Napatingin ako sa isang lalaki na basta lang nagsalita nang pabulong kay Palmar. “Nagawa namin ang lahat ng mga pinag-uutos mo, lord. At tiyak akong makikita mo na kung sino-sino pa ang hudas sa company mo…” bulong ng lalaki. Bigla ko tuloy naitago ang karayom na aking dala-dala. Mga tauhan pala ito ni Palmar. Kaya pala pagpasok nila rito sa loob ng elevator ay hindi ka agad sila kumilos para umataki sa amin. “Batayan ninyo ang mga galaw ng mga hudas sa aking company. Dahil malapit na ang aking paniningil!” nagalit na sabi ni Rich. “Opo lord. Kami na ang bahala sa kanila,” magalang na sagot ng isang lalaki. Hindi naman nagtagal ang apat na lalaki rito sa loob ng elevator. Nauna silang lumabas upang walang makahalata na magpakilala sila. Nang muling huminto ang elevator ay kami naman