Mariin ko tuloy kinagat ang aking labi. Hanggang sa malalim akong nagbuntonghininga. Tumikhim din ako ng mahina. “Engineer Palmar--- Paano po mag-iiba ang boses ko? Heto pa rin naman po ang boses ko, ang boses ng isang magandang dilag kapag nakatalikod,” anas ko kay Palmar at sana lang ay maniwala ito sa akin. “Rich, ano bang narinig mo na boses niya? Wala naman akong narinig, ah? Pangit pa rin ang boses ng babaeng pangit na iyan,” panglalait sa akin ni Meliet at muli itong lumapit kay Palmar. Bigla tuloy tumaas ang kilay. Hanggang sa ngumisi ako sa babae. “Kahit naman pangit ang aking boses, ang mahalaga ay magaling akong humawak ng microphone, ‘di ba, Engineer Palmar?” Biglang nanlisik ang mga mata ni Meliet. Nagpalipat-lipat din ang tingin nito sa amin ni Palmar. Magsasalita pa sa