Chapter 5. Heartache

1145 Words
"Where there is love, there is bound to be heartache." . Heartache . . Dalawang araw rin akong lutang sa sarili ko. I know I'm tough and strong but really? Heartbreak is way annoying me. Ang dami kong ginawang bawal sa buhay ko dahil sa kanya! Ang dami kong na miss na mga oppurtinidad dahil umasa ako sa manloloko na Jasper na iyon! Ang malas ko talaga! . He tried calling me a dozen times! Huh, ngayon lang siya naglakas loob na tumawag sa akin? Samantalang noon? Ako ang parang baliw na naghihintay sa tawag niya. Hindi man lang niya magawa! s**t talaga! . Ang mukha ni Donna pa ang palagi kong nakikita sa trabaho. Sangkatutak din ang pinapagawa niya sa akin. Nakakainis na! I don't really like her! She's full of plasticity in her face! Magaling lang siya sa mga superior sa kanya pero pagdating sa akin ang arte-arte niya. Feeling maganda! Bruha! . Hindi ko na sinabi kay Bobita ang detalye. Hindi rin niya alam na ang bruhang Donna ang bagong girlfriend ni Jasper. Hindi ko tuloy alam kong sinong mas nauna sa aming dalawa. I can't blame him anyway. Mas may propesyon naman si Donna kompara sa isang tulad ko na wala pa! . Ginulo ko lang lalo ang buhok ko habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.  Sabado ngayon at walang trabaho. Natapos ang pitong araw ko sa trabaho ni ate. Ang tagal pa nito! Isang buwang at kalahating sobra pa ang hihintayin so pagbabalik niya. Wala akong magagawa, kaya magtiis na lang muna ako. . Napalingon ako sa labas ng marinig ang doorbell sa gate namin. Kaya lumabas na agad ako. . Ang mukha niya agad ang nakita ko. Huh, great! Mabuti naman at naalala pa niya kung saan ako nakatira. Ito pa lang 'ata ang pangalawang beses na bumisita siya.  Naiinis akong pinagmamasdan siya. Binuksan ko lang ang gate at lumabas na. Wala akong planong papasukin siya sa loob nga bahay. . "I'm sorry, Boo..." mahinahon na tugon niya. Humalukipkip na akong tinitigan siya. "Ang kapal din ng mukha mo ano? Dalawang taon Jasper! Sana nga pala tinuloy ko na lang ang Dubai ko. Bwesit ka talaga!" Sabay tulak ko sa dibdib niya. . Oo, dapat sana nag Dubai na lang ako. Everything was ready back then when the company offered me the job. Pero dahil kasi ako si tanga! Hindi ako tumuloy dahil ayaw kong malayo sa kanya. . "Beauty... Pampalipas oras ko lang naman si Donna. Ikaw naman talaga ang mahal ko." . Umigting ang tainga ko at agad na sinampal siya. Napalakas ko pa 'ata ang sampal ko dahil uminit bigla ang kanang palad ko. . "Ano? Pampalipas oras? Ano siya pokpok? Umalis ka na, Jasper. Wala na tayo!" Tatalikod na sana ako nang hawakan niya ang braso ko. "Beauty. I only did that to fulfil my needs," mahinahong tugon niya. Mabilis ko lang na tinakwil ang kamay niya. "f*****g s*x needs! Ganoon ba?" Sigaw ko. "Akala ko iba ka sa kanila, Jasper! Pare-pareho lang pala kayo. Alam mo naman na hindi pa pwede 'di ba? At bakit ngayon ka lang nagpakita? Dalawang buwan mo akong kinalimutan! Pwes, kalimutan na natin ang isa't-isa. Magsama kayo ng f*****g buddies mo!" . Itinulak ko ulit siya at pumasok na ako. Ni-lock ko na ang gate. Kanina pa nais bumigay ng mga tuhod at luha ko, pero pinigilan ko ito. Nagmakaawa agad siyang humawak sa rehas na gate. . "Beauty, Mahal kita." "Bwesit na pagmamahal 'yan!" . Tinalikuran ko na siya at pumasok na ako sa loob ng kwarto ko. Pinatay ko na ang lahat ng ilaw sa bahay namin. Bahala siya sa buhay niya! Para sa akin wala na kami at tapos na. . Binagsak ko lang ang katawan ko sa kama at sinubsob ang mukha sa unan. Umiyak na ako...Gusto ko ng ubusin ang luha ko para wala ng matira para bukas! s**t lang talaga! . Nanlumo lang ang puso ko. Naisip ko rin naman ang pagkakamali ko sa kanya. Pero kahit na, hindi ko pwedeng ibigay ang sarili ko. Hindi pa ako handa. Tumayo na ako para tingnan siya sa labas.  Ang totoo mahal ko naman siya, at kaya ko naman siyang patawarin kong talagang magbabago lang siya para sa akin. . Binilisan ko lang ang hakbang ko at binuksana ng pinto ng bahay. . "Jas--" Sabay iyak ko. . Pero natahimik lang din ako. Wala na siya sa labas, umalis na. Kung naghintay lang sana siya, tatangapin ko siyang muli...Pero wala na, tapos na... . . PARANG sinadya talaga ni Donna ang lahat sa akin. Ang kapal ng workloads ko sa mesa, na halos hindi na ako makahinga. Nilinis ko ng maayos ang loob ng opisina at pagkatapos ay umupo na ako. Mas uminit lang lalo ang ulo ko dahil sa dami ng trabaho. Ang alam ko ang iba rito ay hindi para sa akin. Pero sadyang pinaglalaruan niya 'ata ako! . That freaking b***h! Mura ng isip ko. . Binilisan ko lang din at agad na natapos ito. Padabog pa akong lumapit sa kanya sa mesa niya. Nakangiti siyang may kausap sa cellphone niya. May salamin sa harap niya at make up.  Ang bruha talaga! Chismis lang 'ata ang alam nitong gawin at landian. . Sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya, ang landian lang nila ni Jasper sa kama ang tuwing naiisip ko. s**t lang lang din! . Tumingala agad siya sa akin at tinaasan niya pa ako nang kilay. Nilagay ko lang ang papelis sa mesa niya at tinalikuran na. Tinawag niya lang ulit ako. . "Beauty! Meron pa," arteng tugon niya. . Napakuyom kamao ako.  Bruha talaga! Makakatikim ka talaga sa aking Donna pagkabalik ng ate ko. Kakalbuhin kita ng husto! Hanggang sa wala ng matira sa buhok mo! Humarap na ako sa kanya at inayos ang postura ko. . "Paano mo nakilala si Jasper?" Taas kilay niya. "Sa modelling noon. Hurado namin siya," plastik na ngiti ko. Tumango agad siya. "Here," abot niya sa iilang papelis pa. . Napako agad ang paningin ko sa kamay niya. Ang laki kasi ng diamante sa engagement ring niya. Napalunok pa tuloy ako. Parang bumagsak lang sa ikalawang pagkakataon ang puso ko. Lumapit agad ang babae sa katabing mesa niya. . "Patingin nga ng engagement ring mo, Donna," ngiti niya sa kanya. "Ang ganda. Kailan ba ang plano niyo ni Jasper?" . Pumilantik lang ang kamay niyang pinakita ito sa iba pa. Lumapit na kasi ang ibang kasamahan niya, para tititigan ito sa mga kamay niya. . "Soon. Don't worry invited kayo lahat sa kasal," lawak na ngiti niya. . Napakagat ko lang ang pang ibabang labi ko. Umatras na ako at tumalikod na. Mas tinusok lang ang puso ko ng libo-libong karayum ngayon.  So ano iyon kagabi? Plastikan lang! Kahit kailan ang sama mo talaga Jasper! Mamatay ka na sana! . . C.M. LOUDEN/Vbomshell
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD