(Chapter 15)
Kasalukuyang naglalakad sina Lyndrez at Lanie papuntang palengke ng makasalubong nila ang isa pang kaklase nila na si Liezel.
"Liezel?" Unang bangit ni Lanie.
"Lyndrez? Lanie?" Nakataas na kilay na wika ni Liezel.
"Liezel kamusta ka?" Tanong ni Lanie.
"Ito, naka move on, move on narin sa pagkamatay ng anak ko," sagot ni Liezel habang ang mata niya ay nakatuon sa mukang namomoblemang si Lyndrez. "Lyndrez, okay ka lang?" Tanong pa ni Liezel.
"May problema ako eh. Natatakot ako na baka ang anak ko na ang susunod kay Shane," walang ganang sagot ni Lyndrez.
"Susunod kay Shane? Bakit ano bang nangyari sa anak ni Sharmaine?" Tanong ni Liezel.
"Wala ka pa nga palang alam sa mga nangyayari. Namatay na ang anak ni Maricris, ni Carmelita, ni Sharmaine at pati narin ang anak ko. Yun ay dahil sa sapatos na sinuot nila. May kababalaghang dala ang sapatos nayun!" seryosong kwento ni Lanie.
Pinagpatuloy lang niya ang pagkukwento kay Liezel. Halos hindi makapaniwala ito sa mga naririnig niya kay Lanie.
"Jusko po, Totoo ba yan? 'Di ibig sabihin, totoo nga ang sinasabi ng pamagkin kong si Joan. Nabanggit niya kasing nung gabing mamamatay ang anak kong si Acelle, ay nagsuot daw yun ng sapatos. Simula daw ng masuot ang anak ko ng sapatos nayun ay naging weird na daw siya. Hanggang sa isang umaga nagising nalang ang pamangkin ko, na bangkay na, nakatabi niya ang anak ko," kwento ni Liezel na kinagulat naman nila Lanie.
"Ibig sabihin, nag suot din ng sapatos ang anak mo?" Tanong bigla ni Lyndrez.
"Kung ganun pala ay ang anak mo ang unang namatay..."gulat na wika ni Lanie.
Sa dami ng pinagkwentuhan nila ay hanggang sa pag uwi nila sa bahay nila Lyndrez ay kasa-kasama parin nila si Liezel.
Nagulat lang si Maricris ng makita si Liezel. Doon ay nagulat si Liezel ng makita si Aileen.
"Jusko! Aileen, tatagan mo ang loob mo..." nalulungkot na wika ni Liezel sa dalaga.
Napatayo si Sharmaine at agad na lumapit sa lalaking albularyo."Anong ibig nyong sabihin?" Tanong niya.
"May gumamit ng maitim na dasal sa anak mo. Sorry po, pero ayokong makielam. Masyadong malakas ang nilalang na may gawa niyan. Mahina lang ako at ayokong madamay sa kung anong merong alitan sainyo. Pasensya na. Aalis na ako."
Walang ano ano'y biglang umalis ang matandang lalaki. Malaking pagtataka ang bumalot sa buong isip ni Sharmaine. Ngayon alam na niyang hindi nga nagpakamatay ang anak niya. Nais niyang alamin kung ano at kung sino ang mangkukulam na tinutukoy ng matandang lalaki.
"Ibig sabihin, kinulam ang anak mo?" Tanong ng tita niya.
"Hindi ko po alam. Ang sabi ng albularyo, mangkukulam ang may gawa nito. Sigurado akong ang sapatos ang kasangkapan niya para maipahatid ang pagpatay sa anak ko. May dasal ang sapatos nayun. Sino kaya ang gumagawa nito?" wika niya na hindi mapakali.
"Sino ba ang nakaaway nyo? Sino ba ang taong may galit sainyo? Isang malaking pagkakamali na mangkukulam pa ang nakalaban nyo."
"Wala. Wala kaming kaaway o kagalit man. May hindi ka alam tita. Hindi lang saakin nangyayari ito. Pati sa mga dati kong kaklase nangyayari din ito. Namatay din ang mga anak nila. Kailangan nilang malaman ito tita. Kailangan din nilang malaman na may nilalang na pumatay sa mga anak namin!"
Pag uwi ni Beth sa bahay nila ay agad niyang hinanap ang anak niya.
"Asan si Neth?!" Bungad niyang sigaw pagpasok sa bahay nila.
"Andyan po sa kwarto niya. Kakauwi lang din po niya eh..." sagot ng isang kasambahay nila.
Agad na tumakbo si Beth patungo sa kwarto ng anak niya. Walang nang katok katok sa pinto at agad na siyang pumasok sa kwarto nito.
"Anak? May sinuot kabang kakaibang sapatos?" Bungad niyang tanong kay Neth. Nagulat naman si Neth sa biglang pag sulpot ni Beth. Muntikan na niya tuloy maihagos ang laptop na gamit niya.
"Nakakagulat naman po kayo! Bakit nyo naman po natanong?"
"Basta anak! Sumagot ka nalang! May sinuot kabang kakaibang sapatos?" Nagmamadali niyang tanong.
"Wala po. Wala nga po akong nahanap na sapatos na gaya nung kay Cinderella eh. Walang ganun sa mall. Teka, bakit po ba tila takot na takot kayo? Saka bakit nyo tinatanong kung nakasuot ako ng kakaibang sapatos nayun? "
Kinuwento ni Beth sa anak ang mga nalaman niya sa mga dating kaklase. Halos hindi naman makapaniwala ang anak sa mga narinig nito.
"My god! Totoo po bayan?" Gulat na sambit ni Neth.
"Oo anak. Saka andun nga yung iba kong kaklase sa bahay ni Lyndrez. Binabantayan nila ang anak ni Lyndrez. Simula daw kasi ng nakapag suot siya ng sapatos ay nagkaukit na, na number ang paa niya. Saka alam mo bang yung number na nakalagay sa paa niya ay ang oras ng kamatayan niya. Sana lang ay mailigtas nila si Aileen."
"Nakakatakot naman po. Dont tell me na kasama ako sa mamamatay. Saka pwedeng mangyari saatin ang nangyari sa kanila? Natatakot ako! Ayoko pang mamatay!"
"Kaya nga binabalaaan kita sa pagsuot ng mga sapatos. Saka 'wag kang mag alala hindi ko hahayaang mamatay ka. Magtatanong tanong ako sa kanila ng kung anong dapat nating gawin."
"Ang payat mo na ate Joan. Napapabayaan mo na talaga ang sarili mo!" sambit ni Diana kay Joan ng makitang lumabas ito ng kwarto niya.
"Hindi ko nga din alam kung anong nangyayari saakin eh. Piling ko nga palagi akong tulog. Piling ko may kakaibang nangyayari sa katawan ko," sagot ni Joan na tila ba'y nalilito sa sarili niya.
"Oh my gosh! For the first time nagbalik nadin ang dating tono ng pananalita mo. Wala ng talim ang bawat salita mo." Napatayo si Diana at tinitigan si Joan.
"Bakit? Kelan ba kita pinagsalitaan ng matalim?" Tanong ni Joan.
"Madalas. Palagi. Ngayon nga lang naging mahinahon ang salita mo eh. Omg! hindi kaya may sumasapi sayong kaluluwa? Saka palagi kang busy. Busy sa pagtitinda ng sapatos."
"Sapatos? Ako nagtitinda?" Nagulat si Joan.
"Oo. Sabi mo panga, napakadami ng nagsusuot nun? Ano kaba? Ano bang nangyayari sayo? Nagka amnesia lang ang peg?" Nagtataka na si Diana. Konting konti nalang paghihinalaan na niyang baliw na nga ang pinsan niya.
"Wala. Wala akong alam sa mga sinasabi mo," nagtatakang sagot ni Joan. Napapailing nalang si Diana.
"Gabi na. Hindi narin ako magtatagal. Mag iingat kayo. Bantayan nyong mabuti si Aileen," paalam ni Liezel.
"Bakit dika nalang dito maghapunan. Makakaluto na ako oh! "wika ni Lyndrez na parang ayaw niya pang umuwi si Liezel. Gusto niya ay marami siyang kasama sa bahay niya.
"Hindi na. Sa bahay na ako kakain. Salamat nalang."
"Oh sige. Salamat sa pagpunta Liezel. Mag ingat ka sa pag uwi."
Pag alis ni Liezel ay naghapunan narin sila. Maiinit na sabaw ang hinanda ni Lyndrez sa anak para mabawasan ang panlalamig nito.
"Lyndrez! Lyndrez?!" Nagulat silang lahat ng biglang may tumawag mula sa labas.
"Teka, si Sharmaine ata yun ah?" Wika ni Lanie.
"Oo nga si Sharmaine yun. Teka nga at papapasukin ko siya."
Tumayo si Lyndrez at nilabas si Sharmaine.
"Gabi na ah, naparito ka? Si Shane? Masamang nilalayasan ang patay."
"Papasukin mo muna ako. May kailangan kayong malaman,"wika ni Sharmaine.
Agad naman siyang pinapasok ni Lyndrez. Pakiramdam kasi niya ay mukang mahalaga nga ang sasabihin nito.
Pagpasok ni Lyndrez sa loob ay nagtaka lang sina Maricris at Lanie.
"Mangkukulam ang may gawa ng lahat ng ito!" Biglang sabi ni Sharmaine.
"Ha?! P-paano mo nalaman?" Biglang tanong ni Lyndrez.
Kinuwento ni Sharmaine ang sinabi ng matandang lalaking albularyo.
Habang nagkukwentuhan ang lahat ay hindi nila napansin na nakatayo at naglalakad na papunta sa itaas ng bahay si Aileen. Tila ba iba na ang kinikilos nito.
"Sino mangkukulam naman ang may gawa nito?" Tanong ni Lanie.
"Kayan nga? Saka nakapagtataka naman na satin lang magkakaibigan nangyayari ito! Ano ito, buong klase natin noon ginaganito ng sino mang mangkukulam nayun?" Naguguluhang tanong ni Maricris.
Napaisip si Lanie. "Eh kung saating magkakaklase lang nangyayari ito. Ibig sabihin, isa rin sa mga kaklase natin ang gumagawa nito. Isa sa mga Classmate natin ang mangkukulam."
Napalaki ang mata ng bawat isa. Napansin naman ni Lyndrez ang nawawalang anak.
"Teka, Asan si Aileen? Asan ang anak ko?"