BOY T AND T

2111 Words
NGUNIT isang malakas lang na tawa ang pinakawalan ng lalaking halimaw mula sa kabilang linya. Siguro kung kaharap ko ito ay kanina ko pa ito nasapak nang paulit-ulit. Kaya ang ginawa ko ay Agad ko na lang ini-off ang aking cellphone. Hanggang sa muli akong humakbang para lumapit sa cctv room. Dahil gusto kong alamin kung sino ang pumapasok sa loob ng bahay ko. Ngunit gusto kong mapamura nang makita kong wala namang nahagip ang cctv camera na kakaibang nilalang. Mariin ko tuloy ipinikit ang aking mga mata, hanggang sa magdesisyon na ako na umalis dito sa loob ng cctv room. Nawalan na rin ako ng gana na kumain. Kaya hindi na ako bumalik sa hapagkainan. Humiga na lamang ako sa kama. Ngunit hindi ka agad ako nakatulog, ang dami kasing gumugulo sa aking utak. Parang nasa gitna yata ano ng dalawang bato na nag-uumpugan at hindi ako nakaalis-alis. Peste! At isang marahas paghinga ang ginawa ko, tuloy-tuloy ko na ring ipinikit ang aking mga mata at tuluyan na nga akong dinalaw ng antok. KINABUKASAN nagising akong gutom na gutom na. Dali-dali tuloy akong bumaba sa kama para pumunta sa hapagkainan. Ngunit hindi pa ako nakakalapit sa pinto ng kwarto ko ay nakarinig ako nang mga katok sa pinto ng silid ko. Binuksan ko na lang ang pinto para alamin kung sino ang kumakatok. Hanggang sa tumambad sa aking harapan si Manang. “Ms. Aria, nandiyan po ang pinsan mo na si Mr. Zach Fuentebella,” pagbibigay alam nito sa akin. “Sige po, susunod na po ako,” anas ko kay Manang. Tuluyan na rin akong lumabas ng kwarto. Nagtataka rin ako kung bakit nandito si Kuya Zach? Huwag nitong sabihin na may misyon ka agad ako? Eh, katatapos ko lang ng misyon? Nasa hagdan pa lang ako ay natanaw ko na agad ang pinsan ko, may kausap ito sa cellphone. Kaya hindi agad ako nakikita ng lalaki. Paglapat ko rito ay ilang beses muna akong tumikhim. Kaya napalingon sa akin si Kuya Zach. “Boss Zach, naligaw ka yata?” tanong ko sa lalaki. “Idadaan ko lang itong invitation card na pinadala ni Ella para sa ‘yo, kailangan mong pumunta sa binyag ng anak ko, Aria. Saka, mukhang busy ka yata? Dahil madalang ka nang pumunta sa bahay?” tanong ng lalaki sa akin. Alanganin tuloy akong ngumiti sa pinsan ko. “Ano kasi--- kailangan kong magpahinga habang wala pa akong misyon.” “Malapit ka nang magkaroon ng misyon, Aria---” “What? Teka lang muna! Katatapos ko lang naman ng misyon ko kuya Zach, saka, ilang sunod-sunod din ang hinawakan kong kaso!” reklamo ko sa aking pinsan. Nakibit balikat lamang ito sa akin. “Maraming mga dumating mga kaso ngayon at kailangan lutasin ka agad, kaya wala ka nang magagawa pa, Agent Aria.” Ngumisi pa nga sa akin ang pinsan ko bago ito umalis sa aking harapan. Nahilot ko tuloy ang aking noo. Hanggang sa pabagsak akong naupo sa sofa at panay rin ang hilot ko sa akin noo. Dapat pala habang wala pa akong misyon ay mag-enjoy na ako. Ngunit paano ako mag-e-enjoy kong maraming mga salot ang makaharang sa aking daraanan. Isa na roon si Rich Palmar. Pangalawa naman ang tao na panay ang padala sa akin ng mga bagay o kahawig ng ari ng isang lalaki. ANONG tingin nito sa akin, sabik sa ari ng lalaki? Gosh! Dahil iyon ang palaging pinadadala sa akin. Hindi ko rin tiyak kung si Mr. Palmar at si boy t**i ay iisa lamang. Ngayon ay boy t**i na ang tawag ko sa taong panay ang padala sa akin ng mga bagay na kahawig ng ari ng lalaki. “Ms. Aria, may tawag po kayo sa telepono,” pagbibigay alam sa akin ng kasambahay ko. Matamis akong ngumiti rito at nagpasalamat rin ako. Hanggang sa kuhanin ko ang telepono sa gilid ko. “Yes, sino ito?” “Kamusta ka na, baby? Naubos mo ba ang cake?” tanong ng lalaki sa kabilang linya. Medyo nangilabot ang aking balat dahil sa tono ng boses ito. Hindi na lamang ako nagsalita, ngunit agad kong ibinaba ang telepono. “Jose!” pagtawag ko sa aking tauhan, nakita ko rin kasi ito na kausap ng ibang mga tauhan ko. Dali-dali naman itong lumapit sa akin. “Ms. Aria, may ipag-uutos ka ba sa akin?” tanong ng lalaki. “Yes, gusto kong alamin mo kung sino-sino o mga taga saang lugar ang tumatawag sa telepono sa bahay na ito.” “Sige po, Ms. Aria, ako na po ang bahala.” Marahan akong tumango rito hanggang sa tumalikod ako para lumabas ng kabahayan. Ngunit napatingin ako sa security guard ko na nagmamadali na lumapit sa akin. “Ms. Aria--- M---May…” “Manong, ano pong nangyariri sa inyo?’’ tanong ko rito. Lalo at pautal-utal ang pagsasalamat nito. “Ms. Aria, mas mabuti pang sumunod ka na lang po sa akin…” “Sige po,” sagot ko rito at sumunod na nga sa lalak. Napansin kong papalabas kami ng gate. Ano kayang ipapakita sa akin nito? Binuksan na rin nito ang gate, ngunit hindi ito lumabas at hinintay ako na lumapit sa tabi niya. Nang makalapit ako sa kanyang tabi ay ganoon na lamang ang gulat ko nang may isang dipang cake ang nasa harapan ng gate ko. Tapos ang nakakawindang pa ay hugis ari ito ng isang lalaki. Tapos medyo patulis din ang dulo ng cake at may maliit na butas din sa dulo. Tapos ang katawan naman nito ay parang maugat-ugat. Hindi tuloy ako makapagsalita at nakatitig lang sa cake na mukhang ari ng lalaki. Hanggang sa mapatingin ako sa pangalan. Baby Aria Fuentebella. At nakasulat pa talaga ang buong pangalan ko? Parang gusto ko na lang maglaho na parang bula. Peste talaga sa buhay ko si Boy t**i. Nagmamadali naman akong napatingin sa cctv camera rito sa labas ng gate. Lalong nagsalubong ang kilay ko dahil may nakatakip sa cctv room. Kaya alam kong hindi nakita kung sino ang nagbigay ng cake ba mukhang t**i. “Kayo na po ang bahala sa cake na iyan, Manong,” anas ko. At itinuro ko rin ang nakalagay sa cctv. Kahit ang matanda ay nagulat din sa nakita, kaya naman sinabi ko rito ba alisin nito ang nakaharang sa cctv camera. “Ms. Aria, kung hindi ako nagkakamali ay parang lalong lumala ang secret admire mo, ang tindi ng hangin sa loob ng katawan,” natatawang sabi sa akin ng security guard. Matawa na lamang ako. Saka, may tama naman ito, matindi talaga ang tama ni Boy t**i sa katawan niya. Hanggang sa tuloy-tuloy na akong umalis sa harap ni Manong. Muli akong bumalik sa kabahayan para pumunta sa aking kwarto. Dali-dali kong ayos ang aking sarili. At nang alam kong maganda na ako ay muli akong lumabas ng silid ko. Tuloy-tuloy akong lumabas ng gate at nagsimula na akong maglakad papunta sa sakayan ng taxi. Wala kasing dumadaan na taxi sa tapat na gate, baka abutin lang ako ng siyam-siyam sa kakahintay. Saktong paliko ko ay siyang sulpot naman ng isang sasakyan sa harap ko. Napahinto tuloy ako sa paghakbang. Hanggang sa nagbabaan ang mga armadong lalaki at may mga hawak silang baril, sabay tutok sa akin ng mga armas nila. “Aria Fuentebella, sumama ka nang maayos sa amin kung ayaw mong masaktan!” galit na sabi ng isang lalaki. Kumunot naman ang noo. Parang pamilyar ang mukha nila. Mayamaya ay nag-sink in sa utak ko kung sila. Sila rin ang mga lalaking nakalaban namin ni Erza noon malapit sa tapat ng prisento. Aba! Nakalaya na pala sila? Saka, ano bang kailangan nila sa akin? Kaya naman para malaman ko kung anong pakay nila sa akin ay kusang loob akong sumama. Hindi puwede na palagi ko silang iwasan. Sa buong biyahe ay hindi ako natulog, gusto kong alamin kung saan nila ako dadalhin. Sumakay rin kami ng malaking barko. At habang nasa loob kami ng barko ay hindi na ako pinababa ng mga tao na kumuha sa akin. Muling lumipas ang mahabang sandali nang tuluyang dumaong ang malaking barko. “Bossing, nakuha na namin ang pinsan ni Zach Fuentebella. At nandito na kami sa Sta. Lisa,” narinig kong anas ng lalaking driver. Kumunot din ang aking noo nang bangitin si Kuya Zach. Teka, hindi kaya isa sila sa mga kaaway ni Zach? Maraming kabaway ng pinsan ko lalo at ito ang leader ng Secret weapon ng bansa. Tapos pagdating sa mga negosyo ay marami ring ka-away nito. Ngunit bakit pati ako nadamay? Eh, wala naman akong alam sa away nila? Ang role ko lang sa buhay ay lutasin ang mga kasong binibigay sa akin. MARAHAS na lamang akong napahinga. Mayamaya pa’y dumaan kami sa liblib na lugar. Ngunit tinatandaan ko naman ang mga dinadaanan namin. Hindi naglaon ay huminto ang van na sinasakyan ko sa isang lumang building. Agad din akong pinalabas ng van. Bago ako dalhin sa lumang building ay nilagyan mula ako ng tali sa akin pulsuhan. Hanggang sa halos itulak ako papasok sa building. “Siya na ba ang pinsan ni Zach Fuentebella? Ano kayang gagawin ng hayop na Fuentebella na iyon oras na ipadala ko sa kanya ng ulo ng pinsan niya,” anas ng lalaki na biglang sumulpot sa harap namin. Napataas na lamang ang kilay ko sa mga pinagsasabi nito. Mukhang baliw ito? Mas baliw pa yata kay boy t**i. Hanggang sa marinig kong magsalita ulit ang lalaki. “Dalhin muna ninyo sa kulungan. At bago natin tagpasin ang ulo ng babaeng iyan at ilalaban muna natin siya mamaya,” muling utos ng lalaking may saltik ang ulo. AGAD naman nila akong hinila. “Miss, ikaw lang yata ang babae na wala man lang reaction, kahit alam mong pupugutan ka ng ulo bukas ng umaga,” anas ng lalaki. Marahas naman akong tumingin dito. “Ano’ng gusto ninyong gawin ko? Ang magtatalon sa tuwa dahil bukas ay wala na akong ulo?” pelosopong tanong ko sa lalaki. Kitang-kita ko namang parang na high blood yata ito sa akin. Kaya ayon, pa-basta na lang ang ipinasok sa loob ng kulungan. Umikot ang mga mata ko rito. Hindi lang isa, dalawa, tatlo o mas higit pa sa anim na kulungan ang nandito. Maliit lang ang kulungan na nandito at kasya lang ang dalawang tao. Ang mga bakal na nakapalibot sa kulungan na ito ay makakapal at hindi basta-basta masisira. May maliit na papag din ang dito sa aking kulungan, may isang unan at kumot. Agad naman akong lumapit sa papag para maupo. Ngunit pinilit kong alisin ang tali sa aking pulsuhan. At bago matanggal ang tali ay sobrang pula ng pulsuhan ko. Inis na inis tuloy ako. Hanggang sa magdesisyon na akong mahiga sa papag. Kinuha ko rin ang kumot at agad na binalot sa aking buong katawan. “Hoy ikaw! May balak kapang matulog? Kahit alam mong kakatayin ka na bukas?!” narinig kong sigaw ng isang lalaki. Ngunit hindi ako lumingon dito. “Hayaan ninyo na lang ako, mas maganda kung fresh ang awra ng mukha ko habang kinakatay ninyo bukas, baka sakaling ngumiti pa ako bukas. Teka, may alak ba kayo rin? Baka gusto ninyo akong bigyan? Kahit sa huling sandali ng aking buhay ay bigyan ninyo ako alak. Tapos samahan mo na rin ng pulitan,” request ko pa sa lalaki. “Mas mabiliw ka pa yata kay Zach Fuentebella,” narinig kong sabi ng lalaki. Hanggang sa narinig kong humakbang na ito para umalis dito sa harap ng selda ko. Minuto pa lang ang nakakalipas nang muli na namang bumalik ang lalaki. Narinig kong binukasan nito ang maliit na pinto ng selda. “Kumain ka na, Aria Fuentebella. Para may lakas ka para sa laban mo mamayang gabi!” anas ng lalaki sa akin. Mabilis naman akong bumaling dito at nakita kong may ibinigay itong pagkain para sa akin. Bigla naman akong nakaramdam ng gutom lalo ay wala pa akong kain. Ngunit bigla akong napahinto sa pagbangon ko nang makita kong wala akong ulam. Dalawang buo lang na kalamansi at patis ang nandito. Inis tuloy akong tumingin sa lalaki. Parang ang sarap nitong sipain. “Ano ito? Wala bang letchon? Anong tingin ninyo sa akin isang patay gutom? Kung talaga kakatayin ninyo ako bukas, dapat pakainin ninyo ako ng masarap hindi ‘yung ganito? Lalo at oblegasyon ninyo akong pakainin ng masasarap!” tuloy-tuloy na litanya ko, habang nanlilisik ang mga mata ko sa lalaki. "Nagpapatawa ka ba, babae? Walang letchon dito sa bundok!" bulalas ng lalaki sa akin. Natapik ko rin ang aking noo. Ngayon ko naisip na tama ba ang susuma ako sa kanila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD