"Every second you spend with the wrong person, is a second wasted in the search for true love." . Wasted . . UMUWI akong luhaan sa ikaapat na pagkakataon. I need to go somewhere and get wasted! Kahit ngayon lang. Gusto kong gawin ang bawal sa buhay ko, kaya tinawagan ko si Ceilo. . It's Friday today and more likely Friday night is a party night. Ginawa na namin 'to noon, noong um-extra kaming modelo ng emperador brandy sa isang elite na bar sa syudad. . "May VIP pass ako, Bess. Isama kita okay," tugon niya sa kabilang linya. "Hihintayin na lang kita, Bess. Magbibihis lang din ako." . Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan ang mga pang modeling damit ko. It's been half a year that I didn't wear them. Huminto na kasi ako sa sideline na ito. Hindi naman trabaho ang papasuki