(Chapter 20)
"Hindi ata gumagala ang mga dati mong kaklase? Ngayon pa naman ang huling gabi ng lamay ng anak mo," wika ng babaeng kamag anak ni Carmelita.
"Pupunta din siguro ang mga 'yun. Saka maaga pa naman,"sagot niya.
"Eh yung anak nga pala ni Lyndrez? Kelan ang libing nun?"
"Baka po sa makalawa. Ang sabi ni Sharmaine, isasabay nadin daw niya ang paglibing kay Aileen, tutal ay wala naman na daw siyang inaantay."
"Grabe talaga nangyari sainyong magkaklase noh? Sino kayang mangkukulam yang tumarabaho sa mga anak nyo?"
Maya-maya ay biglang nag ring ang cellphone niya. Agad naman niyang dinukot ang Cellphone sa bulsa at nakitang si Lanie pala ang tumatawag.
"Oh Lanie, Napatawag ka?"
Bigla nalang napalaki ang mata niya sa sinabi ni Lanie.
"Si Cindy? Siya ang nasa likod ng lahat na ito? Sigurado ka?" Sagot niya kay Lanie.
"Opo, isasabay ko na ang paglibing kay Shane sa anak ni Lyndrez," sambit ni Sharmaine sa tita niya.
"Okay narin yun. Wala naman na tayong iniintay. Maiba tayo, kamusta na nga pala yung anak ni Rose, okay pa ba?"
"Okay pa naman daw. Ayun ngat, init na init. Saka may numero na daw ang paa. Tiyak na gaya ni Shane ay hindi rin yun makakaligtas sa kamatayan niya."
"Nakakatakot talaga yang tumatrabaho sainyo. Sana naman makonsensya na siya lahat ng ginagawa niya. Jusko ilan na ang namamatay!"
Mayamaya ay biglang nagring ang Hawak na Cellphone ni Sharmaine. Nakita niyang si Lanie yun kaya agad narin niyang sinagot.
"Oh Lanie? Napatawag ka?"
Tulad ni Carmelita ay nagulat din si Sharmaine sa mga sinabi ni Lanie.
"Sigurado kayo? Si Cindy ang mangkukulam?" Sambit niya kay Lanie sa kabilang Linya.
Nataranta si Beth sa mga kinuwento ni Lanie ngayon-ngayon lang. Hindi niya inakalang si Cindy pala ang gumagawa nito. Hindi inaakalang buhay pa ang taong akala nila ay napatay na nila.
Akmang aalis na at nakapanlakad na si Neth ng pigilan siya ni Beth.
"H'wag ka na munang tumuloy sa Shooting mo anak. Delikado tayo. Ikaw na ang isusunod pag sakaling namatay na si Marie."
"Ano pong ibig nyong sabihin?" Nagtataka niyang tanong na may halong takot.
"Halika, doon mo malalaman ang lahat. Mas maganda ng sama-sama tayo ng mga dati kong kaklase ng magkaintindihan kami sa mga dapat nating gawin. Delikado ka anak. Ayokong mawala ka sa buhay ko."
"Bakit po ba nangyayari ito? Anong kasalanan nyo at bakit ang mga anak ang pinapatay?" Tanong ni Neth. Nagulat lang si Beth sa tinanong na'yun ng anak niya.
"Sabi ko nga, doon mo malalaman nag lahat-lahat sa bahay nila Rose. Halika na at nandun na siguro sila."
"Saan ka pupunta, Lyndrez? Masamang iniiwanan ang patay, lalo na't gabi na oh!" Sambit sa kanya ng pinsan niya ng akmang palabas na siya ng gate nila.
"Sandali lang ito, Len. Alam na daw kasi ng mga dati kong kaklase kung sino ang gumagawa nito sa mga anak namin. Makikipag usap lang ako saglit sa kanila at uuwi rin maya-maya."
"Ganun ba. Oh sige, mag iingat ka."
Nag aabang na ng tricycle si Lyndrez na madaanan siya ni Sharmaine, na nakasakay na sa kotse. Hinintuan siya nito at pinasakay na sa sasakyan.
Nagsabay na ang dalawa sa pagpunta sa bahay nila Rose.
"Joan, Diana, kayo na muna ang bahala sa bahay ngayong gabi. Kina Rose muna kami matutulog ng mga dati kong kaibigan," sambit ni Liezel habang naghahanda sa mga pagkaing kakainin ng dalawa.
"Bakit po, may reunion po ba kayo?" Tanong ni Diana.
Ang kaninang maaliwalas na mukha ni Joan ay biglang nag iba.
"Ngayong gabi magaganap ang isang palabas na ngayon lang nila masasaksihan..." sambit ni Joan habang nakatutok ang mata sa Tv.
Nagtaka lang si Liezel sa sinabing 'yun ni Joan.
"Anong ibig mong sabihin Joan?" Nagtatakang tanong niya.
"Nagbalik ka na naman sa pagsasalitang ganyan! Okay ka lang ba ate Joan?" Tanong naman ni Diana.
Tumayo si Joan at humarap sa kanila. Binigyan niya ng masamang tingin si Liezel.
"Kasalanan nyo kung bakit nagkaganito ang itsura ko! Kasalanan nyo din kung bakit namatay ang anak ko!"
"Ayos ka lang ba Joan?" Nagtatakang tanong ni Liezel. Si Diana napatitig lang kay Joan.
"Hindi! Hindi ako ayos! Tandaan nyo Liezel! Itong gabing ito ang gabing matatarantan kayo!" Matapos sabihin yun ni Joan ay bigla na itong nabuwal at nawalan na ng malay.
Nagsunod sunod ang dating nila sa bahay nila Rose. Andun na si Carmelita, Sharmaine, Lyndrez at Liezel. Si Beth ang pinakahuli dahil na traffic pa sila sa daan.
Pagpasok ng mag ina sa loob ay napatingin ang lahat sa anak niyang si Neth na artista.
Dahil seryoso ang lahat ay hindi na sila nagpaligoy ligoy pa.
"Ayan, kumpleto na tayo. Oo, totoo ang binalita namin sainyo. Buhay si Cindy at siya ang kumukulam ngayon sa anak ni Rose. Tandaan nyo, lahat tayo namatayan na ng anak. Sina Rose at Beth nalang ang hindi," bungad na sambit ni Lanie.
"Tama. Gumaganti na siya. Siya ang tinutukoy ng mga albularyo na malakas na mangungulam. Ngayon, paano kaya natin haharapin si Cindy? Paano tayo hihingi ng tawad para matapos na ang lahat ng ito..."sambit ni Maricris.
Lahat sila nakikinig lang sa sinasabi nila Lanie at Maricris.
"Hihingi nang tawad? Bakit pa, kung pinatay naman na niya ang mga anak natin?" Galit na wika ni Sharmaine.
"Sharmaine naman! Tulungan mo nalang ako, kami ni Beth. Baka mamatay pa ang mga anak namin. Tuldukan na natin ito..."nagmamakaawang sambit ni Rose habang yakap yakap ang anak niyang nakatitig kay Neth.
Dahil nakita ni Neth na nakatingin sa kanya si Marie ay nilapitan niya ito. Napangiti naman si Marie nang lumapit ito sa kanya.
"Sa wakas nakita narin kita sa personal, idol ko..." Kahit mahina at nanlalata si Marie ay napangiti siya dahil sa nakita niya ang iniidolo niya.
"Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ka? Nasukat mo ba ang sapatos na tinutukoy nila?" Tanong ni Neth kay Marie.
"Oo, kaya ikaw kahit anong mangyari 'wag na 'wag kang magsusuot ng transparent at magandang sapatos na'yun. Malas yun!"Tignan mo nangyari saakin, muka na akong mamamatay. Ang hirap Neth..."
"H'wag kang magsalita ng ganyan. Pakatatag ka, Marie. Gumagawa na sila ng paraan kaya kapit lang," wika ni Neth at pinisil niya ang kamay ni marie.
"Tama si Neth, anak. Gagawa kami ng paraan..." sambit ni Rose sa anak.
Naawa naman si Sharmaine kay Rose at sa anak na si Marie kaya humingi na siya ng tawad kay Rose.
"Pasensya kana Rose, nadala lang ako dahil ang hirap mawalan ng anak. Eh kung ganun, paano na nga ba ang gagawin natin para matapos na ito?" Wika ni Sharmaine.
"Puntahan natin si Cindy sa bahay nila," sambit ni Carmelita.
"Saan? Alam nyo ba?" Tanong ni Lyndrez.
Walang sumagot dahil wala ni isa sa kanila kung saan nakatira si Cindy.
"Nakakatawang tignan na nababaliw na sila kung ano ang dapat nilang gawin. Masaya ako na nahihirapan sila sa ginagawa kong pag ganti."
"Tama lang po sa kanila yan. Grabe ang ginawa nila sainyo ng tunay nyong anak. Sila ang mga tunay na mamamatay tao," galit na wika ni Onyong.
"Iyan, Nakikita mo ba si Neth? Ganyan na dapat kalaki ang anak kong babae. Halos sabay lang kami nung magbuntis kami ni Beth. Kaya naman, tuwing nakikita ko ang mga anak nila ay naiingit ako! Dapat buhay pa siya ngayon. Dapat may anak ako at hindi ako ganitong kapangit! Kaya naman hindi ko sila titigilan, Onyong! Humanda sila! Ngayong gabi, masasaksihan nila kung gaano ako kabagsik!"
"Eh Mukang maraming bantay ngayong gabi si Marie? Paano nyo po siya mapapatay?" Tanong ni Onyong.
"Makapangyarihan ako, Onyong, anak...Kahit ano kaya kong gawin! Kahit marami siyang bantay...wala akong pakelam! Mas maganda nga yun eh, marami akong manunuod. Ito ang unang gabi na masasaksihan nila ang malagim na pagpatay ko. Sisiguraduhin kong lalo silang matataranta sa palabas na gagawin ko."