kanya.
Ngumiti ito sa akin at saka umalis na ng VIP room. Nang mawala si Mr. Makamura ay saka ko niluglog ang braso ni Leo.
"Nagawa ko! Nagawa ko, Leo! Pumirma si Mr. Makamura sa company natin. Nagawa natin!" Masayang wika ko sa kanya.
"Congratulations, Nene. Sabi ko sa'yo kaya mo. Nu'ng tinitignan kita nakikita ko ang kuya mo sa'yo. Magkapatid nga kayong dalawa." Aniya sa akin.
Bumalik kami sa room namin, paghahandaan ko naman ang seminar mamaya. Nang dumating ang hapon, nagsuot na lang ako ng jeans and blouse, okay na ito.
Nakita ko si Leo na pababa na rin pala, alam kong kasama ko siya sa magiging seminar, e. Tumakbo ako para mahabol siya buti na lang talaga naabutan ko siya bago sumara ang elevator.
Nagulat siyang tumingin sa akin, "akala ko nasa baba ka na. Kaya 'di na kita dinaanan." Sabay kamot nito sa buhok niya. Ngumiti na lang ako sa kanya.
Nandito kami sa event hall ng hotel na ito, dito raw kasi gaganapin ang seminar at saka marami raw ang dadalo rito. Pumewesto kami sa malapit na table sa may stage, para 'di kami antukin baka kasi matulugan ko ito kapag sa malayo kami pupwesto. Nakakaantok pa naman lalo na't hapon na at malamig pa rito.
Umupo kami dalawa ni Leo, napapansin naming dumadami na rin ang mga taong nandito. Lahat ba sila rito naka-stay?
"Oo, Nene. Lahat sila rito naka-stay ngayon." Lumingon ako sa kanya. Kumunot ang aking noo sa kanya.
"Malakas ang pagkakasabi mo." Sabay tawa nito sa akin. Sinimangutan ko nga siya.
Padami-dami na ang mga taong naririto. Hindi ko naman sila kilala, siguro iyong iba rito mga anak ng mga negosyante rin. May iba kasi akong napansin na ang babata pa ng itsura, e.
Sa table namin ay halos okupado na namin, anim na tao lang kada isang table. Nagpakilala na rin kami sa isa't-isa para 'di kami mailang mamaya kapag nag-umpisa na ang seminar.
Lumingon ako sa likod, may iilang bakanteng chair pa roon. Napatigil ako ng may mahagip na 'di kaaya-aya sa aking paningin.
"Anong ginagawa nila rito?" Bulalas ko sa kanila.