"Welcome back, anak!" masayang pagsalubong ng mga magulang ni Damon sa kanya sa airport. Kinulong siya ng mga ito sa mahigpit na yakap na sinuklian niya nang mas mahigpit na yakap dahil sobrang na-miss niya ang mga magulang.
"Na-miss ko kayo, Mom, Dad," wika ni Damon matapos ang mahigpit nilang yakapan.
"Na-miss ka rin namin, our Little Damon," wika ng ina na ikinasimangot ni Damon. Little Damon ang tawag sa kanya ng kanyang Mom noong bata pa siya.
"I'm not your Little Damon anymore, Mom. Malaki na ako," nakasimangot na reklamo ni Damon na ikinatawa ng mga magulang.
"Nakikita nga namin, anak. Ang bilis talaga ng panahon... malaki na agad ang Little Damon namin noon. Baka naman may itinatago kang babae sa ibang bansa, anak? May girlfriend ka na ba? Sana isinama mo naman dito para personal naming makilala," makulit na pagpapatuloy ng kanyang ina na ikinailing na lang ni Damon. Isa iyon sa na-miss niya sa kanyang ina, ang kakulitan nito.
"Wala, Mom. Alam mo naman na focus ako sa pag-aaral doon. Pag-aaral ang dahilan kaya ako nagtungo sa ibang bansa kaya wala sa plano ko ang humanap doon ng girlfriend," wika niya sa ina.
Yeah, maraming mga magagandang babaeng nakakasalamuha si Damon sa ibang bansa pero wala sa kanila ang nakakuha ng kanyang atensyon. Gusto niyang maramdaman sa isang babae ang kakaibang pakiramdam kapag una niya itong nasilayan katulad ng pakiramdam na ikinuwento ng kanyang Dad sa kanya noong unang beses nitong nasilayan ang kanyang Mom. Ang mabilis na pagkabog ng dibdib, ang pakiramdam na parang ayaw na niyang ialis ang mga mata sa babae at ang pakiramdam na gusto niyang angkinin ang lahat-lahat nito. Unfortunately, sa daming babaeng nakasalamuha niya sa ibang bansa ay hindi niya naramdaman iyon sa kanila.
"Ano ba naman 'yan, anak. Papaano mo kami mabibigyan ng maraming apo kung hanggang ngayon ay wala ka pang kasintahan. Dapat ngayon pa lang ay humanap ka na at kapag nakita mo siya ay huwag mo nang pakawalan. Kung hindi makuha sa panunuyo, daanin mo sa dahas. Mas mainam kung bubuntisin mo agad para wala nang kawala pa, anak," wika ng kanyang Dad na malakas na ikinatawa ni Damon. At mas lumakas pa ang tawa niya nang sumang-ayon ang kanyang Mom sa sinabi ng kanyang Dad.
"Hayaan mo, Dad. Gagawin ko 'yan kapag nakita ko na ang babaeng bibihag sa puso ko," pagsakay ni Damon sa sinabi ng ama na ikinatuwa ng mga magulang.
"May iba ka pa bang gustong puntahan, anak? O diretso na tayo sa bahay natin sa San Antonio?"
"Diretso na tayo sa San Antonio, Dad. Mas gusto ko roon kaysa rito sa lungsod. Gusto ko ring makita si Nana Perla at si Ate Joy. Ilang taon ko na rin po silang hindi nakikita," sagot ni Damon sa ama. Tumango ito at tinulungan siya sa mga gamit na dala niya.
Mas gusto niyang manatili sa San Antonio dahil tahimik at simple lang ang pamumuhay doon. May hotel at restaurants naman doon ang kanyang mga magulang at iyon na lang ang pamamahalaan niya. May negosyo din ang kanyang mga magulang dito sa lungsod at sa iba pang lugar pero mas gusto niyang pamahalaan ang nasa San Antonio. Gusto niya ang tahimik at simpleng pamumuhay doon.
Kumain muna sila bago bumiyahe patungong San Antonio. Ilang oras ang naging biyahe nila at hapon na silang nakarating sa lugar. Pansin niya agad ang maraming nagbago sa lugar sa ilang taong wala siya roon at tila bigla siyang nanibago sa lugar na halos kinalakihan niya. Nakabukas ang bintana ng sasakyan habang binabaybay nila ang daan patungo sa malaking bahay. Mga nagtataasang mga puno ang nakikita niya at ilang bahay na nakatayo sa tabing daan. Mayroon ding mga malawak na taniman at palayan. Malamig pa rin at sobrang sariwa ng hangin dahil iilan pa lang ang sasakyan sa lugar. Ginagamit pa ring sasakyan ng mga tao roon ay ang mga nakasanayan ng mga itong tinatawag na 'kangga' na hinihila ng kalabaw. Ang ilan ay sa kabayo sumasakay. Simpleng pamumuhay na nagustuhan niya sa lugar kaya mas gusto niya ang manatili roon.
Hindi nagtagal ay natanaw niya ang malaking bahay kaya umayos siya ng upo. Nakita niyang nag-aabang sa labas ng bahay si Manang Perla at ang anak nitong si Joy na ikinangiti ni Damon. Sobrang na-miss niya ang mga ito. Si Manang Perla ang nag-alaga sa kanya mula pagkabata at si Joy naman ang tumayo niyang nakatatandang kapatid habang naninilbihan ang mga ito sa pamilya niya sa malaking bahay. Hindi na iba ang turing ng pamilya niya sa mga ito at sobrang lapit ng loob ni Damon sa mag-ina. Ang mga ito rin ang nagsisilbing tagapangalaga ng malaking bahay kapag wala roon ang mga magulang niya dahil madalas ay nasa lungsod ang mga ito.
Paghinto ng sasakyan ay mabilis na bumaba si Damon bago niya sinalubong nang mahigpit na yakap ang mag-ina. "Na-miss ko po kayo, Nana Perla, Ate Joy."
"Na-miss ko rin ang alaga ko. Naku, ang laki-laki mo na. Kung noon ay yumayakap ka lang sa bewang ko dahil maliit ka pero ngayon mas matangkad ka pa sa amin ni Ate Joy mo. At napakaguwapo mong bata. Manang-mana ka sa iyong ama," naluluhang wika ni Manang Perla na malawak na ikinangiti ni Damon.
"Ikaw talaga, Nana. Guwapo na ako noon pa kaya huwag na po kayong magtaka," biro ni Damon sa matanda na umani ng tawa sa mag-ina. "Ikaw, Ate Joy? Kumusta? May asawa ka na po ba?" baling ni Damon kay Joy na malawak ang ngiti habang pinanonood ang kulitan nilang dalawa ni Manang Perla.
"Heto... ayos naman. Walang pagbabago at wala pa ring asawa," natatawang sagot ni Joy sa tanong ni Damon.
"Bakit naman, Ate Joy? Bulag ba ang mga lalaki rito sa San Antonio? Bakit hindi nila makita ang kagandahan mo?"
"Ikaw, Damon, ha. May nalalaman ka ng mga banat na ganyan. Siguro ginagamitan mo nang mabulaklak na salita ang mga babae sa ibang bansa. Ikaw ba ay may kasintahan na roon? O baka naman nagbilang ka ng mga babae roon?" Tinawanan ni Damon ang sinabi ni Joy.
"Wala akong ginamitan ng mga mabulaklak na salita roon, Ate Joy. Wala rin po akong naging kasintahan sa ibang bansa. At lalong wala po akong pinatulang babae sa ibang bansa kahit na pinipilahan nila ang kaguwapuhan ko roon," biro ni Damon kay Joy na ikinatawa nito at napailing na lang sa kalokohan niya.
"Tama na muna ang kulitan ninyong dalawa riyan. Pumasok muna tayo sa bahay at doon natin ituloy ang kuwentuhan. Tamang-tama dahil may nakahandang meryenda sa loob," pagputol ni Manang Perla sa kulitan ng dalawa.
"Mabuti pa nga, Nana. Medyo nagutom po ako sa biyahe at tiyak akong masarap ang inihanda ninyong meryenda. Tara po sa loob," nakangiting pagsang-ayon ni Damon kay Manang Perla bago inakbayan ang mag-ina papasok sa bahay. Nakasunod sa kanila ang kanyang mga magulang na natutuwa sa kulitan nilang tatlo. Mamaya na lang niya babalikan ang mga gamit niya sa sasakyan kapag nakapagpahinga na siya.
"Maupo ka muna at kukunin ko lang sa kusina ang binili kong turon at banana cue kay Phoenix kanina. Tamang-tama, kadadaan lang dito ni Phoenix kaya medyo mainit pa 'yon. Masarap magluto ng mga kakanin at meryenda ang batang iyon. Sayang lang at nakaalis na siya bago kayo dumating kaya hindi kayo nagpang-abot," wika ni Manang Perla nang makapasok sila sa malawak na living room.
"Ako na lang ang kukuha, Nanay," pag-singit ni Joy bago ito nagtungo sa kusina.
"Phoenix? Sino po siya, Nana? Lalaki po?" kunot-noong tanong ni Damon dahil hindi siya pamilyar sa pangalan. Narinig niya ang mahinang pagtawa ng matanda sa huling tanong niya. Madalas din naman siya sa San Antonio noong kabataan niya at halos doon na siya lumaki pero parang wala siyang nakilalang Phoenix ang pangalan.
"Babae siya, hijo. Siya ang katulong namin ni Ate Joy mo sa paglilinis nitong bahay at ang kababata niyang si Marco. Napakasipag ng batang 'yon. Sayang nga lang at wala akong maiabot na tulong sa kanya. Kailangan niya kasi ng medyo malaking halaga ng pera pambayad sa school para makapagtapos. Kaya siya ang kinuha kong makakatulong sa paglilinis dito sa bahay pandagdag sa perang naipon niya sa pagbebenta ng mga niluluto niyang kakanin," kuwento ni Manang Perla at hindi alam ni Damon kung bakit bigla siyang naging interesado sa babaeng nagngangalang Phoenix. He finds her name unique para sa isang babae but he also finds it cool or 'astig'. At gusto niya itong personal na makilala.
"I want to meet her, Nana," wika ni Damon na mahinang ikinatawa ni Manang Perla. Napailing din ito habang may ngiti sa labi.
"Mukhang interesado ka sa kanya, hijo. Huwag muna dahil bata pa siya. At mataas ang pangarap niya sa buhay para sa kanilang mag-ama," may ngiti sa labing wika ni Manang Perla.
"Mag-ama? Wala na po ba siyang ina? Ilang taon na po pala siya?" hindi napigilang tanong ni Damon. Lihim niya ring pinagalitan ang sarili dahil doon. Stop it, Damon! Masyado kang halata!
"Sixteen pa lang siya, hijo. Parang magse-seventeen siya ngayong taon. Namatay ang kanyang ina matapos siyang isilang. Kaya silang mag-ama na lang ang magkasama."
Nalungkot si Damon sa nalaman tungkol kay Phoenix. Marami pa siyang gustong malaman tungkol sa babaeng may unique at astig na pangalan pero pinigilan niya lang ang sariling magtanong. Siya na lang ang aalam ng lahat ng tungkol dito kapag nakaharap na niya ito. May kakaiba siyang naramdaman nang marinig pa lang niya ang kakaiba nitong pangalan at hindi niya alam kung bakit. At mas bata pala ito sa kanya ng limang taon kung ganoon. Puwede na...
"Heto na ang meryenda. Si Nix ang may gawa niyan. Kapag natikman mo ang special turon niya baka hanap-hanapin mo," wika ni Joy na pumutol sa malalim na iniisip ni Damon. May dala itong isang plato na may nakalagay na turon at banana cue.
Kumuha si Damon ng turon at agad na kinagat iyon. Hindi niya maiwasan ang hindi mapapikit nang malasahan niya ang turon. Katamtaman lang ang tamis nito at sigurado siyang hinog na hinog ang saging na ginamit doon dahil sa sobrang lambot nito. At may nalasahan din siyang langka na mas nagpasarap dito. Kaya siguro ito tinawag na special turon dahil may langka itong kasama. Mabango rin iyon na lalong nakatatakam. Sa amoy pa lang mapapabili ka talaga.
"Kumusta sa panlasa mo, Damon? Masarap ba?" tanong ni Joy at hindi magawang magsalita ni Damon dahil puno ang bibig nito. Nag-thumbs up lang siya bago muling kumuha ng turon na ikinatawa ng mag-ina.
"Dahan-dahan, hijo. Huwag kang mag-alala dahil halos araw-araw namang nagluluto si Phoenix ng special turon niya para ibenta. Sasabihan ko na lang siya na laging dumaan dito sa malaking bahay para maibili kita. Tiyak na matutuwa iyon dahil madadagdagan ang suki niya," wika ni Manang Perla na ikinatango lang ni Damon habang patuloy sa pagkain ng turon na sobrang nagustuhan niya.
"Bakit hindi na lang natin siya kuning katulong dito sa bahay? Puwede mo ba siyang papuntahin dito para makausap namin siya, Joy? May edad na rin naman si Manang Perla kaya kailangan natin ng karagdagang katulong dito sa bahay," wika ng ina ni Damon.
"Naku, Tita Divine, tiyak na matutuwa ang batang iyon. Hayaan ninyo po at pag-uwi ko mamaya ay sasabihin ko agad sa kanya," malawak ang ngiting wika ni Joy kay Mrs. Salvador.
Tahimik lang si Damon habang nakikinig sa usapan at pinigilan niya ang mapangiti nang marinig ang sinabi ng kanyang Mom. Ibig sabihin kung magiging katulong nila si Phoenix sa bahay ay araw-araw niya itong makikita at araw-araw din niya itong matitikman este araw-araw niyang matitikman ang luto nito. Mas lalo tuloy siyang nasabik na makilala at makita ang mukha ng babaeng nagngangalang Phoenix na sa unang pagkakataon ay naging interesado siya nang marinig ang astig na pangalan nito.
What's with your unique name, young lady? Bakit ganito na lang ako kasabik na makita at makilala ka? May halo bang gayuma ang iyong special turon? Bakit ang bilis mong makapasok sa aking sistema? Damn! I think you just bewitched me, young lady. And I feel like I am under your damn spell... you little witch.