"Kuya Leo, picturan mo ko rito," umupo ako sa bench na gawa sa mahabang kahoy at sa aking likuran ay ang salitang PAOAY.
Nasa gitna ito ng kalsada at pa-oblong ang park na ito. Nasa tapat naman nito ay ang City Hall ng Paoay.
Ngumiti ako ng makitang nag-flash ang DLSR na ginamit niya sa akin pero nabigla ako ng may nag-flash ulit, nanlalaki ang aking mga mata na tumingin kay Wayne na nakaharap pa sa p'westo ko ang kanyang phone.
"Nice," komento nito habang nakatingin ang kanyang mga mata sa akin.
Tumayo ako at nilapitan si Wayne na nakangisi sa kanyang phone, "burahin mo niyan!" Pagtataray ko rito pero nilapit lang niya ang kanyang mukha sa akin at saka ngumisi.
"Ayoko," tumalikod siya sa akin pero hinabol ko rin agad siya.
"Burahin mo nga, Wayne! Hindi ako nakikipagbiro!" Tumataas na ang aking boses dahil sa kanyang ginagawa.
Nakita kong nakatingin na sa akin ang kakambal niyang si Warren maging sina kuya Jim at Baca ay nakatingin na rin sa p'westo namin.
"Why would I do that?" Nagtatanong pa siya.
"Masamang kumuha ng larawan kapag walang consent ng taong kinukuhaan mo. Kaya burahin mo na niyan." Blangko tumingin siya sa akin, nakatabingi ang kanyang ulo habang nakatingin ito sa aking mga mata.
"Why would I do that?" Ulit niyang tanong sa akin.
Binubwisit na naman ako ng isang ito. Relax ka lang, Nene. Lalo ka lang bubwisitin ng isang niyan.
"Burahin mo na kasi, Wayne." Tinitigan ko lang siya at nagpapaawang na burahin ang aking picture sa kanya.
Tinaas niya ang kanyang phone, stretch na stretch ang kanyang kanang kamay habang hawak ang phone niya mismo.
"Kung makukuha mo phone ko, buburahin ko." Then, he chuckled habang nakatingin sa mukha ko.
Paano ko makukuha ang phone niya? Mas matangkad siya sa akin kahit tumalon-talon ako hindi ko makukuha. Bwisit na Wayne na ito!
"Hmp, bahala ka na nga d'yan!" Nakatulis ang aking labi na nakatingin sa kanya at sinamaan ko muna siya ng tingin bago siya iniwan doon sa plaza.
Kahit anong gawin, kahit tumalon-talon ako hindi ko makukuha ang phone niya. Inaasar lang ako ng isang iyon. Alam ko namang buburahin din niya iyon. Baka magselos pa ang mga babae nila.
Tumabi ako kay kuya Jim na abala sa kanyang phone, nasa tenga niya kasi ito at mukhang may kausap.
Next naming pupuntahan ay iyong Paoay Church, isa sa mga pinupuntahan at pinapasyalan ng mga turista rito sa Ilocos Sur. Isa kasi ito sa matagal na simbahan sa lugar na ito.
Sumakay na kami sa SUV na may walong capacity ang laman na dala nila kuya Jim, kung kotse namin ang gagamitin hindi kami magkakasya goods for four people lang niyon.
Lahat kami ay nasa backseat, tumabi ako kay Jim at nasa bitana ako pumewesto. Ayoko kayang tumabi sa tatlong asungot na kasami ni kuya. The nerve.
"Bro, someone chatted me, damn she's so sexy!" Napairap na lang ako ng marinig ang boses ni Baca. Kailan ba sila titigil sa mga kalandian nila.
"She's invited us later, damn it!" Narinig ko ulit ang boses ni Baca.
Ang landi ng mga boses nilang tatlo. Akala mo wala silang kasamang babae rito sa sasakyan. Duh?
"Wayne, we will go? Sayang naman." Lalo akong napairap ng marinig ang boses ni Warren. Kapag talaga babae ang usapan G na G ang isang ito. Hindi na ako magtataka kung magkakaroon ito ng AIDS.
Kinuha ko na lang ang aking phone, dito ko na lang itutuon ang aking isipan kaysa sa usapan nilang tatlo sa likuran namin. Ang lalandi.
"Pass," napatigil ako ng marinig ang boses ni Wayne. Siya magpapass? Seryoso ba siya?
Anong nakain niya at hindi siya sasama sa gimik nu'ng dalawa? Magugunaw na yata talaga ang mundo. Nagbabagong buhay na si Wayne.
"I replied to suzanne that I will bring two friends tonight. Then you pass? Are you serious? Are you sick?" Napailing ako dahil sa sinabi ni Baca.
Maging kaibigan niya hindi naniniwalang hindi siya sasama? Sino lolokohin niyong dalawa? Sarili niyo?
"Are you serious about that, Wayne? Sayang naman iyong isasama ni Suzanne para sa atin." Babaero spotted, Warren ang pangalan.
Buti hindi nagseselos iyong Annika, Oo nga pala marami ring jowa ang isang iyon.
"Yeah, I'm serious. I want to show someone there that I'm changing. That I am serious with her." Napatigil ang pag-i-scroll ko sa aking newsfeed ng marinig ang sinabi ni Wayne.
Napatingin ako sa aking likuran at gano'n lang ang aking gulat ng makitang nakatingin din siya sa akin kaya napaiwas agad ako ng tingin sa kanya.
Bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko? Anong nangyayari sa akin?
Baka nagpapa-impress sa ibang babae niyang si Wayne o 'di kaya kay Annika.
Hindi ko na lang uli sila pinagtuunan ng pansin, tumingin uli ako sa aking phone. Nagsasayang lang ako ng oras para sa kanilang tatlo.
Sumilip ako sa bintana ng makitang pumarada ang sinasakyan namin, "nandito na tayo, kuya Jim?" Tanong ko sa aking katabi.
May nakita ako sa labas ng bintana na nakaparada ring mga sasakyan. Marami ring mga tao sa labas. Bumakas ang pinto ng SUV at bumungad sa amin ang sikat ng araw. Bumaba kami at gano'n na lang aking pagkamangha ng makita ang sikat na simbahan dito sa Ilocos.
"Wow!" Manghang sabi ko habang nakatingin sa gilid ng simbahan.
Ang daming tao na nandito, sa pinaradahan pala namin ay may karinderya kaya marami ring tao.
Una na kami naglakad ni kuya Leo, gusto ko magpapicture sa harap ng simbahan at doon sa may malalaking letra ng Paoay. Napapalibutan ang simbahan ng iba't-ibang klaseng bulaklak, ang gandang pagmasdan.
Ramdam ko namang nakasunod sila kuya Jim sa amin papunta sa may simbahan. Rinig ko kasi ang mga tunog ng sapatos nila.
"Kuya, gandahan mo iyong kuha, ha? Gagawin kong cover photo sa peysbook ko." Bulong na ani ko kay kuya Leo. Humahanap ako ng tiyempo para magpakuha kasi nga maraming turista. Hindi ako makasingit.
Nakita kong natapos ng magpakuha ang apat na tao sa harap ng naglalakihang letra kaya umabante na ako, lakad-takbo akong lumapit sa Paoay na letter at umupo roon sa letter O.
Sa isang kuha ngumiti ako nang napalaki habang nakalahad ang aking kamay. Sa pangalawang shot ni kuya Leo ay nag-peace sign ako at para sa aking huling shot ay tumayo ako sa pagitan ng letter A at O, sumandal ako sa letter O buti na lang kasya ako at humarap kay kuya Leo.
Masayang umalis ako at bumalik kay kuya Leo para tignan ang picture ko. Tinanong ko kay kuya kung nasa'n si kuya Jim sabi niya sa akin nasa bilihan daw ng empanada. Uy, gusto ko rin niyon.
Binigay sa akin ang DLSR at tinignan ang mga shot sa akin. Ang gaganda, ang galing talaga kumuha ni kuya Leo buti na lang hindi nanginginig ang kamay niya kung 'di blurred ang mga picture ko.
"Ang ganda nito," ani ko at tinukoy ang picture kung saan nakalahad ang aking mga kamay.
Sunod na nakita ko ay ang candid shot ng mukha ko, hindi pa ako prepared sa picture na ito, mukhang shot lang nang shot si kuya Leo. Biglang naningkit ang aking mga mata ng makita ang tao sa kabilang letter A na nakatingin sa akin.
"Bigla siyang sumingit d'yan, Nene. Hindi ko na naawat maganda rin kasi ang ngiti mo d'yan." Rinig kong sabi ni kuya Leo habang nakatingin pa rin ako sa picture na ito.
Tumingin ako sa paligid at hinanap siya, gano'n na lamang ang aking gulat ng makitang nakatingin ulit ito sa aking habang nakatapat sa aking ang kanyang phone.
"Wayne,"