Pakiwari ko’y matutumba ako nang makita ko ang itsura ng boxer na hawak ko. Paano ba naman may picture ako habang nakaawang ang aking bibig, tapos nakapikit pa ang mga mata ko, na tila sarap na sarap ako.
Mabilis ko tuloy itinupi ang boxer pagkatapos ay nagmamadali kong itinago at baka makita ng mga kasambahay ko, baka wala na akong mukha na maihaharap sa kanila.
Balak ko na sanang pumunta sa loob ng banyo ng mapatingin ako sa envelope na galing daw sa isang pulis. Dali-dali ko tuloy itong kinuha at agad na binuksan. Wala namang nakalagay kung sino talaga ang nagpapabigay sa akin.
Hanggang sa tuluyan kong binuklat ang envelope at kuhanin ko ang picture na nandito. Subalit halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko ang isang ari ng lalaki ang nandito sa picture. Tila pinagpawisan tuloy ako ng malapot. Ano bang problema ng taong nagpapadala sa akin ng kung ano-ano?
Nahilot ko tuloy ang aking noo. Hanggang sa muli akong napatingin sa envelope dahil may lamang pa ito. Dali-dali ko tuloy kinuha ang isa pang laman ng envelope.
Paghawak ko pa lang ay naramdaman ko agad na mahaba ito ngunit matigas. Kaya naman dali-dali kong kinuha ang matigas na bagay na nasa loob ng envelope. Subalit bigla ko itong na ibato nang makita ko ang itsura ng bagay na aking nakuha.
Nanginginig tuloy ang aking kalamnan. Lintik naman, oh! Sinong abnormal na tao ang nagpadala sa akin ng ganitong bagay? Hanggang sa dahan-dahan akong lumapit bagay na aking binato na itsura ng ari ng isang lalaki.
Mas tinitigan ko ito ng husto, inaalam ko ring ang sukat nito kung ilang pulgada ba ang haba. Hanggang sa bigla akong tumayo at dali-dali akong lumapit sa drawer upang kuhanin ko ang ruler upang sukatin ito.
Nang tuluyan kung makuha ang ruler ay dali-dali akong lumapit sa bagay na katulad ng ari ng isang lalaki. Halos hindi ako makagalaw nang malaman ko kung gaano ito kahaba? Isang buong ruler ba ang ari ng lalaki? Ngunit malabong may ganoon nga kahabang ari ng lalaki. Walang ganoon, ah?
Iiling-iling na lamang ako na muling umalis sa harap ng bagay na ari ng lalaki. Itinago ko ang ruler, ngunit kumuha ako ng gwantes at inilagay ko sa aking palad, kumuha rin ako ng plastic bag at dito ko inilagay ang bagay na ito.
Pinagpapawisan tuloy ako habang hawak-hawak ko ang nakakatakot na itsura ng ari ng lalaki. Nang mailagay ko ka agad sa plastic bag ay dali-dali ko itong itinago sa lugar na hindi makikita ng mga kasambahay ko. Hindi ko naman ito puwedeng ilagay sa basurahan at baka makita ng mga kasama ko rito sa bahay.
Nagmamadali akong pumunta sa secret room na narito lang din sa aking kwarto. Agad kong tiningnan ang mga cctv camera na nakapalibot sa loob at labas ng buong bahay ko. Mayamaya pa’y nakita ko ka agad ang mga pulis na pumunta sa aking bahay. Hindi sila pinapasok ng security guard ko. Ngunit kinausap naman sila ng isang Mayordoma ko.
Kumunot ang aking noo dahil walang nakalagay na name plate sa damit nila. So, hindi sila tunay ba pulis. Kuyom tuloy ang aking mga kamao.
Hindi kaya iisang tao lang ang palaging nagpapadala sa aking ng mga chocolate at bulaklak at itong tao na nagpadala sa aking ng kahugis ng ari ng lalaki. Kung titingnan ay iisa lang sila.
Naku! Malaman ko lang kung sino kang tinamaan ka ng magaling! Ububugsok talaga kita sa putikan! Tapos may isa pa akong problema itong si Mr. Rich Palmar. Bakit ba sa tuwing nalalasing ako ay sa mga kamay niya ako napupunta? Kaya ang labas ay nagniniig kami.
Hanggang sa biglang nanlaki ang mga mata ko. Teka, hindi kaya iisa lang si Mr. Rich Palmar at ang taong nagpapadala ng kung ano-ano sa akin? Iyon ang dapat kong alamin.
Kaya naman dali-dali akong lumabas ng silid upang kunahin ang aking laptop. Agad akong naghanap ng mga impormasyon tungkol sa lalaki.
Nagtataka rin ako. Bakit kaya pag-aaksayahan ako ng panahon ng lalaking iyon? Ang gwapo nito? Tapos batang-bata pa. Ikumpara sa akin na 28 years old. Napailing-iling na lamang ako. At ang una kong inalam ay kung ilang tao na talaga ito.
Marahas na lamang akong napahinga nang malaman ko kung ilang taon na ang lalaki. At ito’y 25 years old pa lang. Jusmiyo marimar. Parang bunsong katapid ko lamang ito. Bigla tuloy akong nahiya sa aking sarili.
Muli pa sana akong maghahanap ng mga impormasyon tungkol sa lalaki nang mag-ring ang cellphone ko. Dali-dali ko itong kinuha at doon ko nakitang si Erza ang tumatawag sa akin.
“Bakit po?” bungad ko agad sa babae.
“Ano’ng bakit? Di ba may usapan tayo? Nakalimutan mo na ka agad, Aria?!” palatak ng babae mula kabilang linya.
Bigla ko tuloy napatik ang aking noon. Oo nga pala may usapan kami ni Erza.
“Pupunta na ako.” Sabay baba ko ng cellphone. Agad kong ini-off ang aking laptop. Pagkatapos ay para akong ipo-ipo sa bilis ng mga galaw ko. Nakakatiyak akong katakot-takot na sermon ang aking aabutin sa babaeng iyon.
Ilang minuto pa ang lumipas. Hanggang sa nagmamadali na akong lumabas ng aking kwarto at nagtatakbo pababa ng hagdan. Halos magtatalon ako makalapit lang sa ducati ko. Mabilis akong sumakay rito at matulin kong pinatakbo ang motor.
Lumipas ang halos isang oras ay tuluyan na akong nakarating sa kulay Blue na gate. Ito ang sabi sa akin ni Erza. Same naman ng number. 9999. Kaya naman tuloy tuloy na akong pumasok sa loob, saka bukas naman ang gate at wala ring tanong-tanong ang security guard.
Agad kong hininto ang motor sa tapat ng malaking bahay? Teka, akala ko ba ay lumang bahay ito? At gate na kulay blue. Kakamot-kamot tuloy ako sa aking ulo. Kaya naman muli kong tiningnan ang address na tinutukoy ni Erza. At number 9999 ang nakalagay sa gate.
Kakamot-kamot na lamang ako sa aking ulo. Hanggang sa maglakad ako papunta sa likod bahay lalo at may narinig akong nagkaka-ingay na parang may naglalaban doon. Mayamaya pa’y tuluyan ko nang nakita ang mga taong nakaka-ingay.
Una kong nakita ang isang malaking boxing ring at may dalawang tao ang naglalaban doon. Dali-dali tuloy akong lumapit upang manood muna lalo at ang ganda ng laban.
Mayamaya ko na hahanapin si Erza. Nandiyan lang iyon sa paligid. Tuloy-tuloy akong lumapit sa tabi ng isang lalaking naka-upo. May suot din itong sombrero. At talagang pumantay pa ako rito.
“Grabe ang ganda ng laban, ah! Mukhang bihasang-bihasa sila sa pakikipaglaban,” tuloy-tuloy na litanya ko sa lalaki.
Subalit walang tugon mula sa lalaki na patuloy lang nanonood.
“Ikaw Mr. Magkano ang pusta mo? Mas bet ko ang nakasuot ng kulay pulang damit---” anas ko sa lalaking katabi ko. Ngunit hindi ako tumingin sa lalaking katabi.
Mayamaya pa’y biglang itinaas ng lalaki ang makapal ng libo-libong pera. Medyo inilayo ko pa nga ang aking mukha dahil muntik nang masagi ang aking labi.
“Magkano iyan, Mr?” tanong ko muli sa lalaki. Napansin ko ring kinuha nito ang shades nito at inilagay sa mga mata. Gusto ko tuloy matawa dahil gabi na, eh, naka-shades pa ito.
Nagulat pa nga ako nang kuhanin ng lalaki ang isang palad ko at ilagay ang perang hawak nito. Dali-dali ko namang binilang ang pera at ito’y nasa 30 thousands peso.
“Ipupusta mo ba ito sa akin?” tanong ko sa lalaki.
Marahan lang tumango ang lalaki. Hanggang sa muli kong ibalik sa palad nito ang pera. At nakipag-deal sa pustahan. Ngunit umikot ang mga mata ko sa paligid upang hanapin muli si Erza. Subalit wala akong makitang bulto ng babae.
Saan na kaya iyon nagpunta? Bakit hindi ko ito mahanap. Kahit anong ikot ng mga mata ko sa buong paligid ay wala pa rin ang babae. Malalim tuloy akong nagbuntonghininga. Dali-dali kong kinuha ang aking cellphone upang tawag sana ang babae. Ngunit lowbat naman ito.
MULI ko na lang itinago ang cellphone ko. Pagkatapos ay pinagpatuloy ko ang panonood. Nagulat pa nga ako sa isang lalaki na lumapit sa akin na may dala-dala itong upuan at agad akong pinaupo.
Walang arte-arte sa katawan ko na naupo ako. Mas inilapit ko pa nga ang upuan ko sa tabi ng lalaki. Wala naman itong angal sa aking ginagawa. Hindi ko naman nakikita ang mukha nito lalo at nakasuot ng sombrero, medyo madilim din sa aming pwesto.
“Mr. Mukhang mananalo ang aking manok at ang galing niya! Paano ba iyan? Akin na ang 30 thousands mo,” natatawang anas ko sa lalaki. Hindi naman nagsalita ang lalaki. Ngunit ito na mismo ang naglagay sa aking kamay ng pera, na agad ko namang kinuha at itinago.
“Yes! Panalo ako!” malakas na sigaw ko. Tumayo pa nga ako at halos magtatalon sa tuwa. Napatingin naman ako sa lalaking lumapit sa katabi ko na lalaki na may suot na sombrero.
Parang may sinasabi ang lalaking kagabi ko sa tao na lumapit dito. Hindi ko naman narinig ang mga pinag-uusapan nila. Hanggang sa muling umalis ang lalaking kabulingan ng taong katabi ko.
Hindi ko na lang sila pinansin. May ngiti sa aking labi na muli anong naupo sa upuan ko. Ngunit muling umikot ang mga mata ko sa buong paligid upang hanapin muli si Erza. Subalit wala talaga ang babae.
Na saan na kaya ang babaeng iyon? Nahilot ko tuloy ang aking noo.
“Ms. Pumili ka na lang ng iinomin mo,” anas sa akin ng lalaking lumapit. Ito lang naman ang lalaking kabulungan ng lalaking katabi ko.
Tiningnan ko ang juice at alak na ibinigay sa akin ng lalaki.
“May mangyayari pa bang laban ngayon gabi?” tanong ko sa lalaking may dala-dalang alak.
“Yes po, Ms. Gusto mo bang lumaban? Dalawang daang libong piso nag premyo,” pagbibigay alam ng lalaki sa akin.
Parang kumislap ka agad sa ganda ang mga ngiti ko nang marinig ko ang tanong nito sa akin. Hanggang sa walang pagdadalawang isip na nag- ‘Oo’ ako.
Sinabi rin ng lalaki na hindi babae ang aking magiging kalaban, kundi isang lalaki. Sinabi ko naman dito na ayos lang sa akin.
May kinuha rin itong sobre at inabot sa akin. Nagtata ako na tumingin sa lalaki.
“Ano ba ito?” tanong ko sa lalaking kaharap ko. At kinuha na ang sobre.
“Pera iyan Miss. Ibabayad sa iyo kapag nanalo ka. Ngunit kapag ikaw ang natalo, ibigay mo agad sa akin ang dalawang daang libong piso para ako na ang bahalang magbigay sa tunay nanalo.
Muling pinagpilitan din nito sa aking ang alak at juice. Ngunit tumangi ako rito at sinabi kong busog ako. Hindi naman ako pinilit ng lalaki. Ngunit bago umalis ay tininong pa nito ang pangalan ko.
“Turikin Moko, ang pangalan ko, Mr.---”
“Sige Ms. Maghanda ka na, dahil ikaw na ang lalaban,” pagbibigay alam ng lalaki sa akin. Marahan na lamang akong tumango rito. Hanggang sa umalis na ito sa aking harapan at hindi na rin pinagpilitan sa akin ang dala-dala nitong alalakt juice.
Napatingin naman ako sa aking katabi nang tumayo ito at walang lingon-lingon man lang sa akin. Kumonot ang noo ko dahil parang pamilyar ito sa akin. Ang tindig at hakbang nito ay parang kilala ko. O mali lang yata ako ng tingin.
“Ang susunod na maglalaban ay sina Ms. Turukin Moko at Mr. P!” anas ng lalaki sa gitna ng ring. Mayamaya pa’y nakita ang isang lalaki. Nakasuot ito ng full face mask at ang nakikita lang ay mga mata.
Walang takot na pumunta ako sa boxing ring. Hanggang sa tuluyan kaming magpantay ng lalaking katunggali ko. Muli akong tumingin sa mga mata nito. Pamilyar talaga ito. Teka nga muna, isipin ko nga muna kong saan ko ba ito nakita.
Ngunit biglang bumalik sa tamang katinoon ang utak ko nang makita kong hahawakan ako ng lalaki sa akin batok at balak sanang idikit sa kanyang katawan.
“Lord, ano iyan, nagmamadali ka naman!” narinig kong sigawan ng mga tao sa paligid. Tila tuwang-tuwa sila, eh, hindi pa naman nagsisimula ang laban.
Iiling-iling na lamang ako. Hanggang sa naghanda na ako sa pag-ataki nito. Mayamaya pa’y nakita kong papalapit ito sa akin. Kaya naman sinalubong ko rin ang lalaki. Napansin kong hindi nakakuyom ang mga kamao nito at wala siyang balak na suntukin ako.
Ngunit wala akong pakialam kung anong balak nito. At nang saktong paglapit niya sa akin ay mabilis na umigkas ang akin kamao papunta sa nguso nito.
Kaya lang mabilis itong nakatambling papunta sa aking likuran. At mahigpit akong hinawakan sa aking beywang. Pati ang dalawang pulsuhan ko ay nakuha rin ng lalaki.
Kasabay nang ginagawa nito ay ang malakas na nagsigawan ang mga tao sa buong paligid.
“Lord, pagkakataon mo iyan? Tukain muna!” narinig kong sigaw ng mga taong nanonood sa amin.