(Chapter 09)
Nagulat na naman sina Maricris at Lanie nang isa sa mga Classmate nila ang dumating sa bahay ni Lanie.
"S-sharmaine?" Gulat na sambit ni Maricris. Siya kasi kaagad ang nakakita kay Sharmaine ng pumasok ito sa sunog na bahay ni Lanie.
"Jusko! Tupok na tupok pala ang nangyari sa bahay nyo. Condolence Classmate!" Sambit ni Sharmaine kay Lanie.
"Teka, Kamusta ka naman, Maricris?" Sambit ni Sharmaine.
Binigyan muna ni Maricris ng isang malungkot na mukha si Sharmaine, bago ito sumagot.
"Kamamatay lang din ng anak kong si Maricar at ang totoo niya ay kalilibing lang niya ngayon."
Halos magulat at napayakap nalang si Sharmaine kay Maricris. "Jusko po! Totoo ba yan? Condolence! Sorry Classmate kung di ako nakapunta. Hindi ko kasi alam na namatay din ang anak mo." Hindi nalang sumagot si Maricris sa kanya. Bagkus ay iniba nalang niya ang usapan dahil ayaw niyang umiiyak sa bahay ni Lanie.
"Pero, nag aalala ako sa anak ni Carmelita. Sana hindi totoo yung hinala natin. Pero nagulat din talaga ako ng nangyari din pala sa anak mo ang nangyari kay Maricar. Nagkapagtataka naman yun at ang tanong ko, sino ang nagpapadala ng sapatos nayun?"
"Oo nga, Maricris. Anong meron sa sapatos nayun at namatay ang mga anak natin? Isa lang ang sigurado natin kapag tama ang hinala natin. Kapag nagkatotoo nga na mamatay din ang anak ni Carmelita, mag ingat dapat ang mga kabataang babae sa sapatos nayun."
"Hindi ko magets ang pinag uusapan nyo. Anong ba yun?" Sabat ni Sharmaine.
"Ikaw din, Classmate. Wag na wag kayong tatanggap ng anak mong si Shane ng kahit anong sapatos sa bahay niyo. Binabalaan na namin kita." Sambit ni LAanie na kinatakot naman si Sharmaine.
Pagdating ni Carmelita sa bahay nila ay nadatnan niyang umiiyak at nakatalukbong ng kumot ang anak niyang si Caren.
"Andito na ako, anak. Anong nangyari at umiiyak ka?" Nag-aalalang sambit ni Carmelita sa anak niya.
"May babaeng Multo! May multo dito! Ayoko na dito!" Inalis na ni Caren ang kumot na nakatalukbong sa kanya at agad na siyang yumakap kay Carmelita. Ramdam naman ni Carmelita na nangangatog sa takot ang anak nyang si Caren.
"Anong multo anak?" Nagulat na tanong ni Carmelita.
"May babaeng inaagnas na nagpakita saakin dito kanina. Nakakatakot ang itsura niya. Saka sabi niya, Susunod na daw ako kay Melanie. Mamamatay din po daw ako. Natatakot ako! Ayokong mamatay!"
"Jusko Po! Totoo ba yang sinasabi mo? Wag ka naman ganyan anak! Natatakot narin ako. Wag mo akong iiwan anak. Hindi ko kakayanin kung mawawala ka saakin. Wag kang mag alalala. Hindi ako aalis sa tabi mo."May tubig na lumabas sa mga mata ni Carmelita. Konting konti nalang ay malapit na siyang maniwala sa mga hinala nila Maricris at Lanie. Hinihiling nga lang talaga ni Carmelita na sana mali sila. Sana hindi sapitin ng anak niya ang nangyari sa mga anak ni Lanie at Maricris.
"Saan ka galing ate Joan? Kumain ka na ba?" Tanong bigla ni diana ng makita niyang dumating si Joan sa bahay niya.
"Wala akong gana."
"Pero bakit nakangiti ka? Bakit parang masaya ka?"
"Natatawa kasi ako sa isang kleyente ko kanina. Tuwang tuwa siya ng makita niya ako. Sa sobrang tuwa halos maiyak pa nga."
"Ano ang ibig mong sabihin, ate Joan."
"Bigla akong bumulaga sa harap niya. Ayun takot na takot hahaha!"
"Kumain ka na nga ate Joan. Mukang nalilipasan ka na naman ng gutom."
"Apat nalang."
"Apat nalang ang ano?" Tanong ni Diana.
"Apat nalang ang magsusukat ng sapatos."
"Sold out ba. Marami bang benta?"
"Sold out na sold out! Sa ganda ba naman ng sapatos eh sino ang hindi mabibighani dun."
"Bakit ba kasi ayaw mo akong pagbilan niyan?"
"Makulit kang bata ka! Hindi nga pwede sayo yun! Hindi pwede! Manang mana ka talaga sa nanay mong makulit! Ganyang ganya siya nung nakakasama ko siya noon. Ang kulit kulit!"
Konting-konti nalang malapit na talagang maniwala si Diana na ibang tao ang kaharap niya ngayon. Ibang tao ang kumokontrol sa katawan ng pinsan niyang si Joan.
"Parang awa mo na, ayoko na sa kwarto kong ito. Sa Kwarto nyo na po ako tatabi. Natatakot ako na baka magpakita na naman siya mamaya saakin." Magang-maga na ang mata ni Caren sa kakaiyak. Isa pa, hindi parin nawawala ang pangangatog ng katawan niya sa sobrang takot na nararamdaman.
"Tama na anak. Baka magkasakit ka na niyan sa puso! Wag ka ng mag iisip pa ng kung ano-ano. Kalma kalang. Hindi na aalis si Mama sa tabi mo. Patawarin mo ako kung iniwan kita. "
Kahit saan pumunta si Carmelita ay hila-hila niya parin ang anak niya.
Nanghiram narin siya ng Wheelchair para hindi na siya nahihirapan pang buhatin ang anak kung saan man ito gusto pumunta.
Tumawag narin si Carmelita sa asawa niyang nasa saudi. Sinabi niya ang nanyari kay Caren at sinabi lang nito sa kanya na ipatingin daw sa doctor ang anak.
Habang kumakain si Caren ng prutas na binili ni Carmelita ay nakatitig lang si Carmelita sa kanya.
Iniisip niya, kung paano kaya kung magkatotoo ang sinasabi nila Maricris at Lanie. Iniisip niya na baka mabaliw siya sa kakaiyak at sinisigurado din nyang ganun din ang mangyayari sa asawa niyang nasa saudi.
"Mama, nasan na nga po pala yung sapatos na binili ko?" Tanong bigla ni Caren habang punong-puno ng saging ang bibig nito.
"Tinapon ko na. Malas ang sapatos nayun! MALAS!"
Biglang may nag doorbell sa bahay nila kaya naman iniwan muna saglit ni Carmelita ang anak at tinignan kung sino ang nasa labas. Paglabas niya ay nagulat siya ng walang tao na nandun. Bagkus, nagulat nalang ulit siya ng mapatingin siya sa may ibaba na nandun na naman ang sapatos na itinapon niya kanina sa ilog.
"AHHHHH!!!" Napatili nalang si Carmelita.
Nahihiwagaan na siya sa sapatos nayun. Pati siya natatakot narin.
Habang papauwi sina Sharmaine at Maricris ay Pinag usapan nila ang nangyaring pagkamatay ng anak ng mga anak nila ni Lanie. Halos hindi makapaniwala si Sharmaine sa lahat nang narinig.
"Tapos, bago siya mamatay ay may nagpakita sa kanya ng babaeng duguan. Nagpakita yun sa kwarto niya."
"Talaga? Tapos Nang dahil sa sapatos, nag kaganun sina Maricar at Melanie? Grabe nakakatakot! Ano naman meron sa sapatos nayun? May kapangyarihan ba 'yun? May sumpa kaya? Napakahiwaga!"
"Kaya kung ako sayo, babalaan mo na ang anak mo, na wag tatanggap ng kahit na anong sapatos. Kasi ngayon palang sinasabi ko na sayo, mahirap mawalan ng anak. Nakakabaliw na para bang gusto mo ng sumunod sa kanya. Mahirap Sharmaine, mahirap!"
"Nag iisang anak ko na lang si Shane, kaya naman talagang hindi ko kakayanin kung mawala pa siya saakin. Salamat sa babala, Maricris."
Sa isang kanto ay naghiwalay narin ang dalawa.
Bandang 3pm ng hapon nang kapwang nasa kwarto ni Carmelita sina ni Caren. Natutulog si Carmelita sa kama niya at naglalaptop naman si Caren habang nakaupo ito sa Wheelchair niya.
Nagsearch nang nag search si Caren sa mga tungkol sa mga pagiging lumpo. Hinanap niya yung mga gamot na magpapagaling sa kanya.
Basa lang ng basa si Caren, hanggang sa umabot ng kalahating oras.
Habang nagbabasa ng kung ano anong halamang gamot si Caren, ay biglang may nag notification sa f*******: niya.
Hininto muna niya ang pagbabasa at saglit na pumunta sa f*******:. Nakita niya ang isang message doon at agad naring binasa.
"Caren, oras na para mamatay ka!!" Basa niya dun na agad na kinatakot niya.
Mayamaya ay biglang nagBlack-out. Kasabay ng pagpatay ng mga ilaw ay may biglang may humila sa Wheelchair niya.
Hindi na nakatili si Caren. Nakaramdam nalang siya ng maraming pagtusok sa kanyang leeg. Tila ba may nagpulupot ng bobwire sa Leeg niya.
Biglang umangat ang katawan niya at sa pamamagitan ng nakatali na bobwire sa leeg niya ay isinabit siya mula sa kisame.
Halos mawak-wak ang leeg niya at mangisay-ngisay habang nakabigti sa itaas.
Habang natutulog si Carmelita ay walang kaalam alam ito na halos mamatay at maubusan na ng dugo ang kawaawa-awa niyang anak.
Hindi rin nagtagal ay tumirik na ang mga mata ni Caren at nalagutan na ng hininga.
Habang nakatingin ang nakakatakot na babae sa walang buhay na si Caren ay ngumisi ito ng matalim at saka nagsalita."Apat nalang..."