"Ikaw ang gusto kong makita sa dulo ng aisles na ito at nandoon ako sa harap ng altar habang hinihintay kang lumakad palapit sa akin."
Napalingon ako sa aking likuran ng may magsalita sa aking tenga. Muntik na akong atakihin ng makita si Wayne na seryoso ang tingin sa akin habang sinasabi ang mga iyon.
"A-asa ka!" Alam ko ang pinupunto niya, hindi ako tanga.
Nilapit niya ang kanyang katawan sa aking likuran, "ako at si Warren lang." Nagtataka ako sa kanyang pinagsasabi. Nabagok ba ulo nito?
Patay malisya siyang umalis sa aking likuran habang ang kanyang mga kamay ay nasa bulsa ng suot niyang jeans. Cool itong lumakad sa gitna ng simbahan.
Nakakailang hakbang pa lamang ito ng lumingon ulit siya sa akin, "aabangan kita roon," turo nito sa unahan ng altar.
Napailing ako ng maalala ang tagpo kanina, bwisit na Wayne niyon pinagtitripan na naman ako. Ang ginawa ko na lamang ay sa gilid ng simbahan dumaan, asa naman siya sa kanyang pinagsasabi.
The nerve! Hindi sila ang ideal man ko. Never.
Wala pang alas-tres ng hapon ng makabalik kami sa hotel dahil sa seminar na gaganapin ngayon.
Nauna na kaming bumaba ni kuya Leo, after kong makapagpalit bumaba na rin kami agad. Busog pa man din ako dahil sa mga kinain namin. Mamaya na lang ako mag-a-upload ng photos ko sa social media ko.
Pinili uli namin ang p'westo na malapit sa stage para rinig namin ang mga tatalakayin sa seminar. Nilagay ko ang aking bag sa bakanteng upuan na katabi ko, sa kabilang tabi ko kasi ay si kuya Leo. Dito ko ipapaupo si kuya Jim.
Isa-isa ng dumadating ang mga tao sa event hall, unti-unti na ring napupuno ang mga upuan sa loob buti na lang talaga nauna kaming bumaba kung 'di doon kami mauupo sa dulo. Wala na akong maiintidihan doon.
"Ayan na sila, Nene." Napalingon ako sa pinto ng event hall, nakita ko roon sila kuya Jim. Kahit malayo pa sila sa amin ramdam kong mga bagong paligo sila.
Nasa likod niya ang tatlo habang seryoso ang mga mata nila. Pa-cool kids. Naningkit na lamang ang mga mata ko sa kanila.
"Kanina pa kayo?" Tumango ako kay kuya Jim ng makarating sila sa table namin.
"Dito ka kuya Jim," turo ko sa upuang na pinaglagyan ko ng aking bag pero napaka-epal ng isang ito.
"Alis ka nga d'yan, ikaw ba si kuya Jim? Jim ba pangalan mo?" Tinutulak ko siya pero sumandal pa ito sa upuan.
"It's okay, Nene. Pabayaan mo na d'yan si Wayne." Sinita na ako ni kuya Jim dahil panay tulak ko pa rin kay Wayne. Mukha naman 'di siya nasaktan.
"Kainis, epal masyado." Pagpaparinig ko rito sa katabi ko pero mukhang manhid talaga ang isang ito.
Nilihis ko ang upuan sa tabi niya, pinaharap ko sa stage ang upuan ko. Mabubwisit lang ako sa katabi ko.
Nag-umpisa ang seminar namin, ang speaker ngayon ay isang doctorate sa kursong Finance accounting. May pinakita siyang slides about finance kaya no choice ako kung 'di ayusin ang aking upuan para makapagsulat.
Nagsusulat ako sa dala kong maliit na notebook, ibibigay ko kasi ito kay kuya Jeppy, siya naman dapat ang nandito at hindi ako.
"Ano ba?" Angal ko ng hawiin ni Wayne ang kanang kamay ko.
"I can't see. I also write I just can’t keep up with what he’s saying." Bulong nito sa akin habang tinitignan ang sulat ko.
"Nasa slides naman niyan," turo ko roon sa projector na nasa harapan namin.
"Malabo mata ko," naningkit ang aking mga mata dahil sa sinabi niya.
"Kailangan pa naging malabo mata mo? E, ang talas-talas niyan kapag kopyahan nu'ng college." Madiin na sabi ko rito pero mahina pa rin ang aking boses.
"Lumabo, e. Anong magagawa ko?" Hinahawakan niya ang aking kanang kamay, titingin doon at magsusulat sa dala niyang bondpaper.
"P'wede namang kumopya ng hindi hinahawakan ang kamay ko." Inagaw ko ang aking kamay sa kanya at nakita ko lamang ngumisi siya sa akin.
"Soft," aniya habang nakapaskil pa rin sa kanyang labi ang ngisi.
Hindi ko na lang siya pinansin pa, nagsulat na lang uli ako habang nakikita ko pa rin siya sa aking gilid na nagsusulat.
Iyong Warren? Tamang kuha lang ng picture sa bawat slides. Magaling. Simula college tamad na talaga siya magsulat. Ano ba aasahan ko sa isang tamad? Wala.
Pasadong alas-siyete ng gabi ng matapos ang seminar. Gutom na ako. Hindi sapat iyong meryenda na binigay sa amin.
"Nene, sa labas na lang tayo kakain. Paniguradong maraming tao ngayon sa dinner hall." Tumango na lang ako kay kuya Jim. Wala naman akong babayaran, e.
Lumabas kami ng hotel, nagulat nga ako na hindi kami sumakay ng kotse imbis nagpara si kuya Jim ng traysikel. Dalawang traysikel ang kinuha namin, may sinabi siya sa driver kapag minamalas ka nga naman si Wayne ang katabi ko sa loob ng traysikel.
"Doon ka sa labas," sinuntok ko ang kanyang braso pero 'di yata tumalab sa kanya.
"Wayne, ang sikip 'di tayo kasya." Pagpapaawa ko sa kanya pero nilingon lang ako nito at tumingin ulit sa labas.
Napasimangot na lang akong nakatingin sa harapan. Ang sikip naman talaga, malaking tao kasi siya kaya 'di talaga kami kasya sa loob. Dapat doon na lang siya labas katulad nila Warren.
"'Di ka na ba nasisikipan?" Nagulat ako ng umusog siya paharap, iyong mga tuhod niya ay nasasagi na sa harap.
Nakatingin pa rin ito sa akin kaya tumango ako sa kanya, "ano na naman ba trip niyong magkambal? Akala mo ba 'di ko nahahalata na kanina ka pa lapit nang lapit sa akin."
Lumingon siya sa akin, "wala. Tinanong din ko ni Warren kung ano rin ba trip ko." Nakita kong lumubo ang kaliwang pisngi, "I like you, I really do, Nene." Naging malumanay ang kanyang tingin sa akin, walang ngisi na gumuhit sa kanyang labi o kahit anong kapilyuhan ay wala akong nakita.
Seryoso ba siya?
"Bumaba ka na, nandito na yata tayo." Pag-iiba ko sa usapan.
thanks, God at dumating na rin kami.
Hindi siya natinag sa sinabi ko kaya boses ni Warren ang narinig namin, "ano kayong dalawa? D'yan lang kayo?" Nakita ko ang pilyong ngiti niya habang nakatingin sa amin dalawa kaya ang ginawa ko tinulak ko si Wayne pababa ng traysikel.
Matangkad naman siya kaya hindi siya nahulog. Naging mabilis ang lakad ko paalis sa kanila at sinundan ko sila kuya Jim.
Ang huli ko pang narinig ay ang tinig ni Warren na, "umamin ka na, bro?"