Chapter 4. Break

1109 Words
"Sometime you need to give up on people, not because you don't care, but because they don't." . Break . . "Yes, babe. Hintayin mo lang ako. Malapit nadin akong matapos, I love you too..." si Donna. . May kausap siya sa kabilang linya. Nag-angat agad siya nang tingin sa akin at ngumiti na ako sa kanya. Naalala ko na siya pala ang babae na nakasabay ko sa banyo, sa unang araw ko rito. At siya din ang kausap ni Jasper sa araw na iyon. Nang matapos siya ay tumaas lang din ang kilay niyang pinagmasdan ako. . "Heto na po ang mga papelis. Natapos ko na," ngiti ko. . Tumango agad siya at tipid na ngumiti. Ang arte lang din ha! Kinauha niya agad ito sa mga kamay ko at tiningnan muna bago siya tumayo. . "Okay, thanks," tugon niyang hindi nakatingin sa akin. . Tumango na ako at ngumiti sa kanya. Hindi man lang niya ako tinitigan. Ganito nga naman siguro ang mga tao na nasa mas mataas na posisyon. Umalis na agad ako at bumalik sa pwesto ko. Kinuha ko lang ang sling bag at naghanda na. Dumating din agad si Bobita na masaya. . "Let's go girl! Gutom na ako," sabay hawak niya sa braso ko. . Pumili na ako ng makakain namin. Nakapili na naman siya. Nilingon pa namin ang buong paligid. Halos lahat kasi ay punuan.  It's lunch time and everyone is here. The canteen provides a free catering for all employees. This is the best thing about this company because they provide everything. . "Doon tayo." . Sumunod na ako sa kanya. Sa labas 'ata kami papunta, sa balkonahe ng canteen. Tanaw mo agad dito ang magandang view ng mga nagtataasang gusali. May iilan pang bakante na mesa ang nandito. Naupo na kami at nagsimula nang kumain. Nakakatawa nga naman si Bobita. Pagdating sa pagkain ang tahimik na niya talaga. Nakangiti ko lang siyang pinagmasdan. . "I'll meet you tonight babe okay sa family dinner natin," boses ng babae sa likuran ko. "Okay, babe. I'll free my schedule tonight for you," boses ng lalaki. . Napangiwi tuloy ako. Naalala ko lang si Jasper. Today is our second year anniversary. He didn't even bothered calling me. I woke up this morning expecting a message or a phone call from him, but none! Inisip ko rin mataas pa naman ang araw, baka magpakita siya mamaya. . Kinuha ko na ang cell phone ko at nag message sa kanya. I told him that I'll see him tonight. Wala si Ate, so we can spend a nice dinner together at home. . Narinig ko agad ang message beep sa likod ko. Pagkaraan ng ilang minuto, walang reply sa kanya pero seen naman ito. Kaya nag send ulit ako at ganoon pa din. Natapos na kami ni Bobita at tumayo na siya para linisin ang mesa. Hinayaan ko na siya. Kasama niyang niligpit ang sa akin. . Tumayo na ako at tinawagan siya. Pero laking pagtataka ko dahil tumunog lang din ang cell phone ng nasa likuran ko. Nilingon ko sila, at kitang-kita ko ang ngiti sa mukha ni Donna sa kasama niya. Mas kinabahan ako dahil nakita kong tinigan niya lang cellphone, at nakalagay pa ang pangalan ko rito 'Beauty'. . Kumunot agad ang noo ko at bahagyang humakbang na para mas makita ko ang mukha niya. . The heck! Si Jasper! . Namilog ang mga mata niya nang makita ako. Pinatay ko ang tawag, wala na rin naman silbi! . Huh, great! What a scenery! . Magkahawak kasi ang kamay nilang dalawa sa mesa. And yes! I've heard it before that Donna called him 'babe'. s**t lang din ha! Ano 'to may girlfriend siyang iba? Bumalik lang lahat ng alaala sa akin. Last week I've seen him here with Donna. . Huh, great! Ang malas ko talaga! . "Jasper!" inis na tugon ko. . Nakatitig lang siya at sumeryoso ang mukha. Nakatingin agad si Donna sa akin. Nalito rin ang bruha! . "Excuse me? Do I know you?" tugon niya. Napaawang ang bibig ko. Parang nabuhusan ng malamig na yelo ang buong katawan ko. Pakiramdam ko lumiit lang akong bigla sa harapan nilang dalawa. Hindi na tuloy makapagsalita. . "Do you know her, babe?" si Donna sa kanya. . He shook his head while smiling at her. Hindi ko inalis ang titig ko sa kanya. Pakiramdam ko babagsak na ang luha ko sa mga sandaling ito. . "No, babe. Probably from the modelling agency? Alam mo naman na maraming nakakakilala sa akin," ngiti niya kay Donna. . Mas bumagsak lang lalo ang puso ko sa lupa! s**t na talaga! . Tumingala na ako at pilit na pinigilan ang luha ko. Nagmura na ang isip ko. Nilingon ko muna nag buong paligid. Ang daming tao dito at lahat mga kasama ni Ate sa trabaho. Kung mag e-eskandalo ako, mapapahiya lang ang ate ko. Ayaw ko ng ganun. . For two f*****g years! Ito pala iyon? Ang tanga ko talaga! . Ang nakangiting mukha ni Bobita lang ang nakikita ko ngayon sa paligid. Palapit na siya sa akin. Huminga na ako nang malalim at ngumiti sa kanya. . "Let's go girl," si Bobita sa akin. . Tumango lang ako at nilingon ulit siya. Ngumiti na lang din ako sa kanya at kay Donna. Hinigpitan ko ang hawak sa braso ni Bobita. Pakiramdam ko kasi bibigay lang ang tuhod ko ngayon. Nagtaka na tuloy siyang tinitigan ako. . "Hey are you o-" . Magsasalita pa sana siya pero binilisan ko na ang hakbang ko, hanggang sa makalabas kami ng canteen. Nahinto agad ako sa kalagitnaan ng hallway. . "Ano bang nangyari sa'yo girl?" . Bumagsak na ang luha ko, hindi ko na napigilan ito. Dinukot ko ang cellphone sa bulsa at tinawagan ulit siya, at sinagot naman agad ng manloloko! . "You're f*****g disgusting pig! Go to hell! Magsama kayo ng mga babae mo! s**t you Jasper! I hate you! Break na tayo! f**k you!!" Sabay patay sa tawag ko. . Kulang na lang itapon ko 'tong cell phone ko sa pagmumukha niya! Mabilis ko lang pinahiran ang luha ko. Of all the places, talagang dito pa talaga sa workplace ng ate ko! At ang bruhang si Donna pa talaga ang pinalit sa akin! Ang sakit lang din ha! . Mabilis lang din ang hakbang ko at ramdam kong nakasunod lang si Bobita sa akin. . Umupo agad ako sa mesa at pinahiran ang mukha ko ng tissue. Mariin lang din na umupo si Bobita at tinitigan ako. Hindi siya nagsalita. . "Kaya mo 'yan, girl... Ikaw pa, ang ganda mo kaya," ngiti niya. . . C.M. LOUDEN/Vbomshell
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD