(Chapter 10)
Pag uwi ni Sharmaine sa bahay nila ay agad na niyang sinabi sa anak na 'wag tatanggap ng kahit anong sapatos, kahit kanino.
Nagulat naman siya ng makitang maputla ang anak.
"Teka? May sakit ka ba, Shane?" Tanong niya. Nakita kasi niyang lulugo lugo ito habang naglalakad.
"Ewan ko po, parang ang sakit ng buo kong katawan." Walang ganang sagot ni Shane.
"Bakit ano ba ang mga pinag gagawa mo at sumakit ang katawan mo?"
"Wala naman po. Sige po, mahihiga nalang po muna ako."
Bago pumasok sa kwarto si Shane ay pinagsabihan siya ulit ni Sharmaine.
"Anak Shane, tandaan mo ah? H'wag kang tatanggap ng kahit anong sapatos. Sinasabi ko sayo! Baka matulad ka sa mga anak ng kaklase ko. Mga bata kay aagang namatay, Tsk!"
Tumango nalang si Shane at saka tumuloy sa kanyang kwarto.
Pag-pasok niya sa loob ay saka ito umiyak.
"Mamatay na ba ako? Magagaya ba ako kina Maricar?" Sambit niya habang umiiyak. Napatingin na naman siya sa sugat na may number na nakaukit sa kanyang paa.
Hindi niya sinabi kay Sharmaine, na nakatanggap siya ng sapatos kaninang ala singko ng hapon. Isang babae ang nag abot sa kanya nun. Ang sabi ay nanalo daw sa isang promo si Shane. Tinanggap naman agad niya ang sapatos dahil sa maganda yun. Pag uwi sa bahay ay agad na niyang sinukat iyun.
Pagsuot niya sa sapatos ay para bang nakuryente ang buo niyang katawan. Bigla siyang nanlata at napaupo sa sahig.
Nang akmang huhubarin na niya ang sapatos ay nagulat siya ng mag kasugat ang paa niya. Sugat na number ang nakalagay. 12 sa kanan at 12 din sa kaliwa.
Nakaramdam ng takot si Shane sa sapatos, kaya naman agad niyang ipinatapon yun sa sapa.
Hindi niya ito sinabi kay Sharmaine at tiyak na pagagalitan siya nito pag nalaman.
Umiyak nalang siya ng umiyak sa kwarto niya.
"Napakabilis. Napakabilis mabitag ng mga batang babaeng yan! Hahaha!" Bulong ni Joan sa harap ng salamin sa kanyang kwarto.
Sa isip isip ni Joan ay isa na namang babae ang nalalabi nalang ang oras sa mundo. Isang babaeng malalagi na naman sa alanganin ang buhay. Sa madaling salita ay isang batang babae na naman ang mamamatay.
"Mamayang 12:12 ng gabi, lalaganap na naman ang dugo. Napakagandang pagmasdang ng kulay pula na dugo na tumutulo sa mga tao!" Humalakhak si Joan sa kwarto niya na tila ba'y dimonyong tumatawa.
Hindi makapaniwala si Carmelita na sinasakay na sa sasakyan ng puneralya ang anak niyang si Caren.
Iyak siya ng iyak ng magising ng alas kwatro ng hapon. Nagtaka siya na pagkamulat ng mata niya ay wala sa kwarto niya si Caren. Mabilis siyang lumabas ng kwarto at napasigaw nalang siya ng malakas ng makita niyang walang buhay at duguan ang anak niya na nakabitin sa itaas ng kisame.
Labis labis ang hinagpis ni Carmelita, sa pag kawala ng nag iisang niyang anak. Naniwala na siya kina Maricris at Lanie. Totoo nga. Namatay nga din ang anak niya.
Ngayon malaking palaisipan kay Carmelita, kung bakit isa isa ng namamatay ang mga anak ng mga Kaklase niya.
Sa sobrang pag iisip ay binalitaan na niya ang mga kaibigan sa nangyari sa kanyang anak.
Isa isa niyang minessage ang mga ito. Ilang sandali lang ay isa-isa na itong dumating sa bahay niya.
Halos sabay naman ang pag punta nila Lanie at Maricris.
"Anong nangyari?" Halos sabay na tanong agad ni Lanie at Maricris.
Isang pag iyak ang unang sinagot ni Carmelita.
"Tama kayo. Namatay nga anak ako! Sinong hayop ang gumawa nito sa mga anak natin?! Anong meron sa sapatos nayun at namatay sila!?"
Halos nagulat sina Lanie at Maricris. "Grabe na ito! Sino gumagawa nito?" Naguguluhang tanong ni Lanie.
"Bakit ata puro mga anak natin ang pinapatay? Anong kasalanan ang nagawa nila? May mga kagalit ba sila? Kailangan nating hanapin ang salarin at pagbayaran ang karumaldumal na ginagawa niya!" Seryoso na si Maricris.
Niyakap nalang nila ang umiiyak na si Carmelita. Alam nila ang pakiramdam ng mawala ng anak. Mahirap tanggapin.
Habang nagkukwentuhan ang mag kakaklase na sina Lanie, Carmelita at Maricris ay isang lalaki ang nakamata sa kanila. Ngumingisi ngisi ito habang pinagmamasdan ang namomoblemang magkakaklase.
"Nag uumpisa na pala ang kanyang paghihiganti. Kawawa naman si Carmelita. Ganyang ganyan din ang pag iyak nung ginawan nila ng kasalanan noon, nang mawala ang anak niya. Ngayon, mararamdaman nyo ang nararamdaman niya noon. Kasalanan nyo yan kaya tanggapin nyo!" Sabi ng lalaki sa isip niya.
Tandang tanda pa ng lalaki ang dating ginawa ng mga magkakaklase sa babae nilang Classmate. Napakabrutal ang pang aampi nila sa kanya. Araw araw palagi nilang pinahihirapan ito. Pinapahiya at sinasaktan. Ang hindi pala nila alam ay may lahing mangkukulam ang kinalaban nila.
"Sa ginawa nyong kasalanan noon, mawawalan kayo ng mga anak." Bulong niya at umalis na sa harap ng bahay ni Carmelita. Iiling iling nalang ang lalaki habang papaalis sa lugar nayun.
"Jusko! Ano ba itong nangyayari?" Biglang sabi ni Lyndrez ng mabasa ang text ni Carmelita.
Napatingin naman bigla si Aileen sa ina niyang napa-lakas ang boses.
"Bakit po?" Gulat na tanong ni Aileen.
"Patay na daw si Caren, anak ni Carmelita." Sagot ni Lyndrez.
"Ano?! Bakit po? Ano pong nangyari?!" Napalaki ang mata ni Aileen sa pagtatanong.
"Ang sabi, nakita daw ni Carmelita, na nakabigti gamit ang bobwire sa kisame."
"Naku po! Sino kaya may gawa nun? Nagpakamatay kaya siya nanay?"
"Hindi ko alam. Nakakatakot! Isa isa ng namamatay ang mga anak ng kaklase ko. Wag naman sana nating sapitin ang mga nangyayari sa kanila."
Gaya ni Lyndrez ay nagulat din si Sharmaine, sa natanggap na balita. Lalo na siyang kinabahan sa nangyari.
"Totoo nga ang sinasabi nila Maricris at Lanie. Namatay nga ang anak ni Carmelita. Anong sumpa ang meron sa sapatos nayun at namamatay ang sino mang magsuot. Sisiguraduhin kong hindi maisusuot ng anak ko ang sapatos nayun. Babantayan ko siya."
Dahil sa takot ay gusto niyang makita ang nag iisang anak. Nais niyang siguraduhing ligtas ito, dahil ayaw niyang sapitin ang nangyari sa mga dating kaklase.
Tumungo si Sharmaine sa kwarto ng anak niya. Pag pasok niya sa loob ay nakita niyang mahimbing na natutulog ang anak na si Shane.
Lumapit siya dito. Nagulat siya ng mahawakan niyang mainit ito. Nakita din niyang namumutla na ang labi nito.
"Anak!? Anak?! Okay ka lang? May sakit ka ata!" Tinapik tapik niya ang anak para magising.
"Ma-mamamatay na ata ako!" Mahinang sambit ni Shane.
"H'wag kang magsalita ng ganyan. Sandali at dadalin kita sa ospital."
Lalabas na sana si Lyndrez ng kwarto ni shane, nang masagip bigla ng mata niya ang sugat na number na nakaukit sa paa ng kanya anak.
Naalala niya ang sinabi nila Maricris at Lanie. Doon nalukot na ang mukha niya at nagsisigaw na.
"HINDI!!!!!!!!!"