NATAUHAN lamang ako nang magsalita si Engineer Rich Palmar. Ngunit sobrang lapit na ng mukha nito sa aking mukha, kaunting-kaunti na lang ay maglalapat na ang mga labi namin. Kaya amoy na amoy ko ang mabangong hininga ng binatang Engineer. Mabilis tuloy akong lumayo sa lalaki. Gosh! Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. Pumasok din sa utak ko ang ginawa ko noong nakaraang gabi na basta na lang akong pumasok sa bakuran nito na walang pahintulot ng lalaki. Hindi ko tiyak kong nakita ba ako ng lalaki habang nakikipaglaban laban sa tauhan nito. Parang gusto ko na lang maghukay rito sa ultimong tapat ko para ibaon ang aking sarili. Dahil nilalamon na ako ng hiya. Ang pinakamatindi pa ay may nangyari sa amin at dalawang beses pa iyon. Malabong hindi ako nakilala nito? Tumakbo na lang kay