In the end you always go back to the people that were there in the beginning.
***
.
Old friend
.
.
Parang pinagsisihan ko 'ata ang pagtangap ko sa trabahong ito. Halos malula na ako sa kapal ng mga papel sa mesa. I can't imagine how my sister handle this type of job. Nag e-enjoy ba siya? O sadyang naging papel na din 'ata ang mukha niya!
.
"Walang mangyayari kung tititigan mo lang 'yan, Beauty!"
.
May nilapag pa siyang iba. Kulang na lang bumaha na ng papel dito sa loob ng silid. I don't even understand which one should I take first.
.
"Sort them out first, by letter," demand niya.
Inisa isa ko naman 'to. Mukhang aabutin 'ata ako ng gabi sa trabahong 'to! Dios ko, help me!
"Parang ayaw ko na, ate. Nakakalula, grabe!" reklamo ko.
"Madali lang naman 'to. Huwag kang OA!" Sabay patong niya ng ibang folders pa.
"Now I know... That's why you've stick to Kuya Joey. Kapag ganito ang trabaho mo, wala kang makikitang lovelife sa buhay mo. Tali na agad sa trabaho!" Bahagyang tawa ko.
Tinaasan niya lang ako ng kilay.
"FYI, Beauty. High school sweetheart ko ang Kuya Joey mo! Baka nakalimutan mo na," pabagsak na tugon niya.
Tumango na ako. "Oo, alam ko."
"Wala ka bang assistant man lang? Ang dami mo kayang trabaho. Hindi mo naman siguro ibibigay sa akin ang lahat ng 'to 'di ba?" Kunot-noo ko.
"No. I'll give you the most common one. Ito lang naman ang importante, at kung may ipapahanap man sa'yo ang boss ko. Hanapin mo sa sa kulay asul na drawer. Nandiyaan ang lahat na kadalasang hinihingi niya."
.
Napalingon agad ako sa asul na drawer na tinuro niya. Napanganga akong bigla. Hindi ko naman inakala na isang dosenang drawer din pala ito! Ano ako bookworm?
.
"s**t! That's twisted."
Natawa agad siya at umiling-iling na.
"Nakakalimutan ko na malaki ka na pala, Beauty. I mean, look at you!"
Ngumiwi ako sa kanya at sabay na tiningnan ang sarili ko.
.
Yeah, I know! I'm taller than her but in a slender body. Mala modelo ang tindig ko kaysa kay ate. Mahaba at kulot ang buhok ko sa dulo. Gifted din naman ako sa boobs ko! Iyon nga lang mas matalino si ate kaysa sa akin talaga. Kaya namumuhunan na lang ako sa angking kong ganda.
.
"Madali kitang maihahanap ng manager," ngiti niya.
.
Mas lumawak lang ang ngiti ko. Kanina parang ayaw ko na. Pero ngayon na-inspire na naman ako. Bruha talaga 'tong ate ko. Alam na alam niya kong paano makuha ang puso ko.
.
"Huwag na huwag kang magbibiro sa akin ng ganyan, Ate. I trust you!"
Humarap siya sa akin na nakapamawang.
"I'm not kidding, Beauty. Do your best in my work okay, and I will look after your career," kindat niya.
.
Mas ngumiti na ako. Alam kong hindi nagbibiro si Ate, at alam kong matutulungan niya ako. Noon ayaw na ayaw niyang maging modelo ako. Wala raw akong mapapala sa pagiging model, pero nagbago na 'ata ang pananaw niya sa akin ngayon.
.
Mabilis ko lang tinapos ang lahat. Inabot kami ng tanghali talaga. At nang lumabas kami sa opisina ng boss niya para mananghalian, ay ang mga kasama naman niya ang nakatingin sa aming dalawa ngayon. They looked at us as if there's something wrong with us. Lumapit pa agad ang isang decenteng bakla sa paningin ko.
.
"Amalia! Who is she?" sa maarteng tugon niya. Tumaas pa ang kilay niya. Bakla nga talaga!
"Bobita girl! Kapatid ko."
.
Mas tinitigan niya ang kabuuan ko. In fairness mukhang mabait na bakla naman siya sa paningin ko. Ngumiti pa siya sa akin.
.
"Ang ganda... Modelo ka ba, hija?" Sabay pilantik ng kamay niya.
"Beauty Acuesta," lahad kamay ko at ngumiti na rin sa kanya.
"Ang bait 'te, innocente. I'm Benjie, but you can call me Bobita, Beauty," malumanay na tugon niya.
.
Tinangap naman niya ang kamay ko. Ang weird ng baklang 'to. Mukha kasi siyang matrona sa paningin ko. Ano ba 'to! Ito na siguro ang napapala ko sa sarili. I have a limited group of friends. Mabibilang lang sa isa kong daliri ang mga kaibigan ko. Hindi rin ako lumalabas at nag-pa-party, ayaw kasi ni Jasper.
.
"Beb, alagaan mo 'tong kapatid ko ha. Ipinagkakatiwala ko siya sa'yo, bakla," si Ate sa kanya.
.
Ngumiwi pa ako habang pinagmamasdan silang dalawa. At sa bakla pa talaga ako ipinagkatiwala ni ate! Nabaliw na.
.
"I will best friend. Ano? Pumayag na ba ang gwapong dragon na mag leave ka?" Sabay kembot niya.
.
Humakbang na silang dalawa at nakasunod lang ako sa likuran nila. Humawak naman nang mahigpit si Ate sa braso ni Bobita. Umiling-iling na lang din ako. Tsk! Sabay buntong hininga ko.
.
"Oo, pumayag na, at si Beauty ang papalit sa akin ng dalawang buwan. Tulungan mo naman, please..."
Huminto siya ng hakbang at nilingon ako.
"Come here, Beauty," si Bobita.
.
Napahinto rin ako at tinitigan lang sila. Hinila na agad ako ni baklang Bobita at humawak ng mahigpit sa braso ko. Napagitnaan na namin siya ngayon ni Ate.
.
"Never trust the boys here, Beauty..." Sabay tingin niya sa mga lalaki na nasa gilid.
.
Breaktime na kasi at papunta na kami sa Canteen ng kompanya. Halos lahat ng mga empleyado ay nagsilabasan na. Naka formal attire ang lahat dito, at tama nga naman siya... Ang daming gwapo sa paligid.
.
"Beauty, kung may hindi ka maintindihan na trabaho kay Bobita ka magpatulong. Alam niya ang lahat ng trabaho ko. Senior Accountant 'yan dito," ngiti ni Ate sa akin.
.
Pa-simpli nalang hinawi ni Beauty ang imaginary hair niya. E, wala namang buhok ang bakla! Napakurap mata pa siya sa akin na nakangiti. Natawa na tuloy ako sa kanya.
.
"Oo, ate."
"Magkakasundo tayo, Beauty. Alam mo ba noong unang panahon, noong kolehiyo pa lang kami ng Ate mo. Napagkamalan akong lalaki ni Joey. Sangkatutak na suntok ang inabot ko," tawa niya.
.
Napatakip bibig na ako at nahinto. Nanlaki pa ang mga maa ko habang tinitigan siya. I can't believe it! Was that him? The heck! Natawa agad si Ate na pinagmamasdan ako.
.
"Naalala mo?"
.
Tumango ako at napako agad ang tingin ko kay Bobita. I looked at him from head to toe. He looks way different now from eight years ago. He was more masculine at that time and in brown complexion.
Payat pa siya noon at lalaking lalaki ang pagmumukha niya. Huh, iba na nga talaga ang nagagawa ng pera!
.
"Nagparetoke na ako. Gaga!" Tawa niya sa akin.
.
Bahagya na akong natawa at niyakap siya. Nabigla agad siya. Kaya pala ang gaan agad ng pakiramdam ko sa kanya. He's an old friend, a genuine one. Naalala ko siya noong mga panahong iyon. Palagi siya sa bahay namin, bitbit ang mga prutas at mais na galing sa probinsya nila.
.
"See? Naalala mo rin ako. Niloloko lang kita kanina na hindi kita kilala, Beauty," sa mas mahigpit na yakap niya.
"Ang laki na kasi ng pinagbago mo, Kuya."
.
Kumunot agad ang noo niya. Natawa na ako. Alam ko kong bakit kumunot ang noo niya. Iniis ko lang naman ang gaga!
.
"Oo na, Bobita..." Ngiti ko.
"Ikaw talaga. Nagmana ka nga sa ate mo!" Irap niya.
.
Natawa na ako at nauna na sila ni Ate. Pumili na rin sila ng makakain namin at naghintay na lang din ako sa mesa. I looked at everyone in the area and most of them looks well efficient professionals. I've heard that this company is one of the top ace in the country. Pahirapan ang makapasok dito.
.
No wonder my sister earn such a big salary in this company. Kahit pa hindi ako mag mo-modelo ay okay na sa akin na magtrabaho rito. Pero ano naman ang alam ko sa mga clerical jobs? Wala nga naman...
.
Masaya ang pananghalian naming tatlo. Tumayo na ako para pumunta ng banyo. May sariling malaking banyo din naman dito sa loob ng Canteen. Hinugasan ko lang ang kamay ko at napansin ko agad ang babae na katabi ko.
.
She's really pretty... Nag re-touch lang siya ng lipstick niya. Ngumiti na ako sa kanya, at tipid naman siyang ngumiti sa akin.
.
Una na siyang lumabas, at tiningnan ko pa ang kabuuan niya sa haran ng salamin. Makikita kasi dito ang bawat papasok at lalabas ng banyo. Pinatuyo ko na ang kamay ko bago lumabas. Inayos ko muna ang sarili, at mariing tiningnan ang ibang empleyado na kumakain pa sa labas. Hanggang sa napako ang mga mata ko sa pamilyar na anyo.
.
"Jasper?" Kunot-noo ko.
.
He's on his back. Sitting beside him is the same girl that I've meet inside the ladies room. Kinabahan na ako habang pinagmamasdan sila. Hindi naman niya ako nakikita, dahil nakatalikod siya. Kinapa ko ang cellphone ko, para sana tawagan siya.
.
We're suppose to meet today, but he cancelled it. Hindi naman siguro kabit niya ang babaeng iyan? Dahil wala namang landian. Kumakain lang naman sila at nakangiti sa isa't-isa. She's probably his client, or a close acquittance.
.
Tinawagan ko na siya at rinig ko pa ang tunog ng cellphone niya. Pasimpli lang din akong tumayo sa gilid. I don't think he'll notice me. He just looked at his phone and swiped the red button. Nainis pa tuloy ako sa ginawa niya! Kaya tinawagan ko ulit.
And the same thing, he just ignored it! And turn off his phone. Napansin ng babae ito at ngumiti lang siya sa kanya.
.
"Calm down, Beauty..." tugon ko sa sarili.
.
Hindi ko alam kong ilang minuto na akong nakatayo sa gilid at pinagmamasdan sila. Hanggang sa natapos na sila at umalis na. Mariin kong tinitigan si Jasper sa malayuan. Ang laki na nga ng pinagbago niya.
.
I haven't seen him for two months! Hindi niya ba ako na miss? And who is that girl? Ba't magkasabay sila?
.
Umiling iling na ako at inayos ang sarili. Naging blanko na tuloy ang isip ko ngayon.
.
"Hoy! Kanina ka pa namin hinintay," sapak ni Ate sa balikat ko.
"Akala ko kong ano na ang nangyari sa'yo sa loob ng banyo!" Inis na tugon niya.
"E, sumakit lang kasi ang tiyan ko," ngiwi ko sa kanya.
"Halika na! Marami pa tayong tatapusin."
.
Nauna na siyang naglakad at sumunod na ako. Nilingon ko silang muli, pero nawala na sila sa paningin ko. Mamaya ka lang Jasper, makikita mo!
.
.
C.M. LOUDEN/ Vbomshell