“KUNG hindi ninyo ako mabibigyan ng letchon, pwes! Huwag ninyo akong patayin!” paingos na turan ko, pagkatapos ay muli akong bumalik sa maliit na papag para mahiga.
“Baliw kang babae ka!” anas pa ng lalaki, bago ako iwan.
Hindi na lamang ako nagsalita. Muli kong ipinikit ang aking mga mata para maidlip muna sandali. Ngunit may nang bulahaw na naman sa akin! Naman, ohh! Ang sarap ipatapon sa ibang planeta ng mga taong epal.
Narinig kong binukasan ang pinto ng selda na kinalalagyan ko.
“Kumain ka na, babae. Huwag ka nang mag-inarte, dahil kailangan mong maging malakas para sa laban mo mamayang gabi!” narinig kong singhal ng lalaki sa akin.
Muli kasi itong bumalik para lang sabihin na kumain ako. Mabilis akong bumaling rito, ngunit hindi pa rin akong bumangon mula sa pagkakahiga ko. Nakataas lamang ang aking kilay.
“Kakain lang ako kapag letchon ang ulam ko. Papatayin na nga ninyo ako, tapos ang ipapaulam ninyo pa sa akin ay kalamansi lang at patis! Aba! Ang swerte naman ninyo kung ganoon!” palatak ko sa lalaki.
Nakikita ko sa mukha nito ang inis sa akin. Ngunit wala akong pakialam, dito basta ako pa rin ang masusunod dahil ako ang papatayin nila bukas. Pairap na lamang akong tumalikod dito. Narinig ko rin na umalis na ang lalaki rito sa loob.
Hanggang sa lumipas ang halos limang oras. Kahit papaano ay naka-idlip namana ko. Uminat pa nga ako na tila nasa sarili akong kwarto. Napatingin din ako sa plato at nakita kong may isang pirasong hita ng manok ang nandoon. Aba! Nga naman! Mukha pinalitan nila ang aking ulam, ah?
“Oh! Kumain ka na! Siguro naman ay hindi ka na magrereklamo riyan, babae! Masarap na ang ulam mo!” palatak ng lalaki sa akin na lumapit sa harap ng kulungan ko.
“Wala bang malamig na tubig? Hindi ako sanay kumain ng hindi malamig ang tubig na iinomin ko,” anas ko sa lalaki, tumayo na rin ako para lumapit sa maliit na lamesa na kung na saan naroon ang pagkain ko.
“Huwag ka nang mag-inarte babae, kumain ka na lang!”
Asar na tumingin ako rito. “Kikidnapin ninyo ako? Tapos wala naman pala kayo na ipapalamon sa akin na masarap! Pati tubig hindi rin malamaig! Mga walang kwentang kidnaper!” tuloy-tuloy na litanya ko sa lalaki.
Lalo namang nag-alboroto ang tabas ng mukha nito, ngunit wala akong pakialam. Dahil sasabihin ko kung ano ang nilalaman ng utak ko.
“Hanggang ngayon hindi pa rin ba kumain ang pinsan ni Zach Fuentebella?” Mabilis akong lumingon taong dumating. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang pinuno nila, dahil ito rin ang sumalubong sa akin kanina at tuwang-tuwa dahil nakuha nila ako.
Agad na lumapit ako sa bakal upang makita nang husto ang mukha ng pinuno. Ikiniling ko pa nga ang aking leeg habang nakatingin sa lalaki.
“Ikaw ang nagpakidnap sa akin?” tanong ko rito, kahit alam ko na ang isasagot ng lalaki ay nagtanong pa rin ako sa kanya.
“Oo, ako nga, bakit may problema ba, Fuentebella?” pasinghal na tanong nito sa akin.
“Talagang may problema ako. Gusto mong lamang kung ano iyon? Sige sasabihin ko sa ‘yo--- Kinidnap mo ako, ngunit papakainin mo ako na walang ulam? Tapos ang hindi man lang malamig ang tubig na iinom ko? Tingin mo hindi ako magrereklamo, ha?!” anas ko habang nanlalaki ang butas ng ilong ko.
“Aba’t! Mayabang ka, ah? Kung pataying na lang kaya kita, ano sa tingin mo, Fuentebella?!”
“Eh, ‘di patayin mo, hindi mo ako basta matatakot, dahil alam kong duwag ka? Kasi imbes na si Zach Fuentebella ang kunahin mo, ay ako ang pinagtiyagaan mo? Isa lang ang ibig sabihin noon, duwag ka! Hindi hindi mo kaya ang isang Zach Fuentebella! Wala kang bayag!” walang prenong sabi ko sa lalaki.
“Hayop ka! Sige, palabasin ninyo ang babaeng iyan! Ngayon na natin siya ilalaban sa aking mga alaga!” galit na galit na sigaw ng leader.
Tumaas naman ang kilay ko. Lalo at kitang-kita ko ang pamumula ng mukha ng lalaki. High blood na high blood ito sa akin. Ngunit hindi pa rin ako nagpaawat.
“Ganiyan talaga kapag walang bayag. Walang bayag! Walang bayag!” malakas na sigaw ko pa. At paulit-ulit kong sinabi ang salitang walang BAYAG. Nakitang dali-dali namang lumapit sa akin ang lalaki isinuot nito ang kamay niya sa maliit na butas na bakal upang maabot ako.
Subalit mabilis akong lumayo upang hindi niya ako mahawakan. Ngunit mabilis kong inangat ang aking kamay upang suntukin ang kamao nito. Dahilan upang mapasigaw ito sasakit.
“Hayop kang babae, titiyakin kong mapapatay ka ng aking mga alaga ngayon gabi!” sigaw nito sa akin, bago umalis dito sa harap ng kulungan. Ngumisi lamang ako rito.
Binuksan naman ng tauhan nito ang selda upang palabasin ako. Binigyan din ako nito ng masamang tingin, lalo at nag-iinarte ako kanina rito pagdating sa ulam.
“Buhay ka pa sana hanggang bukas, kung hindi ka nagmayabang, babae!” singhal nito sa akin.
“Hanggang bukas? Bakit papatagalin ninyo pa? Kung papatayin din ninyo ako. Mas maganda na iyong maaga ninyo akong patayin para pagdating ko sa lugar ni San Pedro, eh, mabibigyan ka agad ako ng letchon manok,” baliw na sabi ko sa lalaki.
“Baliw ka nga at mukhang mas malala ka pa kaysa kay Zach Fuentebella!” galita na sabi nito sa akin. Mahigpit na akong hinawakan nito upang dalhin sa labas.
Pagdating sa labas ng lumang building ay naglakad pa kami. Hanggang sa matanaw ko ang isang malaking pinaglalabanan. At mas malaki pa ito sa boxing ring.
“Sino kaya ang magiging kalaban ko?” tanong ko sa aking sarili. Ngayon ay hindi na ako magtataka na binuwag ni Zach Fuentebella ang grupong ito at dito sila nagtatago sa liblib na lugar.
Ngunit galit na galit sila sa aking pinsan, kaya lang hindi makaganti kaya ako ang pinag-initan nila. Kung hindi ako nagkakamali ay gagamitin din nila ako upang mapasunod sa Zach.
Sorry na lang sila. Dahil iba si Zach Fuentebella. Hindi ito basta mapapasunod ng kung sino mang nilalang. Hanggang sa mapatingin ako sa pinuno at nakita kong may kausap ito sa cellphone.
“Hindi ako nagbibiro, Mr. Fuentebella, hawak ko ngayon si Aria Fuentebella ang pinsan mo,” narinig kong anas ng pinuno. Hanggang sa i-loudspeaker rin nito ang cellphone.
Dinig na dinig ko ang malakas na tawa ni Zach Fuentebella. Nahilot ko tuloy ang aking noo. Hindi nila basta mapapasunod ang isang Zach Fuentebella, dahil mas mautak pa ito sa dilang mautak.
“Aria, are you there? Can you hear me?” tanong ni Zach sa akin.
“Yes, kuya Zach, nandito ako at naririnig kita. Naiinis lang ako sa mga kumuha sa akin, dahil gusto nila akong pag-ulamin ng patis at kalamansi, ‘di ba oblegasyon nila na ako'y pakainin ng masarap dahil kakatayin na raw nila ako bukas,” tuloy-tuloy na litanya ko sa aking pinsan.
Isang malakas na pagtawa na naman ang pinakawalan ni Zach. Hanggang sa muli itong nagsalita.
“Yes, tama ka pinsan. Kaya huwag kang papayag na mamatay na lang na hindi nila pinapakain ng masarap. May karapatan kang magreklamo dahil basta ka na lang nilang kinuha,” tuloy-tuloy na litanya ng pinsan ko.
“Nag-usap ang dalawang baliw!” galit na sabi ng pinuno. Pagkatapos ay agad na ini-off ang cellphone. Nanlilisik din ang mga mata nito na tumingin sa akin.
“Ipapadala ko na lang ang ulo mo kay Zach Fuentebella. Akala siguro ninyo ay nagbibiro ako!” sigaw ng pinuno. Inutos din nito sa mga tauhan niya nadalhin na ako na kung saan kami maglalaban.
“Ayosin ninyo nang pagkuha ng video upang maraming manood. At nakakatiyak akong maraming manonood sa atin at malaking pera na naman ito!” anas ulit ng pinuno.
Pa-simple ko na lang binuksan ang tracking device na nasa aking tainga upang laman ko ang mga sasabihin ni boss Zach.
“Sa Sta. Lisa ka ba dinala ni Wudos?” bungad na tanong ka agad sa akin ni Zach.
“Yes,” maikling sagot ko at mahina rin any tuno ng boses ko.
“Okay mag-iingat ka, papunta na ako riyan. Talagang hindi ako titigilan ng lalaking iyan. Hindi ko na siya pagbibigyan pa!” galit na sabi ni Zach.
Agad ko ring ini-off ang maliit na tracking device sa aking tainga. Alam mong mamaya-maya lang ay nandito na si Zach. Ngunit kailangan ko munang harapin ang katunggali ko ngayong gabi. Mabuti na lang at may ilaw sa lugar na ito kaya kitang-kita ko ang mga taong nandito.
Bigla naman akong napatingin sa tatlong tao na papasok dito sa kinaroroonan ko. Kumunot ang noo ko dahil parang may mali yata sa kanila. Ibang-iba kasi ang lakad nila para silang mga robot. At may isang tao ang nagpapagalaw sa kanila.
“Sige na, patayin ninyo ang babaeng iyan at huwag ninyong titigilan hangga’t hindi siya nalalagutan ng hininga!” galit na utos ng pinuno.
Hindi ako nagsalita, nakatingin lamang ako sa tatlong kalaban ko. Mayamaya pa’y nakita kong sabay-sabay na silang sumugod sa akin. At mukhang balak nila akong tapusin ka agad. Maliksi namang umangat ang aking katawan papunta sa ere.
Ngunit nakita kong sumunod ang isang lalaki. Kaya naman walang pagdadalawang isip na sinalubong ko ito. Gusto kong malaman kung gaano kalakas ito. Mayamaya pa’y tuluyan nang nagsalpukan ang mga kamao namin.
Agad naman akong lumayo at muling yumapak sa lupa. Kumunot din ang aking noo dahil parang walang epekto rito ang aking ginagawang pag-ataki at parang hindi man lang ito nasaktan.
Maliksi naman akong yumuko ng ulo dahil balak akong sipain ng isa pang kalaban ko. Ngunit mabilis ko ring inangat ang aking kamay upang hawaka ang binti nito. Pagkatapos ay walang pagdadalawang isip ko itong pinaikot-ikot sa ere hanggang sa basta ko na lang bitawan.
Tumalsik ito papunta sa isang puno. Ngunit agad ding tumayo at tila hindi man lang nasaktan. Tama nga ang hinala ko, may mali sa mga katawan nila at may nagpapasunod sa kanila. Hanggang sa bigla akong mapansin kay Mr. Wudos, ang mayabang na pinuno. Nakangisi ito sa akin.
Ngunit bigla akong napaurong dahil may sumapak sa akin. Inis na inis tuloy akong tumingin sa isa kong kalaban na biglang lumapit sa akin. Agad kong pinahid ang dugo na umagos sa aking ulo.
“Aria Fuentebella, magiging kauri ka na rin nila, bukas kaya namnamin mo nang may pakiramdam ka ngayon!” malakas na sigaw ng punino.
Kuyom tuloy ang mga kamao. Pinag-experimentuhan ng mga hayop na ito ang mga katawan ng mga kalaban ko, kaya ganito kilos nila. Parang wala na silang pakiramdam at hindi nila iniinda ang sakit. Mariin ko ulit na ikinuyom ang mga kamao ko.
May mga nangyayari pa lang kababalaghan sa lugar na ito. Muli akong tumingin sa mga lalaking nasa harapan ko. Mga nakatigil sila at mukhang naghihintay ng ipag-uutos sa kanila.
“Sige! Patayin na ninyo ang babaeng iyan! Para may kasama na kayo bukas!” biglang sigaw ni Mr. Wudos. Hanggang sa makita kong sabay-sabay na silang lumapit sa akin. Marahas na lamang akong nagbuntonghininga, hanggang sa makipagsabayan ako sa tatlong kalaban ko.
Maliksi akong umikot habang nakataas ang isang paa ko at walang habas silang pinagsisipa sa mga katawan nila. Yumuko rin ako sabay suot sa ilalim ng isang lalaki lalo at nakakaang ito.
Nagmamadali akong tumayo at tumingin sa tatlong lalaking nakayuko pa rin dahil akala nila ay nandoon pa ako. Muli akong tumingin kay Mr. Wudos. Hanggang sa itaas nito ang kulay itim na parang remote control.
So, hawak pala ni Mr. Wudos ang bagay na nagkokontrol sa tatlong tao. At dahil sa labis na inis ko rito ay mabilis kong kinuha ang maliit na kutsilyong nasa likuran ko. Pagkatapos ay walang sabi-sabing tinarget ko ang hawak nito.
Tamang-tama lang ang ginawa kong pagtarget lalo at itinaas nito ang bagay na iyon at pinakita sa akin.
“Yes!” bulalas ko pa nang tuloy-tuloy na tumusok ang kutsilyo ko sa gitna ng remote control. Kitang-kita ko ring nanlalaki ang mga mata ni Mr. Wudos at gulat na gulat ito sa nangyayari sa bagay na hawak nito.
Mabilis din akong bumaling sa tatlong lalaki na kalaban ko, bigla silang tumigil at tila nawalan ng charge.
“Kunahin ninyo ang babaeng baliw. Dahil ako mismo ang pupugot sa ulo niya!” pasigaw na utos ni Mr. Wudos sa mga tauhan nito. Subalit sabay-sabay kaming napatingin sa isang taxi na sasakyan at tuloy-tuloy itong pumunta sa kinaroroonan ni Mr. Wudos.
“Pinuno, tumabi ka!” sigaw ng mga tauhan nito. Lalo at si Mr. Wudos ang punterya.
“Sino ang taong nakasakay sa loob ng taxi na iyon?” tanong ko sa aking sarili.