“Ang aga ko pa lang nagising. Akala ko'y alas-singko na. Kanina pa ako gising,” anas nito sa akin. Muli ko na namang kinagat ang ibabang lalabi ko. Lagot talaga ako nito oras na malaman ni Palmar na 7 am na. At hindi alas-singko ng umaga. “Ikuha mo na lang ako ng makakainin ko, u***g. Dahil nagugutom na ako,” utos sa akin ng lalaki. “S-Sige po, Engineer---” Dali-dali naman akong lumabas ng kwarto ng lalaki. Pagdating sa kusina ay mabilis kong hinanda ang pagkain ni Engineer. “Hayop ka talaga! Dahil sa ‘yo binugbog ako ni Hugo!” Mabilis tuloy akong napalingon sa babaeng biglang sumulpot sa aking likuran. Hindi ko alam kong mamatawa ba ako o maaawa sa lagay nito. Paano ba naman kalat-kalat ang eyeliner nito sa ilalim ng mata. Gulo-gulo rin ang buhok ng babae at may black eye sa kabi