Maaga akong nagising kinabukasan, marahil dahil sa sama ng loob ko maaga ako nakatulog kagabi.
Hindi pa rin maalis sa aking isipan ang sinabi ng kambal na niyan. Sila hihingi ng sorry? End of the world na ba? O, baka naman pinagsabihan na sila nila kuya Jim. Buti nga sa kanila.
Ginawa ko ang aking morning routine dahil hindi ako lumalabas sa k'warto ko ng hindi pa nakakaligo. Mas gusto ko kasing maganda na ako sa paningin ng ibang tao para wala silang masabi.
Tinatanaw ko ang aking sarili sa salaming na nandito sa k'warto ko, suot ko ang binigay ni Tita Jewel na blue dress na may design na may maliliit na bituin. Blinower ko na lang ang aking buhok dahil ito lang ang mayro'n sa room ko. Naglagay ako nang konting liptint sa aking labi at sa aking pisngi para naman presentable at hindi ako magmukhang maputla sa harap ng mga tao.
Nang makitang maayos na ang aking itsura sa harap ng salamin, kinuha ko ang sling bag ko at nilagay roon ang aking wallet, phone, mini notebook, ballpen at compact mirror ko. Saka lumabas sa aking room. Hinihintay na raw kasi ako ni kuya Leo sa may elevator.
"Kuya Leo!" Masigla tawag ko sa lalaking nakatayo sa gilid ng elevator, "good morning po!"
Hindi ko alam pero biglang naging good mood ako ng makita si kuya Leo. Mayro'n sa mukha ni kuya Leo na kapag makikita mo siya umaaliwalas ang pakiramdam mo. Gano'n ang aking nakikita.
Sabay kaming pumasok sa elevator, sabi ni kuya Leo nauna na raw bumaba ang driver ni kuya Jeppy. Nandoon na raw siya sa may dinner hall ng hotel na ito. Nauna na siya para may maupuan kami.
"Kuya Leo, hapon pa naman iyong seminar mamaya diba?" Day 2 na ang seminar mamaya kaya bukas at sa susunod bukas makakabalik na kami ng Manila.
Tumango ito sa akin, "may gusto ka bang puntahan?" Umurong kami sa likod ng may pumasok pa sa elevator. Nakaharang sa akin si kuya Leo kaya naiipit ako rito sa gilid.
"Have you seen Nene, Wayne?" May narinig akong boses na nanggagaling sa unahan ko pero hindi ko makita kung sino niyong nagsasalita.
Matangkad kasi si kuya Leo kaya likuran lang niya ang nakikita ko. Kahit tumingkayad ako hindi ko talaga masilip kung sino iyong mga nag-uusap tungkol sa akin.
Naramdaman kong umandar na ang elevator na sinasakyan namin. Sobrang sikip ba't kasi ang daming nagse-seminar. Dapat hindi na nagseminar iyong sin Wayne at Warren wala rin naman sila matututunan. Alam lang ng mga iyon ay magpapogi at mambwisit.
Nakahinga na ako nang maluwag na unti-unting lumabas ang mga tao sa loob kaya maging kami nakalabas na rin ni kuya Leo.
"Ayos ka lang?" Napaangat ako ng aking tingin dahil inaayos ko ang aking dress baka kasi nalukot na.
"Oo, kuya. Hindi naman po ako naipit," ngiti ko sa kanya.
Sabay kaming naglakad papuntang dinner hall ng hotel. May mga kasabayan rin kaming papunta roon mukhang lahat sila gutom na.
Ano kaya breakfast ngayon? Sana masarap.
"Nene?" Paupo na ako sa table kung sa'n nakaupo ang driver ni kuya Jeppy nang may tumawag sa akin.
Pagkalingon ko nakita ko si kuya Jim na nakangiti sa akin habang papalapit sa p'westo ko, "hi, kuya Jim!" Humalik ako sa kanyang kanang pisngi at siyang paggulo niya sa aking buhok.
Inangilan ko nga, ilang minuto ko ring blinower ang buhok ko 'tas guguluhin lang niya.
"Kuya Jim naman!" Angil ko sa kanya at inayos ang buhok ko.
"Sa'n kayo nakap'westo, kuya?" Pagtatanong ko sa kanya. Nilapag ko ang aking sling bag sa table namin, binalik ang tingin kay kuya Jim.
Tumingin siya sa paligid, "mukhang walang nahanap iyong tatlo." Bumalik ang kanyang tingin sa akin, "dito na lang siguro kami."
Umiling ako sa kanya, "no, kuya! Ikaw lang p'wede hindi kasama niyong tatlong kumag na iyon. No way!" Pagtutol ko sa gusto ni kuya Jim.
"Huwag mo na lang pansinin niyong dalawa. Bakit mo nga ako pinatayan ng tawag kagabi?" Umupo siya sa tabi ko, sa kabilang tabi ko naman ay si kuya Leo.
Naramdaman ko na ang tatlong lalaki ng makitang may humila na'ng upuan sa aking harapan.
"Inaantok na kasi ako kagabi, kuya, sorry na. Bigla ko na lang pinatay niyong tawag mo." Pahingi ko nang paumanhin.
Hindi pa talaga ako inaantok nu'n pero pinilit ko talagang makatulog dahil sa kambal na nasa harap ko ngayon.
"Namimiss ka na ng dalawang pamangkin mo," napairap ako sa sinabi ni kuya Jim.
Namimiss? Baka may ipabibili lang ang mga iyon katulad ni Jaxon na malambing lang kapag gusto ng pasalubong.
"Maiwan muna kayo rito, kami na unang pipila baka maagawan tayo ng upuan." Tumayo na rin ako pero agad din akong pinaupo ni kuya Jim.
"Sasama ako!" Matinis na sagot ko kay kuya pero sinamaan ako ng tingin.
"Sabay na kayong tatlo nina Wayne at Warren, d'yan ka lang." Bantay pa nito sa akin.
Pinanood ko lang tumayo sila kuya Leo at iniwan akong malungkot kasama ang dalawang siraulong ito.
Nakasimangot na sumandal ako at tumingin sa kinatatayuan nila kuya Jim. Nagugutom na rin kasi ako. Pahamak talaga ang dalawang ito, e.
"Nene," rinig kong tinawag ako ng isa sa kambal na iyon pero hindi ako tumingin o tinapunan man lang sila.
"We're sorry for doing that to you. We're very sorry, I know we are immature to that to you. And, alam namin kung gaano kahalaga ang Summa para sayo. We didn't sorry to you dahil inutusan kami, nag-sorry kami dahil ginusto naming dalawa."
Hindi pa rin ako lumilingon sa kanilang dalawa kahit magka-stiff neck ako ngayon wala akong pake. Ayaw ko lang sila makita.
"Alam naming galit na galit ka sa aming dalawa. P'wede bang mag-start tayo sa umpisa? Can we be friends?"
May pumintig sa akin ng marinig ang salitang Can we be friends? Ano sila hilo?
"Can we be friends?" Pag-uulit ko sa sinabi nila, "ako ba pinagloloko niyong dalawa? Wala na naman ba kayong mapagtripan, ha?" Pinipilit kong pakalmahin ang aking boses dahil ayokong makagawa ng eskandalo.
"Yes, can we be friends? This time it's will be serious." Seryosong nakatingin sa akin si Wayne habang nilalaro ang hintuturo niya.
"Friends your ass," sabay tayo ko at iniwan sila sa table.
Nakasalubong ko naman si kuya Jim na pabalik sa table namin bago ako makalampas sa kanya narinig ko pa ang kanyang sinabi.
"They're serious, Nene. Kilala ko ang mga pinsan ko kapag sinabi nila gagawin nila ang mga iyon lalo na si Wayne."