(Chapter 18)
Sa nalaman ni Liezel ay parang lumambot na ulit ang puso niya kay Joan. Simula kahapon ay parang gusto na niyang yakapin at mag sorry dito, pero hindi niya magawa dahil hindi siya pinapansin ni Joan.
Piling ni Liezel ay malaki ang kasalanan nito sa bata dahil pinagbintangan niyang pinatay nito ang anak niya.
"Diana? Sa tingin mo ba mapapatawad pa ako ni Joan?" Tanong niya bigla sa anak niya.
"Opo. Mabait po si Joan, kaya patatawarin ka nun. Masaya ako na okay na ang pakikitungo mo sa kanya. H'wag po kayong mag alala tutulungan ko kayong makipag ayos sa kanya."
"Salamat anak. Ngayon alam ko ng ang tunay na dahilan. Mali pala talagang pinagbintangan ko siya," mahinahong sambit niya sa anak.
"Ano nga po bang nalaman nyo at naliwanagan na kayo na hindi po talaga siya ang pumatay kay ate Acelle?"
Tumabi si Diana sa sofa kung saan nakaupo ang ina niya.
Tinignan niya ng seryoso ang anak. Sa tinanong niya ay naalala niya ulit tuloy ang lahat ng nalaman niya sa mga dating kaklase. Kinuwento niya kay Diana ang sunod sunod na pagkamatay ng mga anak ng kaklase niya.
"Bakit po? May pumapatay po ba sa kanila?" Gulat na tanong ni Diana.
"Ka text ko sila kanina. Ito nga't may bago na namang namatay. Patay na daw ang anak ni Lyndrez. Ang sabi nila, mangkukulam daw ang may gawa nito."
"Katakot naman!" natatakot na sabi ni Diana.
"At ang matindi dun, sapatos ang ginagamit niyang kasangkapan para pumatay. Sa oras na maisuot mo yun ay magkakasugat at magkakaukit na numero ang paa mo. At yung numero nakaukit sa paa mo ang oras nang magiging kamatayan mo."
"Ganyan po ang nangyari kay Acelle. Matapos po niyang sukatin ang sapatos na nakita namin sa bahay naiyun ay nagkaukit po ng number ang paa niya," nagulat sila Liezel at Diana ng biglang magsalita si Joan.
"Oo, Joan, alam ko na yan. Naniniwala na ako sa sinasabi mo. Patawarin mo ako kung pinagbintangan kita..." tumayo si Liezel at biglang niyakap si Joan.
"Salamat po!" Yun nalang ang nasabi ni Joan. Nagulat siya sa inasta ni Liezel. Hindi siya makapaniwalang ayos na ulit sila.
"Yehey! Bati na sila. Sama naman ako sa group hug nyo..." nakiyakap narin si Diana at masaya silang nagyakapan.
Iyak lang ng iyak si Rose habang wala paring malay ang anak niyang si Marie.
"Ate, tanggalin mo yang sapatos na yan! May kamatayang hatid yan!" Sigaw ni Rose sa ate niya.
Sa sobrang taranta ay sinunod nalang niya ang kapatid.
Nagulat nalang bigla ang kapatid niya sa nakita niya."Ano ito? Bakit nagkasugat ang paa niya!? Saka bakit numero ang umukit!" Gulat na wika ng ate niya.
Napalaki ang mata ni Rose."Hindi! Hindi 'to pwedeng mangyari!" Nagsisigaw na si Rose. Ganyang ganyan kasi ang lahat ng sinabi ng mga kaklase niya.
"Bakit Rose?! Humanahon ka nga! Dalhin na kaya natin siya sa ospital!" Natatarantang sambit nang ate niya.
"Ate hindi pwedeng mamatay ang anak ko. Hindi ito pwedeng mangyari..."halong takot at taranta ang naramdaman ni Rose sa oras na ito.
"Humanahon ka sabi. Hindi mamamatay si marie," sambit ng ate niya at pilit niyang pinapakalma ang kapatid.
"Ate, hindi mo ako naiintindihan! Wala kang alam! Delikado ang anak ko! Kinukulam na siya ngayon... Jusko anong gagawin ko?!"
Halos mayugyog na ang katawan ni Marie sa sobrang yakap at pagwawala ni Rose. Sa isip isip niya ay sana hindi nalang sila umuwi ng pilipinas. Sana ay hindi na nangyari ito.
"Bakit? Anong kinukulam? Ano bang nangyayari? Ano ba ang dapat kong malaman?" Nalilitong tanong ng ate niya.
Bago pa man niya sagutin ang kapatid ay tinawagan na niya si Maricris at Lanie. Mabuti nalang ay nakuha niya ang mga number nito kanina bago siya umuwi. Agad niyang pinapunta ang mga dating kaklase sa bahay niya.
Makaraan ang ilang minuto ay magkasunod ng dumating sina Lanie at Maricris.
"Ano bang nangyar--" napatigil na sa pagtatanong si maricris ng makita niya si Marie. Sa nakita palang niya ay alam na niya ang nangyari.
"My god! Nakapag suot narin siya ng Sapatos? At may numero na ang paa niya. Delikado na siya, Rose!" Nanlalaking matang sambit ni Lanie.
"1:23 ang nakagalay. Kailangan nating maghanda sa oras na yan. Ang oras nayan ang magiging oras ng kamatayan niya!" Sigaw ni Maricris.
"Masasama ang ambin nyo! Anong mamatay!? Hindi mamamatay ang pamangkin ko! Bakit ba pinapunta mo pa ang mga iyan dito! Masasama ang tabas ng dila nila!" Galit na sambit ng ate niya.
"Tumigil ka nga ate! Wala kang alam dito! Hindi mo naiintindihan ang mga nangyayari..."
"Ang sarap nilang tignan habang natataranta!" Masayang wika ni Cindy habang nanunuod sila ni Onyong, sa tubig ng planggana sa mga nangyayari kina Rose ngayon.
Tinignan ni Onyong ang sapatos na pinagsukatan ni Marie. Nasa tapat yun ng apoy kaya naman init na init ang nararamdaman ngayon ni Marie. Kung ano ang nangyayari sa sapatos ay ganun ang mangyayari sa sino mang huling nag suot nun. Ganun ang pangkukulam na ginawa ni Cindy.
"Nanay, saan galing iyang napakaganda nyong sapatos? Muka pong nag iisa lang ang disenyong yang dito sa mundo ah?" Tanong ni Onyong.
"Nag iisa lang talaga yan. Pamana pa yan saakin ng kanino-ninuan ko. Noon paman ay sapatos na talaga ang ginagamit nang mga ninu-ninuan ko sa pangungulam."
"Si lola Arsenia? Bakit po siya namatay?"
"Dahil saakin," maikling sagot ni Cindy. Nagulat naman bigla si Onyong.
"Bakit po. Ano pong ginawa nyo sa kanya?" Nalilitong tanong ni Onyong.
"Dahil halos lahat lahat ng kapangyarihan niya ay isinalin niya saakin. Ginagawa talaga yun kapag tumuntong na kami sa edad 99. Hanggang ganun lang daw ang bilang ng taon ng buhay naming mga mangkukulam sa mundo. Sa oras na maisalin mo na ang lahat ng kapangyarihan mo sa kadugo na papalit sayo ay manghihina kana at mamamatay..." mahabang kwento ni Cindy.
"Ang gara po ng lahi nyo. Pero ganun paman kayo nanay ay hindi po isang dimonyo ang tingin ko sainyo. Ang pagtanggap nyo po saakin sa buhay nyo ay isang napakabuting bagay na natanggap ko sa buhay ko. Nanay, maraming salamat dahil tinaggap nyo ako sa buhay nyo," naiiyak na wika ni Onyong sabay napayakap kay Cindy.
"Hayaan mo, Onyong. Balang araw makakaganti ka rin sa mga nang api sayo. Wala kapa sa tamang edad para mangulam. Pero, Onyong pinapangako ko sayo, hindi kana luluha simula ngayon."
"Opo, Nanay. Maraming salamat po talaga!"
"Walang anuman, Onyong anak ko."
Napatitig si Onyong sa balat at sa mukhang inaagnas ni Cindy. Naawa siya sa itsurang yun ni Cindy.
"Nanay, 'diba makapangyarihan kang mangkukulam?" Tanong bigla ni Onyong.
"Oo, bakit?"
"Hindi nyo po ba kayang ibalik ang dating ganda ng mukha at balat nyo?"
Ngumisi at lalong niyakap ni Cindy si Onyong.
"Plano ko na talaga yan. Malapit na. Babalik na ang dati kong alindog. Tatapusin ko muna ang pagpatay sa mga bata." nakangising wika ni.Cindy.
"Paano po? Paano ang gagawin nyo para bumalik ang ganda nyo?"
Bago sumagot ay tumayo at humarap muna sa salamin si Cindy.
"Sa pamamagitan ng tao. Kailangan ko sila. Kailangan ko ang mga dati kong babaeng kaklase. Tutal ay sila ang dahilan ng pagpangit ko, pwes! sa kanila din ako sisingil ng kagandahan. Sila ang magiging dahilan ng muling pagbalik ng aking kagandahan. Mangyayari naiyan. Malapit na malapit na!"