Nahilot ko tuloy ang aking noo. Hanggang sa walang paalam na umalis ako sa harap ni Mr. Callon. Mas mabuti pa siguro kong umuwi na lamang ako. Kaya naman paglabas ng kabahayan ay agad kong hinanap si Erza para magpaalam dito. Ngunit bago ako payagan na umalis ay pinainom muna ako ng alak ni Erza. Hindi ko naman ito matanghigan lalo at hindi ako nito papaalisin. Nang tuluyan kong maubos ang laman ng baso na may alak ay nagmamadali na akong umalis sa bahay ni kuya Zach. Bahala na si Erza na magpaliwag sa boss namin na umalis na ako. Magkakasunod ko na lang pinilig ang aking ulo. Dahil pakiramdam ko'y may dalang kamalasan ang taong iyon o si Boy t**i. Simula kasi nang magparamdam ito sa akin ay parang nagsunod-sunod na ang aking kamalasan, ang isa sa pinakamalala ay ang magkipagniig ako