"Today is the first day of the rest of your life."
.
First Day
.
.
Ilang beses na niyang hindi sinagot ang tawag ko. Sari-sari na tuloy ang laman ng isip ko ngayon. Nag send lang siya ng mensahi at sinabi sa akin na abala siya sa trabaho at nasa meeting pa kaya tinigilan ko na.
.
Everything was settled. Things are well organized in ate's desk. Nasa labas lang din ang desk ko, sa harap mismo ng pinto ng opisina ng boss niya. Madalas naman daw na wala ang boss niya rito at ngayon lang naman daw ito babalik galing Amerika.
.
In fairness madali lang naman ang trabaho ni Ate sa lahat. Maglilinis at mag take notes sa mga meetings at mag timpla ng kape! Okay, fine, that's easy peasy!
.
Paulit-ulit ang litanya ni Ate sa akin kada araw sa mga dapat kong gawin. Her boss is a perfectionist freak kuno! Pero mabait naman. May perfectionist freak ba na mabait? Ang alam ko kasi ang mga sobrang perfectionist na mga tao ay sadyang napaka-bitter sa buhay. Ewan ko na lang! Pero mukhang kinakabahan ako sa boss ng ate ko. Bago maging dahilan ito na hindi matuloy ang modeling career ko.
.
"Ano, kaya mo na ba?"
.
Bakas ang pag alala sa mukha niya. Natawa na ako habang pinagmamasdan siya. She's ready and her luggage is at place already. Bitbit pa niya ang palakang stuff toy na bigay ni Kuya Joel sa kanya.
Hmp, Ang korney ha! Ngumiwi akong tinitigan siya.
.
"Oo, ate. Have fun okay and don't worry about me. I can handle myself. Matanda na ako," ngiwi ko at lambing na niyakap siya.
"Call me okay. I'll video call you everyday."
.
Pumasok na agad si Kuya Joey at agad na kinuha ang maleta ni Ate. Nakasunod lang din ako sa kanilang dalawa. Mariin ko silang pinagmamasdan habang ipinasok ni Kuya ang mga gamit nila sa likod ng kotse.
.
"Beauty, you take care," baritonong tugon ni Kuya Joey sa akin.
Tumango na ako. "Kayo rin, kuya. Mag-iingat kayo okay," tipid na ngiti ko.
.
Mahigpit ang yakap ni Ate sa akin. Naiiyak pa tuloy ako. Nakakaloka naman 'to! E, mag ho-honeymoon lang naman ang dalawa sa Caribbean sea at Asia. Ang swerte talaga ni Ate kay Kuya Joel. At sa pagkakaalam ko, pagkatapos ng honeymoon nila ay lilipat na si Ate sa bahay niya. Ako na lang din ang maiiwan sa maliit na bahay na ito.
.
Kumaway na ako sa kanila at ngumiting pinagmamasdan, hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Mahina ang hakbang ko papasok ng bahay. Niligpit ko na agad ang kalat sa mesa, at hinugasan ang pinggan sa kusina.
.
We have a small house here in our mere subdivision area. Maliit lang naman ito. Mas mabuti na 'to, kaysa sa mag renta ng bahay na hindi naman mapapasaamin. Sabado ngayon at walang pasok sa trabaho.
.
Naging tahimik ang Sabado ko at Linggo. Ang hirap din pala, dahil naninibago ako. Tinawagan ko lang sina Mama at Papa sa probinsya. It's been a while that I haven't visited our province. Probably after everything's settled I'll visit Mama and Papa again.
.
.
MASIGLA ang gising ko ngayon. Lunes na lunes at unang araw kong pumasok sa trabaho na wala si ate sa tabi ko. Nakakapanibago nga naman ang lahat sa akin ngayon. It seems like I'm learning my independency in living alone at the age of twenty four.
.
Maaga rin akong pumasok sa trabaho. Ayaw kong ma-late, ma traffic pa naman at nag taxi lang din ako. Madalas kaming nagta-taxi ni ate. May budget kasi siya para rito, at sagot naman daw ng kompanya. Pero ako wala? Kaya magtitiis na muna ako.
.
"Good Morning, Beauty!" si Bobita.
Ngumiti agad ako sa kanya. May dala na agad siyang iilang papelis at inabot sa akin 'to.
"Kailangan 'yan ni Irene mamaya."
Tiningnan ko agad 'to. Tumango na ako. Hindi naman mahirap 'to, dahil naturo na sa akin ni ate ito.
"Okay, sige. Salamat."
"Kaya mo na? Let me know if you need a hand okay. Nasa office lang ako," sabay kindat niya.
"I will. Thank you," ngiti ko.
"And by the way, sabay tayo mag-lunch okay. See yah!"
.
Tumalikod na agad siya at nakangiti ko lang na pinagmamasdan ang likod niya. Sinimulan ko na rin ang trabaho. Mukhang madali lang naman ito. Hindi ko pa naman nakakalimutan ang tinuro sa akin ni ate.
.
Natapos ko ito ng tatlong oras. Medyo mabagal nga ang trabaho ko. Its okay, I'm just starting. I stood up and stretched my body while facing the open door of my boss office. Humakbang agad ako para isara ang pinto. Nilinis ko na ang paligid kanina pagkarating ko. Pinaalalahanan ako ni ate na linisan araw-araw ang mesa niya, dahil maarte raw sa alikabok ang boss niya.
.
Kinuha ko na ang natapos kong mga papelis para ibagay sana kay Bobita nang may biglang humarang sa pintuan ko. Nag-angat agad ako nang tingin sa kanya.
.
"Hi, bago ka?"
.
He looks decent but by the look of his face, you can tell that he's a playboy type. He even winked on me. Napilitan pa tuloy akong ngumiti pabalik sa kanya.
.
"Reliever lang ng ate ko."
.
Bahagyang kumunot ang noo niya at umayos agad siya nang tindig. Mas lumawak lang din ang ngiti sa labi niya.
.
"Ate mo si Amalia?"
"Oo," tango ko.
"I see. I'm Alvin," sabay lahad nang kamay niya.
.
Tatangapin ko na sana nang dumating si Bobita at pumilantik lang agad ang mga kamay niya sa ere at tumili na.
.
"Hoy Alvin! Huwag kang ano diyaan, alis!" Sabay tulak niya kay Alvin. Natawa na agad ako sa kanya.
"Ikaw naman. Nagpapakilala lang naman ako."
"Kilala kita. Jinojowa mo ang lahat ng bago rito! Papatayin ka talaga ni Amalia, alis!"
Bahagya siyang natawa at ngumiti lang din sa akin.
"I'll see you around, Beauty," kaway niya.
.
Kumaway na din ako sa kanya. Tumaas lang din ang kilay ni Bobita. Mas nakakatawa ang hitsura niya. Tinitigan niya agad ako.
.
"Huwag kang papaluko sa mga lalaki rito. Maraming mga manloloko rito, bruha!"
"May boyfriend na ako. Ano ka ba!" Tawa ko.
Mas tumaas lang din ang kilay niya.
"Talaga? Sino?"
"Secret!" Sabay bigay ko sa mga papelis sa kanya.
Tiningnan niya lang 'to. May hawak pa kasi siyang mga papelis din.
"Ibigay mo na agad 'yan kay Donna. Nasa katabi lang naman ang mesa niya diyaan sa gilid. Nakalagay ang pangalan niya, Donna...Do not eat!" Sabay tawa niya, baliw talaga!
"Babalik din ako. I'll fax this, tapos mag lunch na tayo okay."
.
Tumango na ako at pinagmasdan na lang siyang umalis. Humakbang na din ako patungo sa mesa ni Donna. Hinanap ko pa 'to at nakatingin pa ang iba sa kanila sa akin. Hanggang sa nakita ko na ang mesa niya.
.
.
C.M. LOUDEN/ Vbomshell