Love is like a fart. If you have to force it, it's probably s**t.
.
.
Force
.
.
"Sige na naman, Beauty," si Ate Amalia.
Halos lumuhod na siya sa harapan ko para lang pumayag ako sa gusto niya.
"Ate naman! Alam mo naman na wala akong alam pagdating sa trabaho na 'yan! Model ako, Ate! MODEL!"
Tumayo siya at sinapak lang ang ulo ko.
"Anong model? Model ng diaper at mineral water!" pasigaw niya.
.
Oo, model endorser ako ng diaper at mineral water. Ang laki ng mukha ko sa tarpuline ng kapit bahay namin na negosyante ng tubig. Kinuha kasi nila akong model sa negosyo nila, at nakapaskal pa ang mukha ko sa bawat bote na plastic ng tubig.
.
Model endorser din ako ng diaper, napkin at kung ano ano pa! If there's always a new launching of sanitary products, I'm present! Ako agad ang modelo na kinukuha nila. Okay na 'yon! One year supply ng sanitary pads! Saan ka makakahanap? Libre!
.
"Tigil-tigilan mo ako ha! Anong silbe ng tinapos mong kurso kung kakarampot na modelling lang iyang ginagawa mo? Hindi ka naman siguro tanga 'di ba?" inis na tugon niya.
.
Umismid na ako. I finished my Economic degree course (Environmental Science). Hindi ko alam kong bakit ito ang tinapos ko! As far as I know I love nature, kaya eco-bio ako. But in the end, I want to pursue a modelling career in the future.
.
"Nagsisimula pa naman ako, Ate. Hinihintay ko lang ang tawag ng modelling agency," tipid na tugon ko.
Tinapos ko na ang ang pagkain ko para wala na siyang masabi.
"Beauty... Sayang ang pinag-aralan mo. Di ba may offer naman sa'yo ang school? Why you didn't grab it?"
"Ayaw kong maging guro. Maliit lang ang pasensya ko."
.
She rolled her eyes while looking at me. Ate Amalia is 29-years-old. Late na nga ng magpakasal sila ni kuya Joey. Si Ate kasi ang tumatayong breed winner ng pamilya namin. Mabuti na lang at mabait si Kuya Joey at hinihintay talaga niya si ate.
.
"Stop acting like a stupid girl, Beauty. Matanda ka na! Ayusin mo na iyang buhay mo," reklamo niya. Umupo na siya sa tabi ko.
.
Hindi na ako nagsalita. Hindi naman siguro ako matanda! I'm only twenty four yet, I don't have a stable job. I do a lot of extra jobs in modelling. Iyon nga lang, maliliit lang naman at sapat lang ang kinikita ko.
.
"Wala ka rin namang trabaho 'di ba?"
.
Tumaas na ang kilay niya habang tinitigan ako. I have no sideline work as of the moment. Naghahanap pa ako. Masyado kasing maraming kompetensya sa modelling. Hindi ka makakapasok sa loob kung walang nakapalikod sa'yo.
.
"Sige na, Beauty. Dalawang buwan lang naman at hindi naman mahirap ang trabaho."
.
Napatingin na ako sa kanya. She looked at me seriously. Okay, she's not even kidding right? Great! Umiwas na agad ako sa titig niya.
.
"Okay, let's make a deal. Be my substitute for my job and I will help you find a manager, an agent on your modelling career," ngiti niya.
.
Nabuhayan agad ako ng loob, kaya nilingon ko agad siya. Alam kong maraming koneksyon si Ate pagdating sa ganitong bagay. Sekretarya lang naman siya ng isang malaking kompanya. Alam kong mahahanapan niya ako ng manager na tutulong sa pag mo-model ko.
.
"Really?" ngisi ko.
Tumango agad siyang nakangiti.
"Yes!" Sabay yakap ko sa kanya.
"Ilang buwan ulit?"
"Dalawang buwan," pilyang ngiti niya.
Namilog ang mga mata ko.
"What? Ang taas ng leave mo, Ate? Paano pag mabuntis ka na? At 'di ka na makakabalik?" Kunot-noo ko.
"At bakit? Wala ka bang nakikitang sekretarya na buntis? Babalik ako, ano ba!"
.
Umaliwalas na ang mukha ko at niyakap siya. Alam ko naman na hindi niya ako matitis talaga. I may act like a baby on her, but she always let me. I can only do this on her. And besides, she's my only sibling. Mahal na mahal ko ang ate ko.
.
"Magkano ang sweldo ko?"
"You can take my salary. You're working on my behalf," kindat niya.
"Really? Magkano ba sweldo mo sa kompanya mo, Ate?" Sabay tayo ko.
Niligpit ko na rin ang mesa, tapos na kasi siyang kumain.
"Sixty thousand pesos," simpling tugon niya.
.
Mas namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. This means, I'll earn more than one hundred thousand in just two months!
What the heck! Mura ng isip ko.
.
"Hindi ko alam na ganyan pala kalaki ang sweldo mo, Ate. Akala ko kasi pipitsugin na sekretarya ka lang," bahagyang tawa ko sa kanya.
Umiling-iling na siya. Inayos na din niya ang sarili.
"Get ready. I'll take you with me."
"What? Ngayon na agad? As in ngayon na talaga?" Kunot-noo ko.
"Oo, bakit? Wala ka namang trabaho ah."
"Eh, may usapan kasi kami ni Jasper, Ate."
"E-cancel mo! Wala akong tiwala sa boyfriend mo, Beauty. Wala kang mapapala sa kanya."
.
Umismid na ako. I know she didn't like Jasper at all. Matagal ko ng boyfriend 'yong tao. Magdadalawang tao na kami. He's four years older than me. Sa modelling ko siya nakilala noon, noong nag audition pa ako. Isa siya sa mga hurado at mabait din siya sa akin. Kaya agad nahulog ang loob ko.
.
"When was the last time you saw him?"
"Two months ago..." Lihim na tugon ko.
"See?! May matino bang boyfriend na ngayon lang magpapakita? I've told you already, Beauty. Huwag na huwag mong ibibigay ang sarili mo sa kanya!" Sermon na naman niya.
.
Natahimik na ako. Alam kong dalawang taon ko ng boyfriend si Jasper. Pero isang beses pa lang niyang nakilala ang ate ko. He's always busy because of his work. Nakakahiya mang isipin pero hindi pa niya ako napapakilala sa mga magulang at kapatid niya.
.
I also feel intimidated too. I have no stable work. Ano bang mukha ang ihaharap ko sa pamilya niya. Kilala kasi ang pamilya nila, at pati na rin siya.
.
He's got his name on the modelling world. Nababasa ko na siya sa bawat pahina ng magazine ngayon. We agreed to keep our relationship in secret, para na rin sa kapakanan niya.
.
"Beauty! Nakikinig ka ba?"
Hindi na ako nagsalita at pumasok na ng kwarto. Sumunod lang din si ate sa likod ko.
"May nangyari na ba sa inyo?" seryosong tanong niya.
Umiling-iling na ako. "Wala pa..." Sabay buntong hininga ko.
"Mag-isip ka, Beauty. Kilala ko ang mga taong katulad niya!"
"Ate, hindi naman siguro kami magtatagal ng ganito kong hindi siya seryoso sa akin," pilit na tugon ko. Kumuha na ako ng damit sa drawer ko.
"Huwag kang kampante, Beauty. Not until he'll propose in front of you and offer you a marriage straight away," pamaywang niya.
.
Napalunok na ako. Naghihintay din naman ako sa proposal niya. I got so jealous when Kuya Joey proposed on her a year ago. They've got married straight away. Nahuli nga lang ang honeymoon ng dalawa dahil sa trabaho ni Ate sa kompanya. Sino naman kasi ang boss niya? Ang sama talaga!
.
Nagkibit balikat na ako at hindi ko na siya pinansin. Kinuha ko na ang damit ko at mabilis lang na pumasok sa banyo. Naalala ko lang si Jasper. Hindi man lang siya tumawag o nag text man lang, dalawang linggo na! The last time he communicated he wanted to see me, but he cancelled it a few times.
.
Bumuntong hininga na ako, at pinaandar na ang shower sa banyo. I took off my clothes and hop in the shower. Ayaw ko munang isipin siya dahil maiinis lang ako sa kanya.
.
Pagkatapos maligo at mabilisan lang akong nag-ayos sa sarili. Naghihintay nadin sa baba si ate. Pagkababa ko tumunog lang din ang cellphone ko.
.
"Hello?"
"Beauty..."
.
Umigting agad ang tainga ko. Kilalang kilala ko kaya ang boses niya. Si Jasper ang nasa kabilang linya. Gumuhit agad ang ngiti sa labi ko. Akala ko tuloy nakalimutan na niya ako. Hindi pa pala...
.
"Boo, I've missed you!" Excited na tugon ko.
"I'm sorry, I need to cancel our date for tomorrow. I have a work priority in hand. Hindi ko naman pwedeng hindian."
.
Nawala lang agad ang ngiti sa labi ko. Ilang beses na ba niyang kinansela ang pagkikita namin sana. Dalawang buwan nadin na hindi ko na siya nakita.
.
"Babawi ako, boo. Promise."
.
Huminga na ako nang malalim. Napangiwi na lang din ako sa sarili. Wala na rin akong magagawa. Importante rin kasi ang trabaho niya.
.
"It's okay, boo. I understand. I will see you whenever you're free okay," ngumiti na lang ako.
"Boo, p-pwede naman siguro tayong magkita next week 'di ba?"
.
It's our second year anniversary next week. Don't tell me he forgot it too? Mga lalaki nga naman oh! Inis na tugon ng isip ko.
.
"I'll see how I go with work, boo. I'll let you know. I have to go now, boo. Hinihintay na nila ako."
"Oh, o-ok--"
.
Hindi pa nga ako nakapagpaalam ng maayos, ay pinatay na agad niya ang tawag sa kabilang linya. He just killed my excitement. Ano ba!
.
"Si Jasper ba?" Si Ate sa likod ko.
Tumango lang ako sabay iwas sa kanya.
"Ano tutuloy ka ba bukas? O sasama ka sa kanya"
"Sasama ako sa'yo," tipid na tugon ko.
.
Kinuha ko na ang bag ko sa gilid at mahinang naglakad palabas ng bahay. May pupuntahan kasi ako ngayon. May kukunin lang ako sa bahay ng kaibigan kong si Ceilo. Alam kong nakasunod lang din si ate sa likod ko. Hindi ko tuloy alam kong buntot ko ba siya. Palagi kasi siyang nakasunod sa akin talaga.
.
"Uuwi agad ako," ngiti ko sa kanya.
"Okay. Mag-ingat ka," kaway niya.
.
.
C.M. LOUDEN