Chapter 17

1615 Words
(Chapter 17) "So,Totoo ngang mangkukulam ang lahi nila Cindy?" Gulat na tanong ni Lanie. "Oo. Nito ko lang din nalaman. Narinig kong usap usapan sila noon sa palengke. Ang sabi-sabi nila ay pinakamagaling daw na mangkukulam si aling Arsenia. Nagulat panga ko nun ng madinig kong may apo nga daw siyang babae. At si Cindy nanga yun," kwento ni Lyndrez. "Teka, kung magaling nga siyang mangkukulam...paano kung malaman niyang pinatay natin ang apo niya. Paano kung si aling Arsenia ang nangungulam sa mga anak natin?" Naguguluhang mga tanong ni Maricris. "May point si Maricris. Pano nga kung nalaman na ng lola niya na tayo ang pumaslang sa apo niya?" Tanong din ni Lanie. Natahimik si Lyndrez. Naisip niya na baka nga tama ang mga sinasabi ng mga kaibigan niya. Lalo na siyang naguguluhan. Nakagayak na si Rose at handang handa ng tumungo sa bahay nila Carmelita. "Ate, kayo na muna ang bahala kay Marie. Pupunta na muna ako sa burol ng anak ni Carmelita," paalam niya sa kapatid. "Sige, maiingat ka," sagot nito sa kapatid. Tumuloy na palabas ng bahay si Rose. Nang may dumating na tricycle ay pumara siya at doon sumakay. Habang umaandar ang sinasakayan niya ay sari-sari nang hinala ang pumapasok sa kanyang isip. Hinala na ano kayang nangyayari sa mga anak ng mga dati niyang kaklase. Habang nag iisip ay nagulat nalang si Rose ng may napansin siyang babaeng inaagnas ang mukha na nadaanan nila na nakatingin sa kanya. Matalim ang tingin nito sa kanya na tila ba galit sa kanya. Mabilis ang paandar ng tricycle kaya ng lumingon siya kung saan nakita niya ang babae ay nawala na ito bigla. "Nakapagtataka naman na nawala yun bigla..." wika niya sa sarili, habang magkasalubong ang mga kilay niya. Nang makatanaw na siya ng malaking kubol sa kalsada ay bumaba na siya. Inabot niya ang bayad sa tricyle driver at tumuloy na sa tapat ng bahay ni Carmelita. "Mukang may bisita ka, Carmelita," sambit ng isang babae sa loob ng bahay nila Carmelita. "Teka, ikaw ba yan Rose?" Gulat na sambit ni Carmelita. "My god! Carmelita, kamusta? Nakikiramay ako sa pagkamatay ng anak mo." Nagyakapan ang dalawa. Kitang kita sa mga mukha ng dalawa ang pagkamiss sa isat-isa. "Maraming kang dapat malaman," bungad na wika ni Carmelita. Tulad ni Beth ay sinalaysay niya isa-isa kay Rose ang mga pangyayaring naganap ng wala si Rose. Tulad din nila Beth ay gulat na gulat at takot na takot din si Rose. "Jusko! anak mo, anak ni Liezel, anak ni Maricris, anak ni Lanie, anak ni Sharmaine at anak ni Lyndrez namatay sa iisang buwan? Anong kababalaghang nangyayaring ito?" Nakangiwing wika ni Rose. Bakas sa mukha niya ang biglang pagkatakot. Kitang kita din ni Carmelita kung paano tumayo ang mga balahibo ni Rose habang nagkukwento siya. "Nagtext saakin si Sharmaine kanina. May nag papunta siya ng albularyo sa kanila kahapon. Ang sabi nito ay mangkukulam ang may gawa nito sa mga anak namin." "Sino? Sinong mangkukulam yun?" "Ang hinala namin ay isa sa mga dati nating Classmate ang mangkukulam," nagulat ang dalawa sa biglang pagsulpot ni Maricris. "Maricris?" Wika ni Rose. "Long time no see, Rose. Ano nagulat ka din ba sa mga nabalitaan mo? Mag ingat ka! Ingatan mo ang anak mo! Sa section natin noong highschool tumatakbo ang pagpatay sa mga anak namin. Sinusunod sunod na niya ang mga anak namin. Dimonyo talaga ang sino mang mangkukulam nayun. Mag ingat kayo sa magandang sapatos. Yun ang kasangkapan ng mangkukulam upang patayin ang mga anak natin..."mahabang kwento ni Maricris. "Sa oras na mag kaukit ng numero ang paa ng anak mo,kabahan kana!" Babala ni Carmelita. "Bakit?" Nalilitong tanong ni Rose. "Ayan pa sa isang napag alaman namin. Ang numero na nakaukit sa paa, ay ang oras ng magiging kamatayan niya. Napatunayan namin yan sa anak ni Lyndrez. Saka alam nyo, kahit marami kaming nagbantay sa kanya... Hindi parin nakaligtas sa pagkamatay si Aileen. Wala parin nakakakita kung paano pumatay ang sino mang dimonyong yun. Napaka misteryoso ng mangkukulam na yan!" mahabang pahayag ni Maricris. "Nakakatakot!" Yun nalang ang tanging lumabas sa bibig ni Rose. "Wala narin ang anak ni Lyndrez. Hindi din nakaligtas si Aileen," nalulungot na wika ni Sharmaine sa tita niya. "Ha? Anong nangyari, paano namatay? Nasaksihan nyo ba?" "Hindi po tita. Nagulat nalang kami kagabi-habang nag uusap kami nila Lyndrez ay bigla nalang nawala si Aileen. Ganun ganun nalang ang gulat namin ng makita naming nagpagulong gulong sa hagdan ang wala nang buhay ni Aileen. May mga tusok ang dibdib nito na siguro'y bumaon sa puso niya na siyang kinamatay nito. Nagtataka lang kami ng limang tusok yun," mahabang kwento ni Sharmaine. Napakunot ang noo ng tita niya. "Kung limang tusok 'yun, posibleng kuko yun. Kuko ng tao." "Sa taas siya pinatay. Doon kasi ay nakita namin ang mga tulo ng dugo ni Aileen. Saka may nakita kaming dugo na may sulat na numerong 09:59 sa sahig ng itaas nila, na siya ding nakaukit sa paa ni Aileen. Tita, ang nakaukit sa paa ng mga anak naming namatay ay siyang palang oras, kung saan sila ay mamamatay. Yun pala ang pahiwatig ng numero sa paa nila." Nang magising si Marie ay naligo siya dahil naglalagkit ang katawan niya. Lumabas siya sa kwarto at tumuloy sa banyo. Matapos maligo ay kumain na siya ng hinandang tanghalian ng kanyang tita. "Bakit bihis na bihis ka Marie? May lakad kaba?" Tanong ng tita ng makitang nagsusuot na siya ng sapatos. "Ay kala ko po wala kayo dito. Opo, gagala po sana ako sa paborito kong parke dito sa lugar natin. Namimiss ko na po kasi eh." "Lumabas lang ako saglit para bumili ng sabon. Nilalaban ko kasi yung mga maruruming damit nyo. Teka, bakit katanghalian naman ang lakad mo?" Tumayo si Marie at lumapit sa tiya niya. ''May dala naman po akong payong. Saka isa pa, maraming puno sa parkeng yun kaya sigurado akong mahangin at malilim doon." "Oh siya, mag iingat ka. Umuwi ka ng maaga at magluluto ako ng paborito mong carbonara." "Opo, tita,"maikling sagot ni Marie. Tumuloy na sa labas si Marie. Bago paman na mainitan ang balat niya ay binuksan na niya agad ang payong na dala niya. Lilingap-lingap si Marie sa buong paligid. Tinitignan niya kung may mga nabago ba sa lugar na pinaglakihan niya. Nakita niyang may mga bahay na umasenso at ang iba nama'y ganun parin. Habang patuloy sa paglakad ay may nakasalubong siyang babaeng may balabal sa buong ulo. Bigla siyang lumapit kay Marie at agad na lumuhod. Nagulat lang si Marie kaya agad niya itong tinayo. "Okay lang kayo, ale?" Tanong ni Marie. Tinanggal bigla ng babae ang balabal sa ulo nito na siyang kinagulat ni Marie. Halos parang inaagnas na ang mukha ng babae. Imbis na maawa si marie ay tinubuan siya bigla ng takot. Ngayon lang kasi siya nakakita na taong buhay palang ay inaagnas na ang katawan. "Tulungan mo ako...Nauuhaw na ako!!" Pagmamakaawa ng babae. Nataranta si Marie. Nakatanaw naman siya kaagad sa di kalayuan ng isang malapit na tindahan. "Sandali lang po. Bibili lang ako ng maiinom. Diyan lang po kayo sa tabi," sambit ni Marie at saka siya tumakbo sa tindahan. Nang makabili ng tubig ay agad na niya ding binalikan ang babae. "Ito po oh," wika niya at saka inabot ang isang bote ng tubig na malamig. Ininom naman kaagad ng babae ang tubig. "Maraming salamat iha!" Matamlay na wika ng babae. Naintriga si Marie sa babae kaya napatanong siya kung ano bang nangyari sa kanya. "Bakit po ba nagkaganyan kayo?" Tanong niya. "Gawa ito ng mga dati kong kaklase," sagot ng babae. Lalong pumangit ang inaagnas na mukha ng babae ng maalala ang naranasang hirap noon. "Ha? Bakit po? Anong ginawa nila sayo? Dapat pina police nyo po sila," seryosong sambit ni Marie. "H'wag kang mag alala. Gumaganti na ako sa kanila..." matimtim na wika ng babae na kinagulat naman ni Marie. "Gumaganti? Paano po?" Naguguluhang tanong ni Marie. "Saakin nalang yun. Pero dahil nga pala tinulungan mo ako. Hayaan mong bigyan kita ng regalo. Tanggapin mo ito," sambit niya saka inabot ang isang lumang kahon. "Ano po ito. H'wag na po. Hindi na po kailangan,"pagtatanggi niya. "Okay lang yan. Sige na, mauna na ako at may pupuntahan pa ako." Hindi na napilit ni Marie ang babae. Umalis na ito kaagad at laking gulat ni Marie na agad itong nawala sa kalye na para bang bula. Kinutkot ni Marie ang laman ng kahon. Nanlaki ang mata niya ng makitang isang magandang transparent na kumikinang na sapatos ang nandun. Nabighani siya sa ganda nun. Sa sobrang galak ay hindi na muna siya tumuloy sa parke. Umuwi na muna siya sa bahay para isukat ang magandang sapatos. "Oh bakit napabilis ang pag uwi mo Marie?" Tanong bigla ng tita. "Look tita, ang ganda ng sapatos na ito oh!" Wika niya at saka inilabas ang sapatos at inilapag niya sa sahig. Sa sobrang sabik ay agad narin niya yung sinukat. "Aba! pakat na pakat ah! San galing yan?" Tuwang tuwang tanong ng tita niya. Mayamaya ay nag iba bigla ang pakiramdam ni Marie. Piling niya ay parang nagliliyab at na aapoy ang buo niyang katawan. Init na init ang pakiramdam niya. Nagulat ang tita niya ng makitang pinagpawisan ng isang damakmak si Marie. "Anong nangyayari sayo? Bakit pawis na pawis ka?" Maya maya pay umikot na ang paningin ni Marie, bigla siyang nabuwal at nawalan ng malay-tao. Bigla namang dumating si Rose. Sakto namang nakita niyang nakahandusay sa lapag ang walang malay niyang anak at ang lalo niyang kinagulat ay may suot pa itong sapatos. Sumigaw na si Rose. Naalala niya lahat ng sinabi nila Maricris at Carmelita. "Jusko! Marie anak ko?!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD