MALIKSI akong tumalon pa pupunta sa ere lalo at nakita kong ako ang tatamaan ng kutsilyo. Tumama naman dito ang kutsilyong tinarget ko. Ngunit lumihis lang ito papunta sa aking pwesto. Marahan akong napahinga ng sa puno tumama ang kutsilyo. Mabilis na lang gumalaw ang aking katawan papunta sa lalaking balak na targetin si Engineer. Nakita kong balak nito lapitan ang binata. Habang may hawak na tubo. Kaya naman maliksi akong tumambling papunta sa ere at papalapit sa likuran nito. Pag-apak ng isang paa ko sa lupa at ubod lakas ko namang hinampas ang leeg nito gamit ang aking isang paa. Hinawakan ko rin ito sa batok at basta ko na lang inuntog ang ulo nito sa batong malaki. Mayamaya pa'y dumating na ang mga tauhan ni Engineer. At agad na lumapit dito para alalayan ang binata. “Ms. Ta