Prologue II

1066 Words
"Kuya!" Hinihingal na bumangon ang dalaga sa masamang panaginip. Masakit ang ulo niya at hindi niya alam kung bakit. Inilibot niya ang paningin at napansin na nasa silid siya. "Hays...Panaginip lang pala." Nakangiti niyang inalis ang kumot at akmang tatayo na upang bumaba sa kamang kinahihigaan ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang mensahera kaya naman naalala niya ang panaginip, ngunit natigilan siya ng makitang malungkot itong nakatingin sa kaniya. "Aria, anong nangyari sa iyo?" "Miss Kexia?" "Hmmm? nga pala, ihanda ang Kotse at pupunta ako sa paaralan upang dalawin ang aking kakambal." "ngunit miss kexia..." "Ano at tila malungkot ka? may nangyari ba?" Naglalakad paibaba ang dalaga habang kausap ang mensahera, hindi na nakasagot ang mensahera dahil sa nadatnan niyang senaryo sa ibaba. Marami ang nag iiyakan na kamag-anak nila ngunit wala roon ang atensiyon niya kung hindi ay nasa isang litrato na nasa gitna. Larawan iyon ng kaniyang kakambal, nakangiti pa ito, ngunit ang masama roon ay may kabaong na nakalagay sa gitna. Habang umiiyak ang kaniyang magulang. Natigilan siya at paulit ulit na umiling. "No...T-this can't be...This can't be true..." "Miss kexia..." "No..." Sunod sunod na luha ang pumatak sa kaniyang mata. nanghihina man ay naglakas loob pa rin siyang lumapit sa kaniyang mga magulang. Every step she takes the more her tears coming down from her eyes. Hangg'ng sa makarating siya sa harap ng kabaong, nanghina ang mga tuhod niya kaya naman napaluhod siya. "No..." Sunod-sunod ang pag-alpas ng mga luha sa kaniyang mga mata. Napahawak siya sa kaniyang dibdib at doon kumuha ng lakas. Hagulgol niya ang nangingibabaw sa apat na sulok ng sala nila. "K-kuya...B-bakit?" Nahihirapan niyang sambit, hindi gumagana ang utak niya, maraming tanong ngunit walang napasok at wala siyang maintindihan. "No...." Mahigpit siyang napakuyom ng kamao saka siya sumigaw ng malakas. "No! kuya, kuya! no...you can't be dead! no!" "Anak..." Lumapit sa kaniya ang kaniyang mga magulang, kitang kita nila kung paanong magwala ang anak nilang babae. "Ma...S-si kuya...Ma..." "Shhh..shhhh....Tahan na..." "N-no ma, nagbibiro l-lang kayo 'diba? 'diba?" "Anak..." "No! mom...No" "Kexia..." "N-no! H-he can't be dead! N-no!" "Kexia..." "No! it's all your fault! f**k the rules! f**k that f*****g Regulations! f**k the f*****g Culture! f**k you all!" Hingal na hingal na sambit ng dalaga, bakas sa mukha niya ang pagkamuhi at poot. "Kexia!" "Why dad?! am I wrong? kung hindi dahil sa walang kuwentang batas na 'yan ay hindi mamamatay ang aking kakambal! H-how could they!" "Kexia! do you hear what you're saying?!" "I know! I know what I'm saying dad!" "Then you must understand the situation!" "How could I understand?! They'd kill my Twin, my brother for f**k sake! and yo---" Hindi naituloy ng dalaga ang sinasabi niya dahil sa malakas na sampal ng kaniyang Ama. Natigilang ang lahat sa ginawang iyon ng kaniyang Ama. "Evan!" Lumapit ang Ina niya sa ama niya. Saka hinawakan sa braso upang kumalma ito, habang si Kexia naman ay nanatiling naka tagilid ang kaniyang mukha. Dahan-dahan siyang lumingon sa ama, at napuno ng disappointment at galit ang nararamdaman ni Kexia. Umiling iling pa ito na parang hindi makapaniwala sa ginawang pagsampal sa kaniya ng ama. "Kexia anak..." Winaksi niya ang kamay na dapat sana ay yayakap at hahawak sa kaniya. "Don't touch me!" "Anak!" Mabilis siyang tumalikod at tumakbo paalis sa lugar na iyon, dali-dali siyang nagtungo paakyat sa kaniyang silid. "Miss kexia! miss Kexia!" Hindi niya pinansin ang pagtawag ng mensaherang si Aria, sinilid niya ang kaniyang mga damit sa isang di kalakihang bag. Nag umpisa siyang mag silid ng mga gamit, pinigil siya ng mensahera ngunit hindi siya nag papigil. Matapos masilid ang mga gamit ay kinuha niya ang dalawang naglalakihang alkansiya. May lamang iyong pera, pera na mula pagkabata ay inipon nilang magkakambal. Kinuha niya iyon saka sinilid, matapos ay mabilis siyang tumakbo pababa. "Kexia! Where the hell are you going?!" "Kexia!" "kexia!" Rinig niya ang paghagulgol ng Ina, ngunit wala roon ang kaniyang pansin sapagkat nais niyang makawala sa bahay na parang kulungan. She never seen the outside before, that's because her father forbid them to go out. So she play only with his twin brother. She used to play with him, and now that he's gone, she can't accept that fact. "Hulihin ninyo ang aking anak at huwag niyong papayagan na makalabas!" Malakas na sigaw ng kaniyang Ama, kaya naman nagsimulang humabol sa kaniya ang mga sundalo sa kanilang pamamahay. Lahat ng mayayamang Pamilya ay pinagkalooban ng Presidente ng karapatan sa sundalo. May kani kaniyang sundalo ang bawat pamilyang mayayaman. Umiwas si Kexia sa akmang paghuli sa kaniya, tumigil siya at saka umiwas sa akmang pagsuntok sa kaniya. Hinuli niya ang kamao ng akmang susuntok sa kaniya at saka malakas na sinuntok ang lalaki. "Kexia anak!" Nagulat ang magulang niya sa ginawa nila, hindi nila akalain na magagawa niya iyon, sabagay ay hindi nila batid na nagsanay siya kasama ng kaniyang kakambal. Inikot niya ang braso ng aamba ng suntok sa kaniya, mabilis niyang sinipa ang lalaking nasa likod at ang isa ay sinalubong niya ng sapak. Umikot siya sa ere at magkabilang sinipa sa kaliwa't kanan ang dalawang sundalo, sakt iyon sa dibdib kung kaya't nabuwal sila sa kinatatayuan. Mabilis siyang nagpatuloy sa pagtakbo, ang tarangkahan ng mansiyon nila ay sampung minuto ang layo mula sa gate. 'Yon ay kung lalakarin mo, ngunit kung tatakbuhin ay kaya iyong mapuntahan ng limang minuto. "Jusko! ang anak natin Evan!" "Reah! Huminahon ka." "Paano ako hihinahon Evan? ang anak mo ay marunong makipaglaban, paano? paano siya natuto? jusko! mahabaging diyos!" "Hindi ko alam, ngunit natitiyak kong may kinalaman rito ang kaniyang kakambal." Narating niya ang Gate, kinalkula niya ang taas nito saka bumuwelo at tumakbo ng mabilis, limang metro ang layo ay mataas siyang tumalon at kumapit sa hindi makinis na pader. Dahil sa liksi at galing ay narating niya ang taas. "Miss Kexia, bumaba na kayo riyan!" Tinanaw niya ang kabuuan ng kanilang lupain, mayaman sila at kung tutuusin ay wala an siyang mahihiling pa. Ngunit para silang nakakulong sa malaking bahay na ito, kaya naman mas gusto niyang makalaya, maka-alis sa bahay. Malungkot siyang ngumiti saka tumalikod, pagkatalikod ay tumalon siya pababa sa kabilang bakod kung saan ay hindi na sakop ng lupain ng kaniyang ama. ------ "K.Y."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD