(Chapter 11)
Nang madala ni Sharmaine, ang anak sa Ospital ay agad niyang tinawagan sina Lanie at Maricris. Agad naman na tumungo ang dalawa sa ospital at doon pinakita ni Sharmaine ang numero na nakaukit sa paa ng anak niya.
Nailing nalang si Lanie at Maricris.
"Ganyang ganyan ang nangyari sa anak ko." Wika ni Maricris.
"Ganyan din nangyari kay Melanie." Wika naman ni Lanie.
"Anong gagawin ko? Mamamatay din ba ang anak ko? Tulungan nyo ko!" Nangangamba na si Sharmaine. Ayaw niyang mawala ang kaisa-isa niyang anak. Mahal na mahal niya ito dahil, hindi na niya kaya pang sundan si Sharmaine dahil tali niya siya at isa pa, wala na siyang asawa. Kamamatay lang nito nung nakaraang dalawang taon.
"Bantayan mo ang anak mo. 'Wag na wag mo siyang iiwan." Wika ni Lanie at saka niya tinapik si sharmaine sa likod.
"Ang putla na ni Shane. Ano ba daw ang sakit niya?" Tanong ni Maricris.
"Ang sabi mataas daw ang lagnat niya." Sagot ni Sharmaine.
"Kaya pala. Hinang hina siya oh. Basta, Sharmaine, 'Wag mong iiwanan ang anak mo. Hindi narin kami mag tatagal at tutungo narin kami sa burol ng anak ni Carmelita."-Si Lanie.
"Sige sige. Uy! Salamat sa pagpunta nyo ah. Paki sabi narin kay Carmelita, Condolence. Saka na ako dadalawa pag okay na ang lahat."
Nang mabalitaan ni Lyndrez ang nangyari kay Caren, ay agad silang gumayak ni Aileen, para dumalaw sa burol nito.
"Ikandado mo ang pinto at baka manakawan tayo." Sambit ni Lyndrez sa anak niyang si Aileen.
Matapos ipadlock ni Aileen, ang pintuan ay lumakad narin sila. Isang tricycle ang dumaan at pinara nila yun. Doon sila sumakay para tumungo sa bahay nila Carmelita.
Habang nakasakay sa tricycle ay napatingin si Lyndrez sa anak.
Napansin naman siya ni Aileen, kaya napatanong siya kung bakit napatitig ito sa kanya.
"Bakit po? May problema po ba?"
"Wala lang. Naisip ko lang kung ano pakiramdam nila Maricris, Lanie, Liezel, at Carmelita, gayong patay na ang mga anak nila."
"Siguro po, masakit ang damdamin nila. Yun pag alis nga lang ni papa dito sa pinas, nakakalungkot na eh, iyak tayo ng iyak nun diba? Yun pa kayang mamatay. Pag namatay, ibig sabihin wala ng balikan. Kaya siguro po akong labis-labis ang pagkalungkot nila."
Sa pagkukwentuhan ng dalawa ay hindi nila namalayan na nasa tapat na sila ng bahay ni Carmelita.
Bumababa na sila at agad na nagbayad sa tricycle driver.
Sa labas ng bahay ni Carmelita ay may kubol na, samantalang sa loob nama'y punong puno ng maraming ilaw at maraming Bulaklak.
Sakto namang nagsabay sabay na pumasok sina Maricris, Lanie at sila Lyndrez sa may gate ng bahay ni Carmelita.
Si Maricris ang unang nakapansin kay Lyndrez
"Lyndrez?" Tawag ni Maricris
"Uy kayo pala! Pupunta din pala kayo." Sagot ni Lyndrez.
"Naku oo. Ang totoo niyan eh, kagagaling lang namin sa ospital. Naisip namin dito na tumuloy at kailangan ng karamay ni Carmelita." -Lanie
"Ospital? Bakit sino ang na-ospital?" Tanong ni Lyndrez.
"Si Shane, anak ni Sharmaine. Naku yung batang yun delikado. May ukit nang number ang paa niya. Ganun ang nangyari sa mga anak namin." Pahayag ni Lanie.
"Anong ibig nyong sabihin?" Nalilitong tanong ni Lyndrez.
"Ang mabuti pa ay pumasok na muna tayo sa loob at doon na tayo magkwentuhan." Aya ni Maricris.
Pagpasok nila sa loob ay sinilip muna nila ang bangkay ni Caren sa Kabaong. Doon ay nakita nilang maitim na ang leeg nito. Dala siguro ng pagkakabigti ng bobwire sa kanya.
"Mabuti naman at nakapunta kayo." Walang ganang wika ni Carmelita. Bakas parin sa mukha nito ang pagkalungkot dahil sa nawalang anak.
"Carmelita, delikado ang anak ni Sharmaine!" Agad na sambit ni Lanie dito. Si Lyndrez, nanatili paring nag iisip at pilit na iniintindi ang sinasabing iyun ni Lanie, kanina pa.
"Bakit? 'Wag mong sabihing naisukat narin ng anak ni Sharmaine ang mahiwagang sapatos?" Agad na sagot ni Carmelita.
"Siguro nga. Kagagaling lang kasi namin sa ospital. Doon nakita naming ang putla putla ni Shane at May ukit narin na number ang paa niya." Kwento ni Maricris.
"Teka-teka, anong sapatos? Saka anong mga ukit sa paa? Hindi ko kayo maintindihan." Naguguluhang wika ni Lyndrez.
Para maliwanagan si Lyndrez ay ikiniwento ni Lanie sa kanya ang lahat lahat ng mga nangyari sa mga anak nila.
Labis lang ang gulat ni Lyndrez sa mga narinig niya.
"Grabe! Anong sapatos ba yun at anong sumpa ang dala nun at namatay ang mga anak nyo? Saka isa pa, sino ang nagpapadala at sino ang may kagagawan nito?" Sunod sunod na tanong ni Lyndrez.
Sa mga narinig din ni Aileen ay kinalibutan siya. Napatingin tuloy siya sa kabaong ni Caren.
"Yan din ang hindi namin alam, Lyndrez. Pero isa lang ang masasabi ko, halimaw siya! Dimonyo ang may gawa nito sa mga anak namin!" Galit na sambit ni Maricris.
"Kaya kung ako sayo, Aileen. H'wag na 'wag kang magsusuot ng kahit anong sapatos." Wika ni Lanie na may halong pagbabanta.
Natakot na talaga si Lyndrez kaya napayakap siya sa anak.
"Nadinig mo ba ang sinabi nila, Aileen. Mag ingat ka sa sapatos nayun!" Seryosong wika ni Lyndrez.
Nang lumalim na ang gabi ay isa isa nang umuwi ang mga dating Classmate ni Carmelita.
"Oo, kuya. Medyo mababa na ang lagnat niya." Sambit ni Sharmaine sa kapatid niyang nasa abroad, na kausap niya sa Phone.
"Mabuti naman. Mag iingat kayo. Alagaan mong mabuti ang anak mo. Sige na, bye!"
"Sige, kuya. Ingat ka din diyan. Bye!"
Matapos mag usap ay pinatay narin niya ang telepono.
Nabaling ang tingin ni Sharmaine sa bukas na Tv. Doon nakita niya ang sikat na sikat na artista na si Neth. Anak ng dati niyang Classmate na si Beth.
"Ang ganda talaga ng boses niya. Idol na idol ko talaga si Neth." Sambit ni Shane. Nagulat si Sharmaine ng gising na pala si Shane. Masigla narin ang boses nito.
"Anak yan ng dati kong highschool classmate."
"Talaga po? 'Di maganda din po ang Mama niya? Ang ganda kasi ni Neth eh."
"Oo, maganda din. Siya nga pangalawang maganda sa campuss namin noon eh."
"Eh, sino po yung unang pinaka maganda?"
Biglang nag iba ang mukha ni Sharmaine. Naalala niya noon ang mga mali nilang nagawa sa taong yun.
"Si Cindy. Ang ganda nun, Sobra! Kaya lang mas sikat siya sa pangalang Cinderella. Yun ang binansag namin sa kanya kasi halos lahat ng lalaki, hinahabol siya. Saka, lahat kami noon naiingit sa kanya, kasi halos lahat ay nasa kanya na. Matalino, maganda, habulin ng lalaki. Kaya nga--" Hindi na natuloy ni Sharmaine ang ikinukwento dahil ayaw na niyang balikan pa ang dating kasalanan na binaon na nila sa limot.
"Bakit po kayo tumigil?" Tanong ni Shane.
"Wala lang. May naalala lang ako. Maiba tayo, ano okay kana? May nararamdaman ka pa bang iba?"
"Medyo nanlalata parin po, pero hindi na gaya nung kanina."
"Mabutu naman. Oh ano? Nagugutom ka naba?"
"Medyo po."
"Sandali at bibili lang ako sa labas ng makakain."
Lumaba si Sharmaine para bumili ng makakain.
Habang nag iintay si shane, ay binaling muna niya ang tingin sa Tv. Doon ay nakita na naman niya ang idol niyang si Neth na kumakanta. May mini concert kasi ito ngayon.
Habang busy sa panonood ay isang mahinang pagbulong ang nadinig niya.
"Ikaw na ang susunod!!"
Nanlaki ang mata ni Shane. Nilingap niya ang buong paligid pero wala naman siyang nakitang ibang tao.
Pero ng lumingon siya sa bintana ng kwarto niya sa ospital, ay halos mangatog nalang ang buo niyang katawan sa nakalutang na babae, ang nandun na nakatitig sa kanya ng masama.
Sa sobrang takot ay isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya.
"Multoooo!!!!!!"