Prologue III

1887 Words
NAGPALABOY- LABOY sa lansangan si Keixa, nakaramdam s'ya ng lungkot ngunit mas nanaig pa rin ang kagustuhan n'yang makalaya. lalo na ngayon at wala na ang kan'yang kakambal. Hindi na katulad ng dati na may kasama s'ya ngayon ay nag-iisa s'ya. palihim s'yang lumuluha habang naglalakad. Hindi n'ya na alam kung nasaan ng parte na s'ya ng bansa. Ilang araw na rin ang nakalipas magmula ng umalis s'ya sa poder ng kan'yang magulang. She knows nothing outside. And now she's suffering with that fact. Ngayon ay naroon s'ya sa magulo at maingay na pamilihan ngunit wala s'yang malay na pamilihan iyon. Para s'yang pusang ligaw na naghahanap ng matitirahan. Nakayuko s'ya habang naglalakad, Wala s'yang kamalay-malay sa nangyayari sa paligid. 'Hoy, sinabi'ng 'akin na 'yan!' 'Bakit ha?! sino ka ba?! ako ang nauna rito!' 'Ako ang nauna, inagaw mo la'ng!' 'tumahimik ka!' Nakita n'ya ang pagsampal ng lalaki sa isang paslit, marahil ay napagtanto na n'ya kung bakit hindi sila pinapalabas ng kan'yang magulang. Iniiwas sila sa mga masasamang tao. Kaya naman madali s'yang naglakad palayo sa lugar na 'yon. Nakarating s'ya sa tindahan ng mga pagkain, sari-sari ang mga 'yon. tumunog ang tiyan n'ya. Marahil dahil 'yon sa gutom. Ilang araw na rin s'yang hindi nakakakain, samantalang dati-rati ay maya't maya ang pagkain n'ya. napahimas s'ya sa kan'yang t'yan. Saka napalingon sa kaliwa't kana'ng stall ng pagkain. Tila nagpuso ang kan'yang mga mata ng makita ang ilang manok na piniprito at iniihaw, wala sa sariling pumunta s'ya sa harap noon. Tila nanubig ang kan'yang bibig. Natakam s'ya pagkain. "Binibini, ano ang maipaglilingkod ko sa'yo?" Saglit s'yang natigilan at napatulala, hindi n'ya malaman ang sasabihin sa kadahilanang hindi pa s'ya nakikipag-usap sa hindi kilalang tao Kailanman. "Binibini?" "A-Ahh..." Natigilan sila pareho ng marinig n'yang muli ang pagkalam ng tiyan n'ya. napatawa naman ang Ale kung kaya't hindi n'ya alam ang tamang ikilos. Lahat ng 'to ay baguhan para sa kan'ya. "Nais mo ba'ng kumain sa aking Karinderya?" Nahihiya s'yang tumango sa babae, simple lamang ito, nakabestidang puti at walang kolorete sa mukha, kaya naman nakatitiyak s'yang hindi ito mayaman. Sa kanilang bansa ay makikilala mo'ng mayaman ang isang tao kung ito ay may koloreto, at maganda ang pananamit, pati ang kilos ay elegante, pino at mahinhin. Sa lalaki naman, malalaman mo'ng mayaman kapag maayos ang pananamit at maaliwalas ang mukha, matikas na tindig at matapang na mga tingin. Ngunit bihira ang ganoon, sapagkat karamihan sa mga kalalakihan ay nasa akademya upang mag-aral. Mayaman man o mahirap, kinakailangan na pumasok roon. Mahigpit s'yang napakuyom ng muli'ng sumagi sa isipan n'ya ang tungkol sa kan'yang kakambal. "Halika binibini, tuloy ka sa aking munting karinderya, kumain ka ng kumain, batid kong ikaw ay nagugutom na." Inihatid s'ya nito sa bakanteng lamesa at upuan na nasa dulo, punong-puno ng mga tao ang karinderya, kaya naman maingay rito. "Ano ang nais mong kainin?" Napatingin s'ya sa babae, nakakatitiyak s'yang mabait ito, kailanman ay hindi n'ya inaakala na makakakita pa s'ya ng mabait na tao. "H-hindi ko po alam..." Nakatungo at nahihiya'ng tugon n'ya. Nakita n'ya na ngumiti ito ng malawak. "Kung gayon ay nais kong malasahan mo ang pinaka espesiyal na pagkain ng aming karinderya. sandali lamang at ipaghahanda kita." Tumango s'ya rito, kaya naman umalis ang babae, hindi n'ya na ito nilingon pa bagkus ay tumungo s'ya at tumanaw sa bintana. Nangningning ang kan'yang mga mata ng makita ang nasa bintana, nasa taas pala sila ng kabundukan ngayon, at ngayon ay malaya n'yang natatanaw ang kabuuan sa ibaba. Natanaw n'ya sa ibaba ang Central City. Katabi niyon ang ilang Subdivision ng mga bahay ng mayayaman, ang mga mahihirap ay nasa bundok lamang. "Binibini, ito na ang iyong pagkain. nawa ay iyong magustuhan." Nakangiting pahayag ng babae sa kan'ya. kaya naman napalingon s'ya rito at naagaw ng pansin n'ya ang bitbit nitong pagkain. Inilapag ng babae ang pagkain sa harapan n'ya. Kaya naman kaagad n'ya iyong nilantakan, ngayon lang s'ya nakaramdam ng gutom sa hinaba-haba ng paglalakbay n'ya. "maiiwan na kita binibini, marami pa akong mga kostumer." Hindi n'ya na pinansin ang babae sapagkat nagpokus s'ya sa pagkain. Masarap iyon, kahit sa mansiyon nila ay hindi s'ya nakatikim n'yon. Natigilan s'ya sa pagkain ng marinig ang malakas na boses ng mga kalalakihan sa katabi n'yang mesa. Tumalikod s'ya sa mga ito at nagpatuloy sa pagkain, tuloy ay nakaharap s'ya ngayon sa bintana. "Nabalitaan mo na ba?" "Ang alin?" "Tumatanggap muli ng mga bagong mag-aaral ang Valorous Academy." "Talaga? hindi ko batid 'yan." "kakarinig ko lamang ng balita doon sa Central." "Kung gayon ay malalagot tayo, kung malalaman nilang hindi tayo pumasok sa akademyang 'yon." Napaisip siya sandali, tama ang isang lalaki sa tinuran nito. Maging ang pinaka mayamang pamilya ay hindi nakatakas sa batas, paano pa kaya silang mahihirap lamang? wala silang kapangyarihan sa itaas, Kaya naman talagang malalagot sila. "Wala nama'ng nakaka-alam." "Oo nga, paano ang mga nakarinig?" Sandaling natigilan si Kexia sa akma'ng pagsubo ng huling kutsara sa plato n'ya. Ngunit sinubo n'ya rin kaagad at mabilis na tumayo sa kinauupuan. Hangga't maari ay iniiwasan n'yang madawit sa kahit na anong gulo. aalis na sana s'ya ng harangan s'ya ng isang lalaki. Napatingin s'ya rito ng walang emosiyon. "Sandali binibini, nais kong malaman kong may narinig ka sa naging usapan namin." Huminga s'ya ng malalim saka sumagot. "Wala, kaya kung maari ay tumabi ka sa aking daraanan." Akmang lalampasan n'ya na ang mga ito ng makita n'yang tumayo pa ang apat na lalaki. Lima silang lahat. Kung tutuusin ay wala lang sa kan'ya iyon. "Sa tingin ko ay kabaligtaran binibini..." "oo nga, malabo na hindi mo marinig ang aming mga pinag-usapan." "Kung gayon ay alam n'yo na pala, bakit pa kayo nagtatanong?" Huli na nang mapagtanto n'yang napasagot na naman s'ya. ito ang mahirap sa ugali n'ya. Nakasanayan n'yang maging mabait at maging mahinhin noong nasa mansiyon pa siya, ngunit wala siya sa mansiyon ngayon kaya naman para s'yang nakawala sa kulungan at malaya s'yang gawin at sabihin ang kung ano ang maibigan n'ya. "Aba binibini, hindi ko nagugustuhan ang tabas ng dila mo." "Hindi ko naman sinabi na magustuhan mo." "Lapastangan! sino ka para sumagot-sagot?" "Hindi n'yo ako kilala, hindi ko kayo kilala. Patas lang, kaya kung maari ay tumabi kayo sa aking daraanan." "Aba't bastos kang babae ka! hindi ka ba naturuan ng magulang mo na gumalang sa nakakantanda?!" Wala s'yang naging sagot rito. Bagkus ay tinitigan n'ya lamang ito. Huminga s'ya ng malalim at nagpigil pa at nagtimpi. Hindi ito ang tamang pagkakataon para makipag-away. Lumampas s'ya sa kanila ngunit mabilis na napayuko s'ya ng maramdaman ang paparating na bagay sa kaniya. Tama ang pakiramdam n'ya sapagkat tumama ang upuan sa harap n'ya dahil nga sa nakayuko s'ya. Mabilis s'yang humarap rito, namumula sa galit ang mga ito. "Hindi ko nais na makipag-away sa inyo." Hindi nakinig sa kan'ya ang mga ito, bagkus ay tumakbo ang isa sa direksiyon n'ya at umamba ng suntok. sinalo n'ya 'yon at inikot pakanan ang kamay. Napunta siya sa likod n'yon at saka n'ya sinipa ang likod ng tuhod ng lalaki. Tuloy ay nakaluhod ang lalaki habang nakaikot ang kamay sa likod, at nasa likuran s'ya nito. Mabilis s'yang naalarma ng makita ang dalawa na pasugod sa kan'ya. Binitawan n'ya ang hawak na lalaki saka mataas na tumalon, kasabay n'yon ang paglapit ng dalawang lalaki sa kan'ya. Kaya naman habang nasa ere ay malakas n'yang sinipa ang magkabilang dibdib ng mga iyon. Kaya tumalsik palayo ang dalawa. kasabay ng pagbaba n'ya sa ere ang isang paglipad ng kutsilyo patungo sa kaniya. Gamit ang dalawang daliri ay sinalo n'ya ito at malakas na binato sa lalaking bumato n'yon. tumama sa damit ng lalaki ang kutsilyo kaya naman ng bumaon ang kutsilyo sa kahoy ay napasama siya. Napatingin s'ya sa limang nanginginig ngayon na nakatingin sa kan'ya. "Sinabi kona sa inyo, hindi ko nais ang anumang gulo. Ngunit mapilit kayo, sinubukan ko kayong iwasan ngunit kayo itong makulit." Tumalikod siya saka humarap sa may-ari ng karinderya. akmang magsasalita s'ya upang humingi ng paumanhin ng bigla s'ya nitong niyakap. "mahabaging diyos! salamat naman at hindi ka nasaktan. Kamusta? may masakit ba sa katawan mo?" Natigilan s'ya sa naging reaksiyon ng ale sa kaniya, ngayon lang may nag-alala sa kan'ya bukod sa pamilya n'ya. naramdaman n'yang napaluha s'ya. "Bakit ka tumatangis binibini? may masakit ba sa'yo? halika sa aking silid at gagamutin ko." Hinila s'ya nito paakyat sa itaas ng karinderya, mabuti na lamang at kakaunti ang kumakain ngayon sapagkat mag aalas dos na ng hapon. Iniupo s'ya nito sa isang upuan, napalibot s'ya ng tingin, kung tutuusin ay maliit ang espasyo nito hindi gaya ng sa mansiyon nila, malaki pa ang kuwarto niya rito. Ngunit wala na s'ya sa mansiyon, ngayon ay hindi oras ng pag-iinarte kaya naman hinayaan n'ya na lang. Nakita n'yang nililinis ng babae ang mukha n'ya. Nagpapasalamat s'ya at may babaeng mabait sa kaniya. ILANG araw ang lumipas at nabalitaan n'ya na ngayon ang araw ng libing ng kakambal, kaya naman ngayon ay nasa sementeryo siya. Malayo sa lugar kung nasaan nag-iiyakan ang mga kamag-anak n'ya. Samantalang s'ya lumuluha ng mag-isa at palihim. Hinintay n'ya ang pag-alis ng mga tao, hanggang sa walang matira ay saka s'ya lumapit sa puntod ng kuya n'ya. "K-kuya..." Sunod-sunod na luha ang pumatak sa mata niya, walang tigil at tila nag-uunahan ang mga ito sa pagpatak. Napaupo siya habang nakatitig sa lapida. "K-kuya...Ang d-daya mo e. I-iniwan mo'ko, h-hindi ko na tuloy alam ang gagawin." "S-see? palaboy-laboy ako... H-hindi ko na alam ang gagawin ko, ayaw ko nang umuwi sa bahay. K-kase naaalala lang kita... Nalulungkot lang ako, nawawalan ako ng gana sa lahat...Ikaw at ako na nga lang ang nagdadamayan e, k-kaso ito pa? aalis ka pa? B-bakit?" "A-ang hirap...A-ang sakit, Ang hirap-hirap ng wala ka. nanghihina ako, kuya...Sobrang sakit...H-hindi ko matanggap." "S-sobrang sakit...A-at kahit kailan ay hinding-hindi ko matatanggap." Nakaluhod s'ya habang nakakuyom ng mahigpit ang kamao n'ya nanlilisik ang mga mata niya sa galit. Hindi n'ya palalampasin ang may dahilan kung bakit nangyayari ito sa kanila. Hindi s'ya makakapayag na isawalang bahala ang imbestigasyon sa pagkamatay ng kuya n'ya sa loob ng Paaralan na iyon. Dahan-dahan at kinuha n'ya ang gunting sa bag. Nakatitig s'yang nakatingin sa lapida ng kuya n'ya saka malungkot na ngumiti. "Hindi ako papayag kuya, Kukuhanin ko ang hustisya...Aalamin ko ang katotohanan...Buhay ang kinuha nila, buhay rin ang kukuhanin ko." Itinaas n'ya ang gunting at itinapat sa buhok n'yang mahaba. "Valorous Military Academy...Wait for my revenge." Madiing sambit n'ya. Kasabay n'yon ang pag gupit n'ya ng buhok na mahaba. Ang dating mahaba ay ngayon maikli na. Sing-ikli na mapagkakamalan kang isang lalaki kapag tumingin sa kaniya. Nais n'yang pumasok sa Akademya, 'yon lang ang paraan na naiisip n'ya upang makamit ang hustisya at malaman ang katotohanan. "Valorous Military Academy...In the name of my Life, I'll do everything to make you sink! with the glory and successful you'd achieved. I'll ruin you... I'll ruin your oh-so Perfect image!" ----- K.Y.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD