MAGBIGTI KA NA LANG

2111 Words
NAGSALUBONG ang kilay ko nang marinig ko ang malalakas ang hiyawan at tuksuhan ng mga tao sa buong paligid. Hindi ko naman alam kung sino ang tinutukso nila. Ngunit pakiwari ko'y namumula ang aking mukha sa mga sigawan nila. Naman, oh! Bakit parang apektado yata ako? Gosh! Ano bang nangyayari sa akin? Bakit iba ang dating sa akin nang salitang TUKAIN mo na. Ngunit bigla akong natauhan nang maramdaman kong mas inilapit niya ang katawan ko sa katawan niya. Mahigpit ding hinawakan ang dalawang pulsuhan ko, hanggang sa biglang nanlalaki ang mga mata ko dahil may naramdaman ako na unti-unting nabubuhay sa likuran ko. Marahan pa nga nitong ikiniskis ang matigas na bagay na iyon sa aking likuran. Pakiwari ko’y sobrang pula ng aking mukha. Ngunit hindi ito pwede! Kailangan kong nawawala rito. Kaya naman buong lakas kong ginamit ang aking ulo at ubod lakas kong inuntog ang noo nito gamit ang likurang bahagi ng aking ulo. Mabilis naman akong binitawan ng aking katunggali. Ngunit hindi pa rin magkamayaw sa pagsigaw ang mga taong na nonood sa aming laban. “Lord, sayang talaga, eh, pagkakataon mo na sana!” sigaw na naman ng mga lalaki. Nakita kong umiling-iling ang lalaking katunggali ko at mukhang nabitin ito sa paghawak-hawak sa akin. Ngunit wala akong pakialam sa bastos na lalaking ito. Kailangan kong makatama rito upang makuha ko ang pera. Hanggang sa makita kong muli itong naglakad papalapit sa akin, ako naman ay naghanda para sumugod sa lalaki. Agad kong inumang ang aking kamao papalapit sa mukha ng lalaki. Ngunit nakita kong iilag ito. Kaya naman ginamit ko rin ang isang kamay ko para salubong ang ito kung saan lugar iilag. Hanggang sa sapol na sapol ito sa sikmura niya. “Fvcking s**t!” malakas na sigaw ng lalaking kalaban ko. Mabilis din itong lumayo sa akin, habang hawak-hawak ang sikmura nitong nasaktan. Kumunot ang noo ko dahil parang pamilyar ang boses nito. Saan ko ba ito unang narinig? HANGGANG sa napalingon ako sa mga lalaking nagsisigawan na nanonood sa aming laban. Narinig ko rin ang palakpakan nila na tila tuwang-tuwa sa nangyayaring laban namin ng lalaki. “Lord, bumagal ka yata ngayon, ah?!” muling sigaw ng mga lalaki. Lalo pa silang natuwa. Mabilis namang lumingon ang kalaban ko sa mga taong nagsisigawan, hanggang sa biglang na nahimik ang mga ito at mukhang natakot sila sa lalaking kalaban ko. Kaya naman habang hindi pa ito nakahanda ay mabilis kong inangat ang aking paa para sipain ito sa panga, subalit mabilis na gumalaw ang kamay ng lalaki at agad na hinawakan ang aking paa. Nanlalaki tuloy ang mga mata ko habang kapit-kapit ang paa ko. Tumingin ako sa mga mata ng lalaki at nakikita ko roon ang mapang-akit na tingin sa akin. Kaya naman agad kong hinila ang aking paa upang makawala rito. Subalit mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Mayamaya pa’y nanlalaki ang mga mata ko dahil mabilis itong nakalapit sa akin. At agad na hinawakan ang aking beywang, nalipat din ang kamay nito sa aking hita, kaya ang labas ay dikit na dikit kaming dalawa Walang pag-alinlangan na hinawakan ko ito sa batok at ubod lakas kong pinag-umpog ang ulo namin. Kaya muli na naman akong nabitawan ng lalaki. Umikot din ako sabay sipa sa sikmura nito. At isa pang suntok sa panga ng lalaki ang pinagkaloob ko, dahilan para ito’y matumba. Nakita kong hindi na ito bumangon at nakapikit din ang mga mata. Nanlalaki tuloy ang mga mata ko at baka napatay ko ito. Kaya naman dali-dali akong lumapit dito upang alamin kung buhay pa ito. Agad kong inilapit ang aking daliri sa leeg ng lalaki upang alamin kung may pulso pa ba. Hanggang sa naramdaman kong tumitibok pa. Tangka na sana akong tatayo para iwan ang lalaki, subalit may humawak sa aking pulsuhan at mabilis akong hiniga sa tabi nito at agad na pumatong sa ibabaw ko. Mabilis din nitong kinuha ang dalawang pulsuhan ko at mahigpit na hinawakan. Hindi ko alam kung anong balak nito sa akin at basta na lang akong pinatungan. Narinig ko rin ang malalakas na sigawan ng mga nanonood sa amin. Ngunit hindi ako puwedeng magpatalo sa lalaki. Mabilis kong inangat ang aking ulo sabay buka ng bibig ko upang kagatin ng mariin ang balikat ng lalaki. Lumuwag naman ang pagkakahawak nito sa akin. Kaya naman mabilis kong hinila ang pulsuhan ko mula sa pagkakakapit nito. Inangat ko rin nang mabilis ang aking kamao at magkakasunod kong sinuntok ang mukha ng lalaki. Pagkatapos ay ubod lakas kong itinulak ang lalaki upang umalis sa ibabaw ko. Hindi naman ito bumangon at hinayaang bumagsak ang katawan. Dali-dali naman akong tumayo mula paglalahiga ko upang makalayo sa lalaki. “Talo ka na, akin na ang pera ko!’’ anas ko sa lalaki. Hindi ito nagsalita, ngunit may kinuha ito sa bulsa ng pants nito at agad inabot sa aking ang pera, mabilis ko namang kinuha rito ang premyo ko, pagkatapos ay nagmamadali na akong umalis dito sa loob ng boxer ring. “Congratulations, Ms!” narinig ko pang sigaw ng mga lalaking nanood sa laban namin. Kumaway na lamang ako sa kanila, hanggang sa tuloy-tuloy akong lumapit sa aking ducati. May ngiti sa aking labi nang patakbuhin ko ang motor ko. Tuwang-tuwa kasi ako dahil nagkaroon ako ng pera. Paglabas ko ng gate ay agad kong pinatakbo ang motor. Subalit biglang kumunot ang aking noo nang mamataan ko si Erza. Nakaupo ito sa ibabaw ng motor niya. At mukhang ako ang hinihintay nito. Agad naman akong huminto sa tabi ni Erza. Hanggang sa lumingon ito sa akin. “Saan ka ba nagpunta, Aria? Kanina pa kita hinihintay!” palatak nito sa akin at bumaba pa talaga ng motor. “Ikaw ang kanina ko pa hinahanap! Nakipaglaban na nga ako roon sa boxing ring na sinasabi mo!” palatak ko sa aking kaibigan. Sabay iling ng aking ulo. Nakita kong sa liwanag ng ilaw na nagmumula sa poste ng kuryente ay biglang nagsalubong ang mukha ni Erza. “Nakipaglaban ka na sa loob ng boxing ring?!” muling palatak ng babae sa akin. “Yes, ‘di ba ang sabi mo ay kulay blue ba gate at may number sa gate na nakalagay na 9999? Tama ba ako, Erza?” muling tanong ko sa babae. “Teka nga muna, may number 9999? Hindi naman 9999 iyon, Aria!” palak ni Erza, habang panay ang iling ng ulo. “What? Hindi number 9999 ang nakalagay sa harap ng gate? Ano’ng tamang number?” “Number 6666, saka paano naging 9999? Eh, wala naman akong sinabing 9999, eh.” Sabay kuha nito ng cellphone upang ipakita sa akin ang number na pinasa nito. Mabilis naman akong lumapit dito upang tingnan ang pinasa nito sa akin. Dahil ang kita ko talaga ay number 9999 at hindi number 6666. Paano nangyari iyon? “Tingnan mo ito Erza, tama naman ang text ko sa ‘yo, ah,” sabay iling ng ulo. Dali-dali ko namang tiningnan ang number na pinasa nito sa akin. Hanggang sa tuluyan kong makita at halos lumuwa ang aking mga mata na number 6666 nga at hindi number 9999. Teka, sinong naging kalaban ko roon? Ang ibig sabihin ay namali pala ako ng pasok? Ngunit bakit hindi nila ako pinuna? “Number 9999 ang kita ko kanina, ngunit hindi naman ako pinuna ng may-ari ng bahay,” anas ko kay Erza. Malakas namang tumawa ang babae, habang panay ang iling ng ulo. “Kulay blue rin ba ang gate na napasukan mo at number 9999?” tanong sa akin ng babae. “Oo roon ako pumunta, bakit kilala mo ba kung sino ang may-ari ng bahay na pinasok ko?” “Yes, isa lang naman iyon sa mga bahay ni Mr. Rich Palmar, may boxing ring talaga roon---” Napahawak naman ako sa aking motor dahil pakiwari ko’y matutumba ako. s**t! Ano bang mga pinag-gagawa ko? Hindi ko man lang tiningnan ng husto ang address ng bahay na aking pinasok. Nakakahiya ang aking gjnawa. Hanggang sa malakas namang tumawa si Erza at tila tuwang-tuwa sa akin. “Sa sunod kasi basahin mo ng maayos!” bulalas ng babae. Hanggang sa yayain na akong umalis dahil tapos na pala ang boxing. Panay tuloy ang buntonghiningang ko habang nag-driver ako ng motor. Hanggang sa lumiko ako sa kaliwang daan at nagpaalam na rin kay Erza, iba kasi ang daan noon papunta sa bahay niya. Pagkarating sa tapat ng gate ng bahay ko ay agad na may nagbukas nito. Tuloy-tuloy ako pumasok sa loob, hanggang sa pumunta na ako sa garahe. Malalaki ang hakbang ko papasok sa loob ng kabahayan hanggang sa tuluyan na akong pumanhik sa aking kwarto. Isa-isa kong inalis ang aking kasuotan at agad na akong pumunta sa loob ng banyo. Mabilis akong tumapat sa ilalim ng shower mayamaya pa’y bumagsak na ang tubig na nanggagaling sa shower. Tumingala ako habang nakapikit ang aking mga mata at bumabagsak sa mukha ko ang tubig. Subalit bigla kong naimulat ang mga mata ko nang sumingit sa balintataw ko ang mukha ni Rich Palmar. Kaya naman magkakasunod kong pinilig ang aking ulo, habang nanlalaki ang mga mata ko. Ano bang nagyayari sa akin? Bakit pumasok sa utak ko ang lalaking iyon? Kaya naman dali-dali na akong naligo at baka nagugutom lamang ako. Nang matapos maligo at magbihis. Muli naman akong lumabas ng aking kwarto para pumunta sa hapagkainan. Bigla kasing kumulo ang aking tiyan kaya alam kong gutom na ako. Agad kong pinaghain ang aking sarili, tangka na sana akong kakain nang biglang mawalan ng ilaw sa buong bahay. Ngunit hindi ako nagtangka na umalis sa akin puwesto. Alam kong mayamaya lang ay magkakaroon na rin ng ilaw. Subalit kumunot ang aking noo nang marinig ko may papalapit dito sa aking kinaroroonan. Mabilis akong lumingon, kaya lang sobra akong na-shock nang may lumapat sa aking labi, na isang labi rin. Sobrang bilis ng mga pangyayari at talagang hindi ako makahuma ng mga oras na ito. Pakiwari ko’y kumawala sa loob ng aking katawan ng kaluluwa ko. Ngunit ramdam na ramdam ko ang panggigil ng strange hero sa aking labi. Natauhan lamang ako nang biglang nagliwanag ang buong paligid, ngunit wala na ang tao na lumalapa sa aking labi. Mabilis ko tuloy nahawakan ang labi ko at naramdaman kong basa ito at medyo namamaga rin. Teka totoo ba iyon? “Ms. Aria.” Mabilis akong lumingon sa mayordoma na tumawag sa akin. Napansin ko rin ang kamay nito na may hawak-hawak na flashlight. Hindi naman ito nagtagal dito, inalam lang nito kung dumating na ako. Nang tuluyang umalis sa harapan ko ang aking kasambahay ay agad na akong naupo para kumain. Ngunit hindi ko naman ginagalaw ang pagkain ko lalo at laman ng utak ko ang taong humalik sa akin. Bigla rin kasing nawala ang pagkagutom ko. Isang marahas na buntonghiningang na lamang ang pinakawalan ko. Hanggang sa tuluyan akong tumayo para pumunta sa harap ng refrigerator. Subalit gusto kong mapasigaw sa gulat nang makita mo ang nilalaman ng refrigerator. Magkakasunod ko ring kinusot ang aking mga mata. Subalit nandito pa rin ang cake, ang mas malala ay may isang mahabang nakatusok sa ibabaw ng cake at ito’y ka-hugis na ari ng isang lalaki. Nanginginig ang aking kamay na kinuha ko ang cake para ilabas sa loob ng refrigerator. Tinawagan ko rin ang mga kasambahay ko upang itanong kung saan galing ang cake na ito. “Ms. Aria, hindi rin po namin alam kung saan galing ang cake, ngayong lang din namin nakita iyan,” anas ng mga kasambahay ko. Dali-dali tuloy-tuloy akong umalis sa harap nila upang pumunta sa cctv room. Peste naman, oh! Sino bang sira ulo ang nagpapadala sa akin ng mga kung ano-ano. Balak ko na sanang pumunta sa cctv room nang mag-ring ng cellphone ko. Agad akong lumapit sa ibabaw ng center table glass upang kuhanin ang aking cellphone. Nakita kong number lang ang tumatawag sa akin ngunit hindi ako nagdalawang isip na sagotin ito. ”Who is this, huh?” “Aria Fuentebella, nagustuhan mo ba ang regalo ko sa ‘yo?” tanong ng lalaki sa kabilang linya. Kumunot ang aking noo dahil ang tono ng boses ito ay parang nanggagaling sa ilalim ng lupa. “Sino ka ba?!” galit na tanong ko. Ngunit malakas na tumawa ang tao na nasa kabilang linya. Tila isa itong nakakatakot na nilalang na nagmula sa ilalim ng lupa. Naikuyom ko tuloy ang mga kamao ko ng wala sa oras, dahil sa galit sa taong kausap ko mula sa kabilang linya. “Kung wala kang magawa sa buhay mo, magbigti ka na lang sa puno ng kamote!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD