NASUNDAN ko na lang ng tingin ang taxi na patuloy na lumapit kay Mr. Wudos. Ang lalaking pinuno naman ay biglang tumakbo papalayo dahil hindi ito tinitigilan ng driver ng taxi. Napatingin naman ako sa isang lalaki na balak barilin ang taxi. Kaya naman dali-dali kong kinuha ang hindi kalakihang bato at ubod lakas kong ibinato sa lalaki na balak barilin ang taxi na ngayon ay patuloy pa ring hinahabol si Mr. Wudos. Agad ding akong umalis sa aking kinatatayuan upang salubungin ang ibang kalaban. Walang katakot-takot na tumambling ako papunta sa isang lalaking may hawak na armalite. Mabilis kong hinawakan ang armalite nito. Isang malakas na pagsuntok sa mukha nito ang ginawa ko. Hanggang sa tuluyan kong maagaw sa lalaki ang armalite rito. Ngunit malakas ko muna itong hinampas ng armalite sa