Chapter 12

1297 Words
(Chapter 12) Habang sumisigaw si Shane ay kusang nag lock ang pinto ng kwarto niya sa Ospital. Tinanggal niya ang mga swerong nakakabit sa katawan niya at dali-dali siyang tumakbo para buksan ang pinto. Pero bigo siya, dahil mahigpit na mahigpit ang lock na tila ba'y may pandikit na nakalagay sa hawakan. "Hindi ka na makatakas! Tignan mo ang number sa paa mo at ang oras sa orasan. Oras mo na. Mamamatay kana!" Nagulat si Shane nang nasa loob na ang nakakatakot na nilalang na kanina'y nasa bintana lang. "Ahhhhhhh!"Napasigaw ulit siya sa takot. Doon ay nakita niya sa malapitan ang inaagnas na mukha ng babae. Matalim ang tingin nito sa kanya. "Paalam, Shane!" Nagulat si Shane ng Unti-unti siyang naglakad ng hindi siya ang nagkokontrol sa sarili niyang katawan. "Ahhhh! Ano ito? Bakit kusa akong naglalakad?" Lalo ng natakot si Shane ng patungo sa bukas na bintana ang kanyang paglalakad. Unti unti na niyang nararamdaman ang malamig na hangin, galing sa bukas na bintana. Dahil doon, lalo na siyang nangatog. "Konti pa. Sige lang. Tuloy mo lang ang paglalakad mo, hanggang sa kamatayan mo!" Nginisian lang siya ng nakakatakot na nilalang. "Maawa ka!" Naiyak na si Shane. "Ganyang ganya din ako noong nagmamakaawa ako. Pero wala. Walang tumulong saakin, kaya ngayon, wala ring tutulong sayo." Napakalapit na ni Shane sa bintana. Ilang hakbang nalang ay makakarating na siya doon. "Ahhhhh! Tulungan nyo ako!!!!!" Sigaw na ng sigaw si Shane. Halos garalgal na ang boses niya sobrang pagsisigaw at sa sobrang pag iiyak. Hindi narin nagtagal ay nasa bintana narin siya. Pilit niyang pinipigilan ang sarili, pero bigo siya. "Ahhhhhh! Tulong!!!!" Ngayon ay nakaupo na siya sa bintana. Halos hinahangin na ang buo niyang katawan. Sa kakasigaw niya ay nagtingin na ang ibang mga tao sa ibaba. Pinag uusapan na siya ng mga tao, na akala ay magpapakamatay siya. Sa oras na ito ay naging mahinahon si Shane." Maawa ka. Ayoko pang mamatay." Biglang nag iba ang mukha ng nakakatakot na babae. "Sa totoo lang, hindi ko gusto itong ginagawa ko. Pero sa tuwing naalala ko ang ginawa nila, ng mga magulang nyo saamin ng anak ko, nanggigil ako! Mga wala silang puso! Sila ang tunay na dimonyo! Kaya Shane, sorry, talagang mamamatay kayo, lahat ng anak nila!" Doon ay malakas na tinulak si Shane ng nakakatakot na nilalang. Halos nag tilian ang lahat ng tao nang nakakita kay Shane, habang nalalaglag siya. Mabilis siyang nalaglag sa simento. Halos sabog ang utak niya sa lakas ng pagkakaumpog sa lapag. Dumanak ang isang damakmak na dugo sa lapag. Mabilis siyang pinalibutan ng maraming tao. Nagtaka naman si Sharmaine ng makitang may nagkumpol na mga tao. Sa pagtataka ay nakipagsiksikan siya sa maraming tao. Pag dating sa bungad ay halos manlaki at kumabog ang dibdib ni Sharmaine. "Jusko Shane, Anak ko!!!" Halos maghihiyaw na si Sharmaine. Kahit malalim na ang gabi ay gising parin ang diwa ni Aileen. Iniisip isip niya kasi ang kwentuhan kanina sa burol ni Caren. Natatakot siya na baka mamatay din siya. "Bakit gising kapa?" Nagulat si Aileen ng biglang magsalita si lyndrez. "Natakot po kasi ako sa mga pinagkwentuhan nila. Ayoko pong mamatay. Marami pa akong pangarap sa buhay." Seryoso si Aileen. Napayakap tuloy si Lyndrez sa kanya. "H'wag kang matakot! Hindi ko hahayaang magaya ka sa kanila. Hinding hindi mo masusuot ang sapatos nayun." Wika ni Lyndrez saka hinigpitan ang yakap sa anak. "Saan ba galing yun? Bakit may ganun? Saka bakit ata sa mga anak ng mga classmate nyo nangyayari yun?" "Hindi nga din namin alam eh. Malaki ngang palaisipan saamin ang nangyayaring iyun." Marami ang tumakbo sa isip nila. Nagyakapan nalang ang mag ina hanggang sa makatulog sila. Kinabukasan, pag gising ni Aileen ay nakaramdam siya ng panlalamig. Pakiramdam niya ay tila nasa loob siya ng refrigerator. Isa pa, pakiramdam din niya ay may nakapasak sa paa niya. Maya-maya ay pumasok na si Lyndrez sa loob ng kwarto. Nagulat siya ng nakita niyang nakabaluktot at nakumot ang anak niya, gayong tirik na tirik naman ang araw. "Anak tanghali na, bumangon ka na diyan." Wika ni Lyndrez at saka niya hinatak ang kumot ni Aileen. Bigla nalang nanlaki ang mata ni Lyndrez nang makita niyang may suot na sapatos ang anak niya. "Aileeennn!!!!" Sigaw niya. Hindi siya pinansin ng anak. Patuloy parin ito sa pangangatog, habang suot suot ang magandang sapatos. "Hubarin mo yan anak!" Biglang hinablot ni Lyndrez ang sapatos na suot ng anak. Nang mahubad ang sapatos ay kapwa niya iyung hinagis sa labas ng bintana ng kwarto nila. "Ayos ka lang ba anak? Bakit mo sinuot yun? Saan galing yun?" Sabay sabay na tanong ni Lyndrez sa anak. "A-ano? Anong suot?" Nanlalatang wika ni Aileen. "Yung sapatos? Bakit mo yun suot? Saka ano yan? Bakit tila nanlalamig ka?" "Wala akong sinusuot na sapatos. Saka ewan ko kung bakit nilalamig ako. Pag gising ko ganto na ako." Sagot ni aileen na yakap yakap ang sarili. Nilibot ng tingin ni Lyndrez ang buong katawan ng anak. Nang mapunta ang mata niya sa paanan ni Aileen ay nagulat siya ng makita niyang may sugat sa paa ang anak niya. "Ano yan? Bakit may sugat ka sa paa?" Tanong ni Lyndrez. Hinawi niya ng direstyo ang dalawang paa at doon nakita niyang numero ang sugat na nakaukit sa paa ng anak. "Jusko Aileeen! Ano ito!? Hindi pwedeng mangyari sayo ito!" "Kamusta ang concert? Napagod kaba?" Bungad na tanong ni Beth ng lumabas sa kwarto ang anak niyang superstar na kagigising lang. "Napuyat at napagod. Pero okay lang po. Ang saya! Ang daming tao at daming nanuod kagabi." Masayang sambit ni Neth. "Im so proud of you, Anak. Sikat na sikat ka na talaga!" Niyakap siya ng mahigpit ni Beth. "Malapit ko nang matupad ang pangarap ko sainyo ni papa na ipagpatayo kayo ng bahay sa New york. Pag natupad ko yun, magpapahinga muna ako ng ilang taon at bubuhos ko muna ang oras ko sainyo ni Papa." "Hindi na ako makapag intay. Sana magtuloy tuloy na ito." Masayang wika ni Beth. "Sige na Mommy, kakain na muna ako ng Breakfast. Kagabi pa po kasi ako hindi kumakain." "I told you na wag magpapagutom. Masama yan baka mag collpase ka. Sige na, tumuloy kana sa kusina at may pinaluto akong Fried rice kay manang." Tumuloy na sa kusina si Neth. Sinundan lang siya ni Beth. Habang kumakain ang anak ay kung ano ano ang napag usapan nila. Hanggang sa biglang nakatanggap ng message si Beth. Kinuha niya ang phone sa bulsa at agad na binasa ang message. "What?! Anak naman ni Carmelita ngayon?!" Sigaw bigla ni Beth na kinagulat ni Neth. "Bakit? Ano po yun?" Tanong ni Neth. "Namatay ang anak ng kaklase kong si Carmelita. Anong nangyayari? Bakit nagkakamatayan ang mga anak ng kaklase ko?" "Ha? Bakit po? May pumapatay po ba sa kanila? Kawawa naman!" Wika ni Neth saka uminom ng mainit na kape. "Hindi ko alam, anak. Naiintriga nadin ako. Mamaya Gagala ako sa burol ni Caren. Aalamin ko kung bakit sunod sunod ang namamatay." Hindi alam ni Beth kung bakit bigla nalang siyang kinabahan. Kaba na tila ba'y may kakaibang nangyayari na hindi niya alam. Lalo pa't sa mga matatalik na kaibigan niya nung highschool nababalitaan ang lahat nang yun. "Mommy, gusto kong bumili ng bagong sapatos. Yun bang sapatos na transparent na parang sapatos ni Cinderella. Malapit na ang haloween party sa ASND Network. Gusto ko, Cinderella ang Costume ko. Kaya naman po pupunta ako sa Mall mamaya." "Ganun ba? Magpasama ka nalang sa Yaya mo. Pupunta ako sa burol ni Caren eh." Ang hindi alam ni Beth at Neth ay may kakaibang nilalang na nakamata sa kanila. "Sisiguraduhin kong sapatos ko ang maisusuot mo sa haloween nayun. Sa gabi ng lagim magaganap ang madugo mong pagkamatay, Miss superstar!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD