Chapter 14

1166 Words
(Chapter 14) "Ano nga kaya ang ibig sabihin ng mga numero na umuukit sa mga paa ng anak natin?" Tanong ni Maricris. Hindi na talaga sila mapakali. Sobra na! Marami ng namamatay. "Ano nga kaya?" Tanong din ni Carmelita? Biglang natahimik si Lanie. Napatingin siya bigla sa orasan nasa dingding ng bahay ni Carmelita. "Teka, hindi kaya ang numero na nakaukit sa mga paa ng anak natin ay ang oras ng kamatayan nila?" Napaisip din sila Maricris at Carmelita. "Oo nga no! Baka nga, yun ang oras ng kamatayan nila. Teka, alamin natin ang numero na nakaukit sa paa ni Aileen. Sana tama tayo ng hinala. Sana huli na itong kay Shane. Halika, tulungan natin si Lyndrez.." Wika ni Maricris. "Sige, puntahan nyo na si Lyndrez. Tulungan nyo ang kaklase natin. Tuldukan na natin ito!" Desididong sambit ni Carmelita. "Sandali. Kukunin ko lang sa kapitbahay namin si Rico. Isasama ko siya at baka doon na muna kami matulog kina Lyndrez." "Sasamahan mong magbantay si Lyndrez? Hindi ka natatakot?" Tanong ni Carmelita. "Oo. Saka naawa ako sa kanya. Tiyak na pag nawala ang anak niya ay hindi niya kakayanin. Naranasan naman natin diba? Mahirap mawalan ng anak..." Seryosong wika ni Lanie. "Bilib ako sayo, Lanie. Isa kang mabuting kaibigan," Nakangiting sambit ni Maricris. Umuwi saglit si Lanie, para kunin si Rico sa kapitbahay nila. Pag balik niya sa bahay ni Carmelita ay tumuloy narin sila nila Maricris kina Lyndrez. Nang makarating si Beth sa street nila Carmelita ay nagtanong tanong na siya. "Saan po dito yung bahay ni Carmelita Tejo?" Tanong niya sa babaeng matanda na nakasalubong niya. "Ayun oh. Yung may malaking kubol..." Sagot ng matanda at saka tinuro ang bahay ni Carmelita. Ngumiti si Beth at saka nagpasalamat sa matanda. Naglakad na siya, patungo sa bahay ni Carmelita. Nang makarating sa harap ng bahay ay agad na siyang pumasok sa gate. Maraming tao ang nakatingin sa kanya. Siguro kilala na siya ng nakararami dahil minsan ay kasama siya aa mga guest ni Neth sa mga tv show. "Ikaw si Beth diba?" Tanong ng isang babae na pinsan ni Carmelita. "Oo. Andiyan ba si Carmelita?" Wika niya. "Oo, halika po. Pumasok po kayo sa loob..." Aya ng pinsan ni Carmelita. Tumuloy naman siya sa loob. Doon ay nakita niyang nakaupo si Carmelita sa tabi ng kabaong ni Caren. Nagulat si Carmelita sa biglang pagdating ni Beth. "B-beth?!" "Carmelita!"Napatayo at agad na napayakap si Beth kay Carmelita. "Buti nakapunta ka. Namimiss na kita..." Wika ni Carmelita. Inaya niyang maupo si Beth at agad na nag usap. "Nakikiramay nga pala ako sa pag kamatay ng anak mo. Saka, Ano bang nangyayari? Bakit isa-isang nagkakamatayan ang mga anak nyo?" Tanong ni Beth. Huminga ng malalim si Carmelita, bago mag salita. Kinuwento niya ang lahat-lahat na kababalaghan na nangyayari kapag sinusuot ang sapatos. Halos magtaasan naman ang balahibo ni Beth sa mga narinig niya kay Carmelita. "Jusko! Totoo ba yan? Hindi kaba nagbibiro?" Natatakot na tanong ni Beth. "Totoo. Saka si Shane, anak ni Sharmaine. Patay na din. Ganun din ang nangyari." "H'wag naman sanang mangyari sa anak ko yan!" Natatakot na wika ni beth. "Sila Lanie at Maricris nakina Lyndrez ngayon. Yung anak niya kasi may sugat na, nakaukit na numero sa paa niya. Hinala namin na siya na ang susunod kay Shane. Saka hinala din namin na baka yung numero na nakaukit sa paa nila ang siyang oras na kamatayan nila. Andun sila para bantayan si Aileen. Sana lang mailigtas nila ang anak ni Lyndrez. Ang hirap mawalan ng anak..." Napapailing nalang si Carmelita habang nagkukwento. "Jusko, anong klaseng sapatos bayun at anong sumpa ang dala nun?" Tanong ni Beth. "Halos lahat kami ganyan din ang tanong. Wala kaming alam kung sino ang nasa likod ng kadimonyuhang ito. Kung ako sayo, bantayan mo narin ang anak mo. Sa mga magkakaibigan lang natin nangyayari ito. Malaking paisipan saamin kung bakit saatin lang nangyayari ito. Anong kasalanan ang ginawa natin at nangyayari ito?!" "Sandali. Si Cindy. Hindi ka siya ang may gawa nito? Hindi kaya buhay pa siya?" Biglang wika ni Beth na kinagulat ni Carmelita. "Imposible, Beth. Sumabog na ang bakanteng lote nayun, kaya imposibleng mabuhay pa siya doon." "Remember, may lahi daw na mangkukulam si Cindy. Hindi kaya totoo ang sabi sabi nila?" "Beth, wala na si Cindy. Wag mo na siyang idamay dito. Nagawan na natin siya ng kasalanan kaya 'wag na tayong magbintang." "Eh sino? Sino may gawa nito? Jusko, dapat na kaming mag ingat ni Neth. Hindi siya pwedeng mawala saakin." Nang malaman ni Beth ang kababalaghan na nangyari ay agad narin siyang nag paalam kay Carmelita. Tulad ni Lyndrez ay minabuti narin ni Beth na bantayan ang kanyang anak. Pagdating nila Maricris at Lanie kila Lyndrez ay agad nilang sinabi sa kanya ang natuklasan nilang hinala sa numero na nakaukit sa paa ng anak niya. Labis naman ang gulat at takot ni Lyndrez. "Ibig sabihin, ngayong gabi mangyayari yun. Mamayang 09:59? Jusko 'wag naman sana. Mahal na mahal ko ang anak ko." Sambit ni Lyndrez. "Lyndrez, h'wag kang mag alala. Babantayan natin ang anak mo. Dito muna kami ng anak ko matutulog. Sasamahan ka namin buong magdamag." Sambit ni Lanie. "Magpapalam ako sa asawa ko, na kung pwede ay dito muna din ako matutulog. Gusto kong tumulong sayo Lyndrez." Wika naman ni Maricris. "S-salamat sainyong lahat tita lanie, tita Maricris." Nanghihinang wika ni Aileen habang lamig na lamig parin ang buong katawan. "Oo nga salamat sainyo. Pero teka, pwede bang dito muna kayo sa kwarto ng anak ko. Pupunta lang ako sa palengke. Bibili lang ako ng lulutuin kong ulam natin mamayang gabi. Please lang wag nyong iiwan ang anak ko ah..." Sambit ni Lyndrez. "Samahan mo na si Lyndrez, Lanie. Ako na bahalang magbantay kay Aileen." Tumango nalang si Lanie at agad narin silang umalis sa bahay at tumungo na sa palengke. "Andito na ang albularyo, Sharmaine," Wika nang tita niya. "Papasukin nyo po tita..." Sagot ni Sharmaine. Nang makita niya ang matandang lalaki ay nginitian niya ito. "Sino po ang gagamutin ko?" Tanong agad ng matandang lalaki. "Siya!" Turo ni Sharmaine sa kabaong ng anak niyang si Shane. "Ha? Wala po akong kakayahang bumuhay ng taong namatay na!" Gulat na sambit ng matandang lalaki. "Wala ho akong sinabing buhayin mo ang anak ko. Nais ko lang malaman kung ano ba ang nangyari sa kanya? Kaya nyo po bang malaman kung bakit namatay ang anak ko? Alam kong hindi siya nag pakamatay." "Hindi ko sigurado na malalaman ko. Pero titignan ko," Wika ng matandang albularyo. Naglakad na siya saka sumilip sa kabaong ni Shane. Sinuri niya ang buong katawan ni Shane. Nang mapunta ang mata niya sa sugat ni Shane sa paa ay nanlaki ang mata ng albularyo. "Tama ho kayo. Hindi nagpakamatay ang anak nyo. May taong gumamit ng maitim na dasal sa anak nyo. Malakas ang taong ito. Hindi lang siya basta-basta tao lamang. May kakaiba siyang kapangyarihang taglay. Isa lang ang masasabi ko kung ano siya. Mangkukulam. Isa siyang mangkukulam."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD