(Chapter 19)
MATAPOS ang nangyari kay Marie ay napag pasiyahan nilang dalin na ito sa Ospital. Pagdating doon ay laking gulat lang nila ng sabihin ng Doctor na walang makitang sakit dito.
Kaya naman pag uwi nila sa bahay ay minabuti nalang nila na sa Albularyo na pumunta... tutal ay nabanggit naman na nilang mangkukulam ang gumagawa nun sa mga anak nila
Habang nakasakay sila Jeep ay hindi parin nawawala ang paglabas ng maraming pawis sa katawan ni Marie. Tinatanong naman siya ni Rose kung anong pakiramdam nito, pero sinasagot lang siya nito na 'init na init nga daw siya.'
Pagdating sa albularyo na tinuro ng ate ni Rose ay agad agad na nilang sinabi ang karamdaman ni Marie sa matandang babae.
"Sumagot ka, anong nararamdanan mo?" Tanong ni Lola rosing na siyang albularyo.
"I-init na init po ako! Yun lang ang nararamdaman ko.." Nakangiwing sagot ni Marie habang punas naman ng punas si Rose sa mga pawis na lumalabas sa anak niya.
"Lola Rosing, tignan nyo po ang numero na nakaukit sa paa niya. Sigurado po kaming kinukulam ang anak ko," pahayag bigla ni Rose.
Hinawakan ni lola Rosing ang mga sugat ni Marie. Sa pag hawak niya dun ay biglang napalaki ang mga mata nito. May bigla bumulong sa kanya. Bulong ng isang pagbabanta.
"Pasensya na kayo. Hindi ko kayang gamutin ang anak mo! Masyadong malakas ang kumukulam sa kanya. Walang makakatalo sa kanya. Maling tao ang kinalaban nyo."
Sa sinabi ng albularyo ay tila lalong kinabahan si Rose.
"Parang awa mo na lola Rosing, gamutin nyo po ang anak ko, Kahit magkano babayaran ko po kayo," nagmamakaawang wika ni Rose. Desperada na siya sa oras na ito.
"Pasensya ka na talaga, ayokong madamay! Malakas siya! Hindi ko siya kaya!" Nakangiwing sambit ni Lola Rosing.
"Maawa naman po kayo, lola!" Pati sina Lanie, nagmakaawa narin. Pero sadyang ayaw talaga ng matanda.
"Sige na, umalis na kayo. Hindi ko kayang gamutin yan."
Pinagtabuyan sila ng matanda. Wala silang nagawa kundi ang dalin nalang sa ibang manggamot ang bata.
Nakangisi si Cindy habang nakatingin sa tubig. "Kala nyo ba ay ganun ganun nalang ako kalabanin! Kahit kanino at kahit saan nyo dalin yan ay hindi na niya matatakasan ang kamatayan niya!" Galit na wika ni Cindy.
"Tutal po ay nag eenjoy kayo diyan Nanay, Mabuti pa po ay ako nalang ang pupunta sa palengke para mamili ng ating kakainin mamayang hapon. Ayoko po kasi na ginaganun kayo ng mga tao sa labas. Masyado silang makapanumbat sayo. Mga walangya sila!"
"Maraming salamat anak. Sige ito ang pera. Ikaw na ang bahalang mamili. Mag iingat ka."
Kasalukuyang naglalakad si Onyong sa kalsada ng biglang batuhin siya ng bato ng isang batang lalaki.
Napatingin siya dito dahil nasaktan siya.
"Masakit ba?" Tanong ng batang lalaki.
"Oo. Bakit mo ginawa yun?" Tanong naman niya.
"Ganyang ganya din kasakit ang puso ko ng iwan mo ako sa ere. Bakit kuya Renren? Bakit mo kami iniwan ni Mommy?" Nagulat lang si Onyong sa sinabi ng batang lalaki.
"Ano? Anong kuya Renren? Onyong ang pangalan ko. Saka anong iniwan? Hindi nga kita kilala eh!" Galit na sagot ni Onyong.
"Teka, hindi kaba si Kuya Renren? Naku sorry po! Akala ko ikaw ang kapatid ko. Akala ko buhay kapa. Kamukang kamuka mo kasi ang kuya ko," paumanhin na wika ng bata.
"O-okay lang. Sa susunod, h'wag mo ng gagawin yun ah?" Wika ni Onyong at saka na siya tumuloy sa paglalakad.
Naglalakad na siya ng muling sundan siya ng batang lalaki.
"Sandali lang po, Kuya. P-pwede bang papicture kahit isa lang. Kamukang kamuka mo kasi ang kuya ko. Namimiss ko na siya," nagmamakaawang sambit ng bata. Nagulat lang si Onyong. Dahil sa kakulitan at sa parang nakuha na niya ang loob ni Onyong ay pumayag narin ito sa kagustuhan ng bata.
Ganun na nga ang nangyari. Nagkapagpapicture na siya sa bata. Matapos nun ay lalong siyang nagulat ng yakapin pa siya nito.
"Miss na miss na talaga kita kuya. Sorry po kung sainyo ko ito sinasabi. Hayaan nyo nalang po ako,"wika ng bata habang yakap yakap siya.
Nang tumagal ang pagyayakapan ay para bang may kakaibang naramdaman si Onyong. Para bang may lumuksong dugo siyang naramdaman sa bata. Isa pa, nang yakapin siya nito ay para bang ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ng isang pamilya na hindi niya naranasan sa mga kapatid at magulang na nakasama niya simula pagkabata. Puro kasi pangbubugbog at panggugutom ang nararanasan niya doon. Piling niya ay hindi siya kapamilya sa piling nila kaya naman napagsiyahan na niyang lumayos na sa pamilyang yun.
"Sige na bata. Aalis na ako. May pupuntahan pa ako eh," paalam niya sa bata at tuluyan na silang naghiwalay.
Habang lumalakad siya ay nakatingin at pinagmamasdan siya sa malayo ng batang lalaki. Napapangiti nalang si Onyong.
"Anong meron sa mangkukulam nayun at tinanggihan tayo ng maraming albularyo?" Nagtatakang tanong ng ate ni Rose.
"Kaya nga eh. Natatakot na ako! Jusko anong mangyayari sa anak ko?" Nakunot noong wika ni Rose.
"Bakit ba ganito? Anong klaseng tao ba'yung babaeng nakita ko at nagbigay saakin ng sapatos nayun? Siguro siya yung mangkukulam," wika ni Marie habang nakatutok sa kanya ang dalawang naka number 3 na bintilador.
"Anong sabi mo? Binigay sayo ng babae yung sapatos? Anong itsura niya?" Tanong ni Rose.
"Opo. Lumapit siya saakin dahil uhaw na uhaw siya. Dahil sa kagandahang loob daw na pinakita ko ay hayaan ko daw siyang bigyan ako ng regalo at yun na nga yun, ang sapatos. Tapos yung itsura niya nakakatakot! Buhay pa siya pero inaagnas na ang buong balat niya. Nakakatakot yung mukha niya grabe..."kwento niya kila rose.
"Sino yun? Sino ang babaeng inaagnas nayun?" Nagtatakang tanong ni Lanie.
"Grabe na talaga! Sinong dimonyo yun? Litek! tatlo-tatlo na ang nakaburol!" wika ni Lanie habang nag iisip.
"Kaya nga eh! Tapos hanggang ngayon hindi parin natin alam kung sino ang nasa likod ng mga pagpatay na ito at sino nga yang babaeng inaagnas nayan?!" Naiinis na sambit ni Maricris.
"Magkakasakit ata ako nito sa puso. Hanggang ngayon hindi parin ako mapakali! Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa anak ko!" Natatakot na wika ni Rose.
"Gusto mo, dito muna kami?" Alok ni Lanie.
"Kung ayos lang sainyo? Okay lang ba sayo, Maricris?" Tanong ni Rose.
Tumango naman agad si Maricris. Naaawa sila kay Rose. Alam kasi nila ang pakiramdam nito, gayong naranasan na din nila ang mawalan ng anak.
"Maraming maraming salamat sainyo. Mga totoo talaga kayong kaibigan."
Napatingin ulit sila kay Marie ng muli pang magsalita ito.
"At sabi pa nga po nung babae, kaya daw nagkaganun ang katawan niya ay kagagawan daw yun ng mga dati niyang kaklase. Sabi ko pa nga ay bakit hindi niya ipaalam sa mga police. Pero ang sagot niya ay 'wag na daw akong mag alala dahil gumaganti na daw siya," kwento pa ni marie.
Napaisip si Lanie at biglang napalaki ang mga mata.
"Mga dating kaklase? Teka, hindi kaya ang mangkukulam ay si Cindy? Hindi kaya buhay pa siya at naghihiganti na ngayon?"