Dahan-dahan kong tinataas ang aking mukha para makita kung sila ba talaga ang mga iyon.
Bakit sa dami ng table na nandito, dito pa sila pumewesto! Bwisit talaga sila kahit kailan.
"Oh! Ms. Apodar, nandito ka pala." Bakas sa kanyang boses ang pagkamangha pero sa kanyang mukha nakangisi ito habang sinasabi niya ang mga iyon.
Pinangdilatan ko sila ng mga mata ko at hindi sila pinansin. Bibilisan ko na lang ang pagkain ko at magkukulong sa room ko para 'di sila makita.
"We're good, right? We're part of Lazaro's family. In short, we're family." Napatingin ako kay Warren habang may mga ngisi sa kanyang labi.
Nagsalubong ang aking magkabilang kilay dahil sa kanyang sinabi, "ginagago niyo ba ako? Wala akong panahon para sa mga kalokohan niyo." May babalang sabi ko sa kanila.
Nakita ko naman iyong kasama nila Baca raw ang pangalan na nakangisi rin habang nakatingin sa akin.
Magkakaibigan nga sila.
"Wala naman kaming ginagawa, Nene. Sa totoo lang, nandito kami para sa seminar, alam mo na para sa business namin." I chuckled dahil sa narinig ko kay Wayne.
"It's Nenette not Nene! Kayo? Seryoso kayo?" Sabay tinignan sila isa-isa kasama iyong Baca. "Sa mukha niyong iyan, lulubog lang business niyo."
Biglang nagbago ang timpla ni Wayne dahil sa sinabi ko, totoo naman talaga. Wala silang maaambag sa business na mamanahin nila sa mga magulang nila kung puro kalokohan lang ang alam nila.
Nakita kong umigting ang panga ni Wayne dahil sa sinabi ko at maging si Warren at napatigil sa pagkain niya.
"Ganyan talaga tingin mo sa amin, Nene?" Sabay iling nito sa akin.
Tumango ako sa kanila, "Oo, bakit ganyan naman kayo nu'ng college diba? Aha! Kaya pala 'di kayo ma-expel dahil isa rin pala kayong Lazaro, iyon nga lang bad influence na Lazaro, isama pa natin iyong girlfriend ng lahat na si Annika. Alam niyo magbago na kayo, hindi kayo aasenso." Aniya ko rito at tumayo na sa table ko, tapos na rin naman na akong kumain, e. At, nawalan na rin ako ganang kumain dahil sa kanila.
Hindi ko sila nilingong magkambal bahala sila, nabwisit na talaga ako kaya sinabi ko na lahat sa kanila iyong mga nararamdaman ko nu'ng college kami, iyong pagkamuhi sa kanila.
Nagkulong ako room ko, kapag nagutom ako magpapaakyat na lang ako ng pagkain o magpapabili ng junkfood d'yan sa convenience store sa baba.
Kinuha ko iyong laptop na dala ko at saka nag-sign-in sa peysbook, kakausapin ko na lang sina Pillow at Kamilla.
Nagchat ako sa aming group chat:
NEVER MA-I-INLOVE
group chat
NENE:
I have a tea.
KAMILLA:
What's the tea?
PILLOW:
Welcome back in a real world, Nene!
Btw, tea? Spill the tea.
NENE:
I'm here in Ilocos cause I attend seminar and at the same time I have a business meeting here.
KAMILLA:
HRM ka, gurl
Ibang level kana, Nene.
English na si Madam.
NENE:
Sira.
Hindi na ako mag-english.
Heto na nga ang tea, girls.
Nakita ko rito iyong kambal!
The nerve!!!
PILLOW:
Ay! Weh?
KAMILLA:
May sampalan bang naganap?
NENE:
WALA !!
Pero nakapagsalita yata ako ng hindi maganda?
PILLOW:
Don't tell me nag-aalala ka dahil sa sinabi mo sa kanila?
Girl, iyong kasalanan kaya nila sa'yo hindi na mabilang. Deserve nila niyong dalawa kung ano man sinabi mo!!
KAMILLA:
?
Huwag na natin sila pag-usapan nakakasira ng araw ang mga boys. Snake Duh?
Pag-usapan natin dito kung kumusta na kayong dalawa? Ako? Ayos naman ako sa company na pinapasukan ko, may mga benefits and incentives din.
PILLOW:
I'm happy sa work ko. That's it.
NENE:
I'm good also.
Kaya lang ako nandito dahil hindi p'wede si kuya para sa meeting niya rito kaya ako pinapunta at the same time pinag-seminar na rin niya ako.
PILLOW:
at the same time, nandyan din iyong kambal.
KAMILLA:
Diba ang sinabi mo sa amin, Nene, Lazaro rin ang mga iyan?
NENE:
YAH!
PERO! LAZARO NA MGA MASASAMANG UGALI!!!!
TEKA, MAY TUMATAWAG SA PHONE. MAYA NA ULIT TAYO MAGCHAT
BYE GIRLS! ?
KAMILLA:
BYE!
Seen by Nene.
Binaba ko ang aking laptop, saka sinagot ang tawag ni kuya Jim. Tumayo ako sa kama gumawi sa veranda at umupo sa isang silya roon. Kahit madilim na ang kaulapan, maganda pa rin ang paligid dahil sa puno ng mga ilaw sa labas.
"Hello, Kuya Jim?" Ako na unang nagsalita.
"Where are you, Nene?" Nagpantay ang aking mga kilay dahil sa tanong niya sa akin.
Hindi ba sinabi ni Kuya Jeppy na nandito ako ngayon sa Ilocos.
"Bakit po, Kuya Jim? Nasa Ilocos po ako ngayon," aniya ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa mga umiilaw sa labas.
"I'm here also. Ngayon ko lang nalaman na nandito ka rin dahil sa mga pinsan ko." Lumaki at bumilog ang aking mga mata dahil sa sinabi niya.
Ibigsabihin nandito rin sina Kuya Jin and Kuya Jix?
"... I'm the only one here. Natalo ako sa kanilang dalawa kung sino pupunta at a-attend ng seminar."
Napangiwi ako sa kanyang sinabi. Nag-aalala ako kung may naisulat at naintindihan kaya siya kanina sa seminar? Bakit hindi ko siya napansin kanina?
Sa kanilang tatlo kasi nila Kuya Jix, siya iyong mahirap maka-gets sa mga topic. Kawawa naman si Kuya Jim.
"Eh, kuya? Ba't hindi kita nakita kanina?"
"I'm with Warren, Nene. I saw you but you didn't go to our table." I froze.
Tumawa na lang ako, "pagkarating ko sa buffet hall, wala ka na rin daw sabi ng secretary ni Jeppy. Umakyat ka na raw."
"Kasi naman kuya, inaasar ako ni Warren! Napikon ako kaya gumanti rin ako sa kanila! Nu'ng college pa lang naman inis na inis na ako sa kanila hanggang ngayon pa man din nang-iinis sila! Nakaalis nga ako nu'ng college kami pero hanggang ngayon pa man din t-tapos pinsan niyo pa sila! The nerve!" Pinunasan ko ang aking kaliwang mata ng may maramdamang tumulo roon.
Naiinis talaga ako. Ganito ako kapag naiinis, napapaiyak na lang.
"They want to say. . ." Matagal bago nakapagsalita ulit si Kuya Jim kaya tinignan ko ang phone kung namatay na ba iyong linya, ". . . Sorry, we're sorry, Nene." Napalayo ko ang phone sa aking tenga at saka ito tinitigan nang mabuti.
Hindi sila niyon diba? Hindi nila kayang mag-sorry. Never silang nagsorry sa akin. Ano na naman ba ito? Ano na naman ba gusto nilang palabasin?
Kinagat ko ang aking ibabang labi at saka pinatay ang tawag. Kahit ilan beses pa kayong humingi ng sorry, never ko kayo mapapatawad.
Dahil, nakatatak na sa akin ang salitang "Sanchez twins are my enemy."